Ang ikalawang linggo ng Pebrero ay idineklarang Child Sexual Abuse Awareness Week ayon sa Presidential Proclamation no 731. Kaya naman minabuti namin na ilathala ang ilang mga real-life stories mula sa aming Smart Parenting Village Facebook group, upang ipa-alam kung paano maiwasan ang sexual abuse sa mga bata.
Kaugnay ng mga kwento na ito ang panayam sa mga eksperto tungkol sa tamang pananaw, tugon, at paraan upang matigil ang abuso at maka-recover ang isang biktima.
Nawa, ang mga kwento at tips dito ay makatulong upang maging ligtas ang ating mga anak sa anumang uri ng sexual abuse.
Encourage your kids to not keep secrets from you.
Ayon sa United Nations International Children’s Emergency Fund o UNICEF, milyun-milyong bata ang nakararanas ng abusong sexual sa buong mundo kada taon. Kabilang dito ang sexual na pananakit, exploitation, pagpapakita, panghihipo, online pornography, pangmomolestia, at rape.
Ayon sa pagaaral na ginawa ng UNICEF sa Pilipinas noong 2015, isa sa limang bata edad 18 pababa ang nakaranas ng abusong sexual. Karamihan dito ay nagaganap sa loob ng sariling pamamahay gawa ng kapamilya o kamag anak.
Mahalaga na maturuan ang mga bata na mag-sumbong sa kanyang trusted guardians. Ayons sa ECPAT (End Child Prostitution, Child Pornography and Trafficking of Children for Sexual Purposes) Philippines:
"Let your child know that he or she can talk to you about anything. Warn them that if anyone threatens them or makes them feel uncomfortable or whenever she doesn't feel safe, they should let you know—and follow through on that. Encourage them to not keep secrets from you, even as trivial as gifts given to them or secrets adults tell them not to tell their parents."
Teach your kids about private parts and inappropriate touch.
Ayon kay Dr. Mary Joy Daryl Joyce Lindo-Calleja, isang child and adolescent psychiatrist sa The Medical City, ang pagtuklas sa sariling pangangatawan ng bata ay nagsisimula sa edad na 3 at 4.
Maaari din siyang maging mausisa sa pagkaka-iba ng bahagi ng lalaki at babae. Bahagi ito ng normal na paglaki ng bata at wala itong malisya.
Magandang pagkakataon ito na ituro sa bata ang mga bahagi ng kanyang katawan at sabihin kung alin ang dapat na pribado lamang. Dapat na turuan ang bata kung ano ang appropriate at inappropriate touch.
Ang Center for the Prevention and Treatment of Child Sexual Abuse (CPTCSA) ay nagtaguyod ng Personal Safety Program para sa mga grade 1 hanggang grade 10 students bago pa ang pandemya.
Ngayon, maaaring ma-access ang modules, video at teaching aids sa kanilang website. Layunin nito na magbigay alam kung paano matututo ang mga bata na protektahan ang kanilang sarili. Kabilang dito ang mga aralin sa pagdepensa sa kanilang private parts, pagtanggi na hawakan o makita ito ng iba, pag-recognize ng panganib, paglayo sa taong nagbabanta, at pagsasabi sa pinagkakatiwalaang nakatatanda.
May mga children’s books din tungkol sa aral tungkol sa kasarian at tamang pananaw sa mga pribadong bahagi ng katawan. Makakatulong it sa pag-unawa ng bata tungkol sa sex at pagiingat laban sa sexual abuse.
Your child is more important than anything, even your family's reputation. Report the incident!
Karaniwan sa pamilyang Pilipino ang maging malapit sa mga kaanak at kapitbahay, at karaniwan din ang pagtira ng mga relatives sa iisang bahay. Subalit, mas madalas mangyari ang sexual abuse sa loob ng sariling bahay, lalo na ngayong panahon ng quarantine.
Naiulat ang pagtaas ng iba’t ibang uri ng karahasan ngayong pandemiya, lalo na ang domestic violence at abuse on children, dahil nasa loob lamang ng bahay ang buong angkan at hindi makalabas para makapag-report.
Laganap ang sexual abuse sa mga bata dahil madali silang mabiktima: madali silang mapaniwala, mapasunod at takutin. Madali din para sa nananakit ang itanggi ang pangyayari kapag bata ang nagsalita laban sa kanila.
Maliban dito, ayon sa isang research na isinagawa sa University of the Philppines at ng Child Protection Network Foundation para sa UNICEF, hindi lang personal behaviour ng may sala ang dahilan ng paglaganap ng problema. Ang kultura na pagiging tahimik, takot sa magulang, at takot sa pag-ulat ay ilan sa nakakapagpalala nito.
Kaya naman napaka-halaga na ma-expose at mai-report ang ganitong mga krimen, at mabigyan ng suporta ang mga biktima.
Paano ang proseso ng pagsumbong sa awtoridad?
Ang Women and Children Protection Center o WCPC ay isang specialized unit na nakatalagang tumugon sa mga kasong sexual harassment, abuse on women and children, exploitation, gender based violence, at rescue operations sa mga biktima.
Dati itong kilala bilang Women’s Desk. Mayroong WCPC sa lahat ng police station sa buong bansa.
Ang mga nakatalaga dito ay trained para humawak ng mga maseselang kaso. Sila na rin ang nakikipag-usap sa barangay at pulis na huhuli sa salarin, rescue team na sasagip sa biktima, pagbigay-shelter kung kinakailangang ihiwalay ang bata sa kanyang magulang, at maging psychological assessment at intervention.
Tumutulong din sila sa pagproseso ng Barangay Protection Order o BPO at sa pagdala ng bata sa partner hospital para masuri.
Alamin ang numero ng inyong local WCPC. Kung hindi makalabas para makapag report o makahingi ng tulong, maaaring tumawag, magtext at mag-message sa Facebook. Sila na rin ang makikipag-coordinate sa mga awtoridad sa lokalidad ng biktima. Narito ang mga numero na dapat mong tandaan:
Women and Children Protection Center (WCPC)
09667255961 – Globe
09197777377 – Smart
Facebook messenger: pnpwcpc.alengpulis
Philippine General Hospital – Child Protection Unit
Helpline Number: 0968-7311032 / (02) 83530667
Ayon sa Philippine Commission on Women sa batas ukol sa Violence Against Women and their Children, maaaring sampahan ng kaso ang nang-abuso sa loob ng 20 taon mula sa araw ng pangyayari kung ito ay rape, o pisikal na pananakit sa babae o sa kaniyang anak.
Sampung taon naman mula sa araw ng pangyayari pwedeng magsampa ng kaso tungkol sa sexual harassment. Kaya’t hinihikayat ng mga ahensiya ng gobyerno na kung may pangyayari, ipagbigay alam agad sa awtoridad.
Para naman sa mga krimen na sinagawa ng isa ding bata na wala pang 18 taong gulang, siya ay magdadaan sa mga nararapat na proseso para sa mga batang nanlabag sa batas na panghahawakan ng mga social workers. Kabilang sa proseso ang counselling, intervention programs at rehabilitation ayon sa RA9344.
Ang pagsumbong ay maaaring gawin ng kahit na sinong taong nakakita o nakaalam sa pang-aabuso at hindi na kinakailangan ang pagpapaalam sa biktima at sa mga taong sangkot. Ang identity ng nagsumbong ay mananatiling pribado. Ang layunin ng mga awtoridad ay tumulong at hindi manisi.
Stand against victim blaming.
Ayon sa CPTCSA, victim blaming ang tawag kapag ang biktima ang pinag-bibintangang nag-udyok ng abusong nangyari sa kanya. Ito ay nagdudulot ng social stigma para sa biktima habang ang may sala ay malaya.
Binigyang diin ng CPTCSA na habang ang biktima ay responsible sa sarili niyang kinikilos, hindi dapat sa kanya isisi ang gawain ng iba.
Sa naging webinar ng Council for theWelfare of Children, CPTSCA at World Vision noong Pebrero 2022, sinabi na kinatatakutan ng ibang magulang ang magreport dahil baka sila ang sisihin at madawit sa pangyayari.
Paalala nila na sa batas, sangkot lamang ang magulang kung sila ay napatunayang may tinulong sa pagplano at pagsagawa ng abuso, may masamang balak o pagsawalang pakialam nung kanilang malaman ang pangyayari.
Help the victim to heal.
Sa 2016 na ulat ng UNICEF, malalim ang nagiging psychological problem ng taong nagdaan sa sexual abuse. Nagiging mahina ang kanilang psychosocial development, nagkakaroon ng pagsisisi sa sarili, bumababa ang self esteem, at nagkakaroon ng depression at negatibong pananaw sa ibang tao at sa mundo. May mga nananakit ng sarili, gumagamit ng drugs at nagkakaroon ng pagbabalak mag-suicide.
May paraan para makarecover ang isang dati nang naging biktima ng karahasang sexual. Bukod sa counselling, maaaring kinakailangan din magdaan sa therapy. Simulan muna sa maliliit na paraan tulad ng pagbuo ng support system at pagtawag sa mga online counsellors:
Rapha Helpline free online care and support
Globe (Mondays, Wednesdays, Fridays) 8am-5pm 09776520230
Viber (Mondays and Wednesdays) 09617182654, (Tuesdays and Thursdays) 09617182658 (Fridays) 09677182655
Hopeline, 24/7 suicide prevention and crisis support helpline.
Smart: 09188734673
Globe: 09175584673 / 2919
PLDT: (02) 88044673
In Touch Philippines, 24/7 Crisis Hotline
Smart: 09228938944
Globe: 09178001123
Landline: (02) 88937603
Counselling Service: (02) 88931893
Center for the Prevention and Treatment of Child Sexual Abuse (CPTCSA)
Therapy services for the sexually abused child, minor sex offender and Family therapy:
Landline (02)8985-0234
Facebook: CPTCSA.org
Maya's Organisation Philippines, Inc.
A support group based in Davao offering help and advice to survivors and victims of sexual, physical or emotional abuse.
Landline: +63 (82) 2215557
Smart: 09631115935
Globe: 09667552253
Facebook: mayasorganisationphil
How to protect your child from sexual abuse
May payo si Dra. Virgi Lea Esquivel Aguas, isang pediatrician sa Philippine General Hospital at Pope John Paul II Hospital, at miyembro ng Smart Parenting Village, kung paano matuturuan ng magulang ang kanilang anak na depensahan ang sarili laban sa sexual abuse.
1. Teach kids the proper names for their genitals and private parts.
Alisin ang hiya na sabihin ang mga salitang “vagina” o “penis”. Iwasan na tawagin itong “flower”, "bird', "putuytoy" at iba pang pangalan. Sa ganitong paraan, madaling makakapag-sumbong at makakapag-explain ang bata kapag may nagtangkang humawak ang kanyang private parts.
2. Never let children undress in public places or with other people around.
Seeing kids naked invites the offender, and it teaches kids that it’s okay for other people to see their private parts.
3. Teach kids that only doctors and trusted guardians can clean or touch their private parts, with consent.
Teach them to tell parents right away if any other person touches their private parts.
4. Most importantly, when any child discloses an act of abuse, believe her or him.
And reassure the victim that it is not her or his fault. Report the incident!
5. Report to the authorities.
If the act (especially if penetrative sex) happened within three days, bring the child to the emergency room for medical examination and proper documentation of findings.
Otherwise, still bring the child to her or his pediatrician for assessment and intervention of any mental trauma that the incident may have caused.
Para kay Dra. Esquivel, the bottomline is “as much as it takes a village to raise a child, it also takes a village to protect one”.
Ang kwentong ito ay hango sa mga tunay na #SPConfessions na ipinadala via Smart Parenting Village. Ang ilang mga detalye ay bahagya naming binago upang bigyang proteksyon ang nagpadala sa amin ng kwentong ito. Edited for spelling, punctuation, grammar, and formatting.
Mayroon ka bang sariling #SPConfession na nais ibahagi sa amin? Ipadala lang kay Sara Palma sa aming Facebook group, ang Smart Parenting Village o hindi kaya ay i-email sa amin sa smartparentingsubmissions@gmail.com.