embed embed2

Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Smart Parenting Village Picks 2019: Lahat Ng Aming Paboritong Produkto

    Mula sa breast pumps hanggang sa mosquito repellents at iba pa.
    by Ana Gonzales .
Smart Parenting Village Picks 2019: Lahat Ng Aming Paboritong Produkto
PHOTO BY iStock
  • Noong isang taon, halos 26,000 pa lamang ang miyembro ng aming Facebook group na Smart Parenting Village. Ngayong taong ito, mayroon na itong mahigit 50,000 na miyembro at patuloy pang lumalaki ang grupo. 

    Kabilang dito ang iba’t-ibang uri ng mga nanay, tulad ng mga working moms, stay-at-home working moms, single moms, teen moms at iba pa. Lahat sila ay nagtutulungan para sa iisang hangarin—ang makapagpalaki ng mga batang malulusog, masisigla, at mabubuti ang mga ugali.

    Kaya naman sila-sila rin ang nagtutulungan pagdating sa pagpili ng mga produktong gagamitin para sa kanilang mga anak. Narito ang ilan sa mga produktong paborito at highly recommended nila:

    Best diaper pants

    Ngayong taon, maraming mga nanay sa Village ang nagtanong kung ano ang pinaka effective na diaper pants para sa mga batang makulit at malikot. Nanguna sa listahan ang MamyPoko Extra Dry Pants. Ayon sa mga nanay, ito ‘yung MamyPoko na nasa blue na packaging. Sulit dahil wala talagang leak kahit na gaano pa kakulit ang mga bata.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sumusunod sa listahan ang Pampers Premium Care Pants na madalas ay ginagamit ng mga nanay bilang overnight diaper ng kanilang mga anak. Ayon sa kanila, talagang wala itong tagas sa buong magdamag na suot ito ni baby.

    Highly recommended din ng mga nanay ang Goo.N Diaper. Ayon sa kanila, epektibo ito para sa mga batang heavy wetter. Maraming mga nanay din ang nagrekomenda ng Huggies at EQ Pants. Ayon sa kanila, kung isinasaalang-alang mo ang budget, ito ang pwede mong pagpiliian.

    More from Smart Parenting

    Best lightweight and budget-friendly stroller

    Maraming mga pamilya ang nag-travel ngayong taon kaya naman maraming mga nanay ang nagtanong ng pinakamaganda at magaan na stroller na pwedeng gamitin. 

    Nangunang brand sa listahan ang Akeeva. Maaari kang mamili sa mga sumusunod: Akeeva Capsule, Akeeva Atom, o Akeeva Aerolite X. Pumapangalawa naman ang Aprica Nano Smart Plus. Ayon sa mga nanay, medyo may kamahalan lang ito, ngunit sulit naman dahil talagang ginawa para sa pag-tatravel.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Looping Squizz naman ang nirekomenda ng ilang nanay lalo na para sa mga kapwa nila nanay na hindi kayang mag-buhat ng stroller.

    More from Smart Parenting

    Best breast pump

    Pagdating naman sa usapang breastfeeding, maraming nanay sa Village ang na-inspire ng mga celebrity moms na tulad nina Andi Eigenmann, Sitti, at Rica Peralejo. Game na game kasing ibinahagi ng mga nanay na ito ang kanilang struggles sa pagpapadede sa kanilang mga anak. 

    Kaakibat nito, maraming nagtanong kung ano nga bang manual at electric breast pump ang pinakamagandang choice. Tulad noong isang taon, nanguna pa rin ang Haakaa, dahil na rin sa simple, portable, at madali itong gamitin. Sumusunod sa listahan ang Spectra at ang Medela Pump In Style Advanced. Nirekomenda rin ng mga nanay ang Horigen, Pigeon, Lansinoh, Dula, and Barney Manual Pump.

    More from Smart Parenting

    Best baby wash

    Consistent na numero unong rekomendasyon ng mga nanay sa Village ang Cetaphil Baby. Bukod daw kasi sa talagang gentle ito sa balat ng mga bata, long-lasting din ang bango nito. May ilang nanay din na nagsabing nakakatulong ito para maiwasan ang dry skin sa ulo at mukha ni baby.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nirekomenda rin ng mga nanay ang Aveeno Baby, Baby Dove, Mustela, at Lactacyd Baby.

    More from Smart Parenting

    Best baby bottle

    Hindi naman nagbago ang choice ng mga nanay pagdating sa best baby bottle para sa kanilang mga anak. Ayon sa kanila, Avent ang best choice kung i-tatransition mo na ang iyong anak mula sa iyong breast papunta sa bote. Ayon sa mga nanay, ang mga Avent bottles ay may malambot na breast-shaped nipples na magugustuhan ng mga bata. 

    Nagustuhan din ng mga nanay ang Pigeon at Dr. Brown’s Baby bottles. 

    Ito laman ang ilan sa mga highly recommended at subok na na produkto na ginagamit ng mga nanay. Tandaan na ang pagpili ng produkto para sa inyong mga anak ay hiyangan. Huwag matakot na sumubok ng mga produkto. Basta’t mayroon kang inilaang sapat na panahon para sa research at isinaalang-alang mo ang experience ng ibang mga nanay, mahahanap mo ang mga produktong hiyang sa mga anak mo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Paano mo pinipili ang mga produktong ginagamit mo para sa mga anak mo? I-share mo lang sa amin sa comments section.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles