retirement,retirement fund,real parenting,Smart Parenting Village,utang na loob,generational cycle,lch-00391,team-00391,#SPConfessions: Dealing With An Ungrateful Parent,Family & Relationships,People & Society,Family and Relationships,smart parenting village,A mom at the Smart Parenting Village asks for advice on whether she should continue supporting her mom even though she is ungrateful to her.
ParentingReal Parenting

#SPConfessions: 'Naaalala Lang Ako Ng Nanay Ko Pag Sweldo Na'

"Worth it pa bang padalhan ng pera 'yung magulang mo kahit ungrateful sila?"
ILLUSTRATIONMARIA STEPHANIE OCAMPO

Ang kwentong ito ay hango sa isang tunay na #SPConfessions na ipinadala sa amin sa Smart Parenting Village. Ang ilang mga detalye ay bahagya naming binago upang bigyang proteksyon ang nagpadala nito.

Hello mga ka-SPV. It's my first time to post here, hingi lang sana ako ng payo regards po sa akin at sa nanay ko. Here's my story.

Noong nakapagtapos ako ng college, nagtrabaho na ako kaagad. Simula noon, lagi na akong naka-support sa parents ko financially. Sa edad na 21, naisip kong magtrabaho abroad. Mas malaki na yung naibibigay ko sa kanila, as in kahit wala nang matira sakin. That time kasal na ako at thankful na sobrang maintindihin ni husband na pinatuloy pa rin niya ako magtrabaho abroad for the sake of my parents.

Noong una, bukal pa sa loob ko ang magbigay. Pero hindi ko maiwasang makaramdam ng sama ng loob sa kanila, kasi feeling ko naalala lang nila ako 'pag araw ng sahod na.

#SPConfessions: Mom asks for advice in dealing with ungrateful parent

Fast forward, umuwi ako ng Pinas to settle down and build my own family. For me, naibigay ko naman ang best ko to help them, pero nag-iba ang sitwasyon.
Nagalit sa akin ang nanay ko maybe dahil mapuputol na ang support ko na pera sa kanila. Hindi nila ako kinausap noong umuwi ako. Hindi nila ako sinalubong. Umiiyak ako palagi sa asawa ko kasi hindi ko alam kung anong naging kasalanan ko sa kanila. Pero napakabuti niya dahil sinasabi niya palagi na intindihin ko nalang sila kasi matanda na sila.

Humingi ako ng sorry sa mga magulang ko para lang din matahimik na kami. Ayokong kagalit ang magulang ko kasi buntis ako noong panahong iyon. Naka-support pa rin naman ako sa kanila kapag kailangan nila ng pera lalo na pag emergency, pero hindi na katulad noon na monthly ako nakakapagbigay kasi wala naman akong trabaho. Wala na rin akong naipon kasi pinadala ko sa kanila halos lahat ng kinita ko noon.

watch now

Ngayon na nasa ibang bansa ako ulit, gusto ko pa din naman suportahan sila kahit konting halaga lang. Simula nang magtrabaho ako dito bilang isang casual worker, monthly akong nag-aabot ng Php 7,000 sa kanila. 

Nasaktan ako nung malaman ko na ang kuwento pala ng nanay ko sa ibang tao ay ganito: "Naturingang may anak ako sa ibang bansa, pero parang wala rin naman." Maliit na halaga pala ito para sa kanya.

"Alam kong hindi naman ito obligasyon, pero dahil mahal ko sila sa kabila ng mga nangyari sa amin, sinisingit ko sila sa budget ko. Napakasakit lang isipin na may nanay akong ungrateful."

Hindi ko alam kung ano ba ang ini-expect niya sakin. Lagi kong sinasabi sa kanya na mahal din ang cost of living dito, at may mga anak ako na sinusuportahan. Hindi rin ako full-time sa trabaho. Akala ko masaya siya na nakakapag-abot ulit ako sa kanila.

Isang beses, sinabihan ko ang nanay ko na nagpadala ako ng pera, ngunit madedelay ang pasok ng pera.

Ang sagot niya: "Ayun lang, patay na."

Sagot ko, "Ha? Anong patay na? Naipadala ko naman na, hindi ko alam bakit matagal ngayon ang processing. Hindi ko naman hawak ang system nila.

"Eh ano pa nga magagawa ko, hindi nalang kami kakain. Magtitiis nalang kami sa itlog at tuyo," ang sagot niya.

Madami pa siyang sinabi at ramdam ko na inis na inis siya sa nangyari.

Akala ko magiging masaya siya dahil nagpapadala pa rin ako, pero hindi. Ang pinakamasakit sa lahat, hindi ko man lang narinig na nagpasalamat siya, ni kumustahin man lang ako dito.

Napaisip ako kung worth it pa ba na padalhan sila ng pera? Alam kong hindi ko naman ito obligasyon, pero dahil mahal ko sila sa kabila ng mga nangyari sa amin, sinisingit ko sila sa budget ko. Napakasakit lang isipin na may nanay akong ungrateful.

Parents weigh in on how to deal with an ungrateful parent

Parents at the Smart Parenting Village were quick to comfort the anonymous mom. They referred to the act as a toxic Filipino trait wherein the parent treats their child as a "retirement plan," relying on them to provide for their needs because they weren't able to save up for their golden years. 

Mommy Christie advised the anonymous mom to continue giving what she can out of love and with a joyful heart, and disregard their negative comments about the amount. Mommy Rachel supported this, saying, she should only contribute an amount that won't compromise her savings and mental health.

Other parents expressed that it's a lesson for parents to save for our own retirement. Mommy Vee shared that this culture should no longer be passed on to our children, "Huli na tayo, mga ma. Hindi natin ipaparanas sa mga anak natin yung ganyan."

Planning for your retirement

As parents, it is important to plan our retirement fund ahead so that we won't experience financial difficulties in the future. Here are some ways that can help:

1. Government benefits

For those who are employed in private or public sector, you can enjoy the fruits of your hard work if you meet the minimum contributions. This way, you are assured to receive a certain amount monthly as you retire. 

Recently, the Philippines Social Security System encouraged its members to boost their savings with their voluntary savings plan that offers a “projected annual return rate of 7.2%.” Read more about MySSS Pension Booster here.

2. Health or life insurance

Before you invest in a business or property, it's advisable to invest in yourself first by securing an insurance policy. Getting an insurance for yourself ensures that your family will receive a certain amount of money in case of an emergency, illness, or death. This way, the burden to provide for your hospitalization expenses will not fall on them. Read more about getting a health insurance here.

3. Other investment options

There are other ways to grow your savings, like investing in Pag-IBIG MP2 Savings, starting a business, or buying a property. Read how parents were able to achieve their first million here.

Lesson learned: Treating kids as retirement plans ends with us

After a few days, the anonymous mom posted again on Smart Parenting Village to thank those who shared their insights, "Sobrang laking tulong po noon kasi nakapag-open up ako ng problema then may mga nakinig," she said.

"Hindi ko po ititigil magpadala ng pera, pero ito ay naayon lang sa kakayahan ko or kung may sobra lang. Mag-iiwan lang ako ng message na nakapagpadala na ako to let them know that I'm not okay, I hope makaramdam siya. If not, okay lang, tanggap ko naman na ganon na talaga ang nanay ko."

"Sa father ko po walang problema kasi kahit minsan hindi sya nanghingi sa akin ng pera, minsan siya pa nagbibigay. And lagi niya sinasabi unahin ko ang pamilya ko at wag sila intindihin kasi matanda na sila. Ako dapat ang magipon para sa mga anak ko. Kaya sobrang hirap sa kalooban ko kung tatalikuran ko sila.

"Maging lesson sa akin at maging sa inyo na 'wag natin ipasa sa mga anak natin ang obligasyon pagtanda nila," she concluded.

Mayroon ka bang sarili mong #SPConfessions na nais ibahagi sa amin? Ipadala lang kay Sara Palma sa Smart Parenting Village o hindi kaya ay i-email sa amin sa smartparentingsubmissions@gmail.com.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close