;
embed embed2
  • Tanong Ni Chariz Solomon Araw-Araw Bilang Mom Of 3: ‘Anong Ulam?'

    May tips ang Kapuso comedienne tungkol sa gawaing bahay.
    by Jocelyn Valle .
Tanong Ni Chariz Solomon Araw-Araw Bilang Mom Of 3: ‘Anong Ulam?'
PHOTO BY Instagram/chariz_solomon
  • Welcome to Real Parenting, a space where parents can share the joys, pain, and the mess of parenthood. Want to get something off your chest? Share your parenting journey? Email us at smartparenting2013@gmail.com with the subject "Real Parenting." Click here to read more 'Real Parenting' stories.

    Bilang work-at-home mom, si Chariz Solomon ang punong-abala sa gawaing bahay, lalo na't wala silang kasambahay nitong nakaraang isang taon at kalahati ng COVID-19 pandemic.

    Buntis pa naman ang GMA -7 actress ng mga panahon na iyon, at kahit nanganak na siya noong September 30, 2020, wala rin silang yaya para sa baby at sa dalawa pa niyang mga anak. Busy din kasi ang partner niya sa trabaho sa isang international company.

    Kaya napailing na lang si Chariz nang tanungin siya ng SmartParenting.com.ph sa aming exclusive interview kung paano magpalaki ng three boys: Apollo, 8 years old (sa November 17); Ali (6 sa December 17), at Andreas, 1.

    "Ang CR namin, oh my God!" sambit ng Bubble Gang mainstay. "Ang hirap, hirap. Katulad ngayon, nakalimutan kong mag-defrost ng karne para sa dinner. Kasi gumagawa ako ng Excel file no'ng live selling ko kagabi. 'Tapos nagte-taping pa ako on the side. Pero masaya kami, ha?"

    Maraming kuwento si Chariz sa kanyang buhay nanay, na pangarap noong bata pa siya.
    PHOTO BY Instagram/chariz_solomon
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Makikita sa Instagram posts ni Chariz kung paano niya dinadaan sa comedy ang hindi biro niyang mga gawain. Enjoy naman daw talaga siyang gumawa ng household chores at nakaisip na siya ng mga paraan para maging mas efficient ang pagpapatakbo niya sa bahay.

    Nag-invest nga raw siya sa washing machine na "paglabas ng nilabhan, isasampay na  lang," at "it's really, really worth it." Pero aminado siyang nagpapa-laundry ng bedsheets at damit pambahay nilang mag-partner.

    Lahad ng mom of three, "'Yung sa mga bata, ako na lang talaga naglalaba, pero talagang meron pang dalawang tall basket. Kasi siyempre 'yung sampayan limitado. Hindi naman puwedeng dikit-dikit, mangangamoy kulob. So talagang patience. 'Yung tiklupin ko, dalawang tall basket din...Tatlo pala kasi sa room pa nitong dalawa."

    Mahirap, pero masaya ang pagpapalaki ng three boys, sabi ni Chariz.
    PHOTO BY Instagram/chariz_solomon

    Dagdag challege pa sa kanyang buhay-nanay ang pagmintina ng kusina at pag-iisip ng iluluto tatlong beses isang araw. Kaya gumawa siya ng Facebook group para sa mga kaibigan at kapwa niya mommy. Tinawag niya itong "Anong Ulam?"

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Paliwanag ni Chariz, "Kasi para mag-share naman kayo ng ulam. Nauubusan na 'ko. Puro ako Arroz a la Cubana. Kanina, Arroz a la Cubana na naman. Ang lakas sa itlog. Alam ninyo 'yun? 'Yung giniling na may itlog?

    "Pero favorite nila 'yun. Ang lakas sa itlog. Mahal din ang egg. 'Tapos ayaw nila 'yung mga sinigang. Kumakain silang sinigang pero mas hindi prefer 'yung gano'n."

    Kuwento pa ni Chariz, hindi dumaan sina Apollo at Ali sa puree na pagkain. Nasanay daw ang dalawang bata sa mashed na mga gulay na tinitimplahan niya ng spices, tulad ng garlic, onion, ground black pepper, at turmeric. Basta raw tinatanong niya ang pediatrician kung anong puwedeng ipakain sa mga bata.

    Ngayon daw wala siyang problema sa pagpapakain sa mga anak, kahit ampalaya at laing. Puna lang niya na hindi na gusto na mga bata ang mushroom, puwera na lang daw kung crispy mushroom.

    Lahad ni Chariz, "Pero lahat talaga kinakain, 'yung mga hilaw na luya. 'Yung sa Korean, 'yung side dish, hilaw na sibuyas, lettuce kinakain ni Apollo. Spicy. Nakakaloka siya! So foodie 'tong panganay ko. Si Ali, medyo maaga nag-table food, parang 10 months. Mas picky si Ali pero kakainin niya."

    Sa palagay niya nakakatulong ang ganitong linyahan sa anak: "Kainin mo 'yan talaga! Hindi ka tatayo diyan." Dagdag pa niya, "Talagang nagtutuos kami...Kasi malaking bagay 'yung hindi ka nag-aalala sa pagkain ng anak mo."

    Kaya umaasa si Chariz na lumaki ang bunsong si Andreas na hindi rin pihikan sa pagkain, tulad nila Apollo at Ali.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles