embed embed2
  • Team Tulog! Kanya-Kanyang Diskarte Lang Mula Sa Puyatan Sa Pagbabantay Kay Baby

    Silipin ang pagnakaw sa tulog ng ilang celebrity parents.
    by Jocelyn Valle .
Team Tulog! Kanya-Kanyang Diskarte Lang Mula Sa Puyatan Sa Pagbabantay Kay Baby
PHOTO BY Insatgram/mysheenahalili and solenn
  • Welcome to Real Parenting, a space where parents can share the joys, pain, and the mess of parenthood. Want to get something off your chest? Share your parenting journey? Email us at smartparentingsubmissions@gmail with the subject "Real Parenting." Click here to read more 'Real Parenting' stories.

    Talaga namang napakahirap makatiyempo ng tulog para sa mga magulang ng baby na madalas gumigising sa kalagitnaan ng gabi. Pero sabi nga ng isang psychologist, hindi dapat bale-walain, lalo ng new mom, ang sariling pangangailangan. (Basahin dito kung bakit.)

    Team tulog!

    Isa sa mga pangangailangan o needs ang tulog. Hindi magagampanan ng magulang ang kanyang mga tungkulin sa anak at sa kanyang sarili kung kulang siya sa tulog. Kaya naman, kanya-kanyang diskarte na lang, gaya ng ginagawa ng ilang celebrity moms at dads.   

    Solenn at Nico

    Dinaan ni Solenn Heussaff sa isang litrato para sabihin sa kanyang Instagram followers kung ano ang gagawin nilang mag-asawa na si Nico Bolzico at kanilang 11-month-old unica hija na si Thylane sa parating na weekend.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa post ng actress-artist noong December 18, 2020, makikitang mahimbing ang tulog nilang mag-anak. Aniya sa caption, “How we are spending the weekend.”

    Sheena Halili

    Knockout si Sheena Halili sa unang umaga niya pagka-uwi galing sa ospital para isilang ang panganay nila ng asawang si Jeron Manzanero nito lang December 12. Pero puno naman ng sigla at saya ang kanyang puso hatid ng baby girl na pinangalanan nilang Martina Candice.

    Lahad ng aktres sa caption ng Instagram post, “Wala nang gaganda pa sa pagiging mommy. Kahit anong hirap, aminin natin, ang saya pag busog at sleeping na siya peacefully.”

    Dianne at Rodjun

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Nagmistulang bantay ng natutulog na mag-asawang Rodjun Cruz at Dianne Medina ang unico hijo nilang si Joaquin, 3 months old.

    Gising na gising ang baby boy habang himbing na himbing naman ang kanyang mga magulang sa Instragam post ni Dianne.

    Kryz at  Slater

    Noong mga unang araw ng pagiging new mom ni Kryz Uy sa panganay nila ng mister na si Slater Young, mukhang nag-adjust nang husto ang fashion blogger. Aniya sa isang Instagram post, iba na ang “sleep situation” niya kumpara sa panahong manganganak pa lang siya.

    Pagbabalik-tanaw niya sa isa pang post, “Sleep was plentiful. I miss my dear friend, Mr. Naptime.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Katuwang ni Kryz si Slater sa pag-alaga sa kanilang baby boy na si Scottie, 6 months old. Kaya di mapigilan ng engineer at Pinoy Big Brother 2012 winner na magnakaw ng tulog at sabayan sa panaginip ang sanggol. 

    Ryza Cenon

    May reklamo si Ryza Cenon sa kanyang baby boy na si Night, na ipinanganak noong October 31, 2020. Pahayag ng aktres sa Instagram, “Naku po! Dinadaan niya sa pa-cute. Ah, anak, mag-6 a.m. na. Baka gusto mong matulog?”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pero mala-anghel pa rin ang tingin ni Ryza sa panganay nila ng partner na si Miguel Cruz. Sa isa pang post, puring-puri niya ang sanggol sa caption, “Our life, our light, our Night. We love you.”

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles