The following story of Carmela Dawn Abas and her daughter was shared to Smart Parenting Village, Smart Parenting's Facebook community with 93,400 members and counting. To join our thriving community of Filipino parents where you can connect with other parents, click on the link. Smart Parenting editors have made minor edits for clarity.
Kuwentong #SingleParent tayo.
My daughter is 4 years old. She knows that she has a father. She knows her father. Alam niya rin kung ano yung setup namin. At para sa kaniya, kahit kami lang dalawa, we are still a family.
Malalim ang pagiintindi ng isang batang pinapalaki ng iisang magulang. Kaya niyang ma-gets lahat ng ipaliliwanag mo sa kanya. Mababaw man ito o malalim. Masaya man o masakit.
First time niya pumasok ngayong academic year. Sa mga solong ina na kakilala ko, Family Day sa school ang kinatatakutan nila. Feeling kasi nila requirement na may buong pamilya.
Bago pa man dumating ang event na ito sa amin, araw-araw sa school pakiramdam namin ay Family Day na sa dami nang mommy and daddy na sumusundo sa friends niya.
Noong Christmas Party ay first time kong marinig na nagsabi ang anak ko, "Mommy, my friends have their daddies!" Iniintay ko kung ano pang sasabihin niya. Hindi siya umimik pa pero nakita kong noong eksaktong oras na 'yun ay hindi siya masaya. Ipinaliwanag ko, "He is not here, I am sorry. Do you want to join the game with Mommy?" She then said yes then grinned big.
Unang beses ko ring makaranas ng Parent-Teacher Conference this year. Sabi sa akin ng teacher niya, one time raw ay Family ang lesson nila. Sabi raw ng anak ko, "I do not have my Daddy but it's okay because I have my Mommy!"
Nakakatuwa na naiintindihan niya ang ganitong ka kronkretong konsepto. Isang beses naman ay napansin niyang matagal na hindi niya nakikita iyong assistant teacher nila. Sabi niya sa lead teacher, "It's okay if there is only one teacher. It's okay if it's just you and us." Kahit sa ibang idea ay kayang niyang i-apply ito.
Kanina lang ay binigyan ko siya ng background sa mangyayaring Family Day sa school sa March. Sinabi ko na makikita niyang kasama ng mga friends niya ang daddies nila pero her dad can not be there with us.
Maluha-luha ako sa sagot niya,"Mommy, if my Daddy is there, I am happy. If my Daddy is not there I am still happy becuse I love you!"
Napakasarap na marinig ito sa anak ko. Ito rin naman kasi ang pinaghihirapan ko. Unang hakbang sa pagiging kumpleto bilang tao. Ang hindi itago sa kanya ang totoo. Hindi ako hirap magpaliwanag sa kanya kasi kahit ako, nakikinig. Hindi siya mahirap makinig kasi pati siya, pinakikinggan.
Makikita ng bata kung ano ang importanteng mayroon siya kung alam niya rin kung ano ang wala siya.
Read about how you can grow as a solo parent here.