embed embed2
  • Simula nang maturuan ni Solenn Heussaff ang panganay nila ng mister na si Nico Bolzico ng potty training, walang palya na ang pagpunta ni Baby Thylane sa banyo sa tuwing nadudumi ito. 

    Kuwento ni Solenn sa SmartParenting.com.ph sa isang online event na 6 months old si Baby Thylane nang magsimula ang kanilang pagsasanay at naging matagumpay sila. Aniya na may pagmamalaki, “So, she’s been doing her Number 2’s in the toilet bowl for the last two months straight. No fail.”

    What other parents are reading

    Paano ang potty training ni Solenn

    Ibinahagi ng actress-artist at first-time mom ang ilang mga bagay na natutunan niya habang dumadaan sa potty training ang kanilang 8-month-old baby girl.

    Alamin ang facial expression ng bata

    Pansin ni Solenn na kapag madalas kasama ng magulang ang kanyang anak, malalaman at mababasa niya ang iba’t-ibang ekspresyon na lumalabas sa mukha ng bata. Kaya sa pagdaan ng panahon, nalaman na niya ang ekspresyon na ginagawa ng kanyang sanggol kapag nadudumi na ito. 

    Tinandaan ni Solenn ang ekspresyon na iyon at sa sandaling lumabas na iyon sa mukha ni Baby Thylane, itinatakbo na niya ito sa banyo at pinapaupo sa toilet seat na may extender para sakto ang laki sa bata.

    Sabayan ang bata sa paggawa ng grunting sound

    Kapag napaupo na ni Solenn si Baby Thylane, gumagawa siya ng tunog ng pag-ire para gumaya ang anak at ituloy ang pag-ire nito hanggang matapos ang pagdudumi. Sa ganyang paraan natuto si Baby Thylane at ginagawa na niya ito araw-araw sa banyo. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Maging consistent sa pagsasanay sa anak

    Payo ni Solenn sa kapwa magulang na ituloy-tuloy lang ang sariling paraan ng potty-training sa anak at huwag mawalan ng pasensiya. 

    Sa ngayon, hindi pa pinagkakatiwala ni Solenn ang potty training kay Nico dahil hindi pa daw nababasa ng asawa ang ekspresyon sa mukha ni Baby Thylane. Sang-ayon naman dito si Nico, na aminadong nagiging distraction lang siya para sa bata kapag sumasama siya sa banyo.

    Paliwanag ni Solenn na tumitingin si Baby Thylane kay Nico na parang nagtatanong, “What are you doing in this toilet?” Hindi bale na daw na walang partisipasyon si Nico dahil malaki na ang naging ambag nito sa pagpapalit ng diaper noon. 

    Tila kay Nico naman nakatoka ang paghahabol kay Baby Thylane bilang maliksi ito at mabilis nang natututong lumakad. Lahad niya na ilang saglit lang nilang ilapag ang bata sa sahig ay kaagad itong gumagapang o di kaya lumalakad. 

    CONTINUE READING BELOW
    watch now
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close