Sa digital na kapanahunan na ito, madaling ipalagay na ang mga librong pambata ay dahan-dahan nang kumukupas at nalalaos. Nakakagulat malaman na ang 2017 ay naging isang abalang taon para sa mga publisher ng libro ng mga bata. Itinakda nila ang bar na mataas para sa kanilang sarili na pagkakaroon ng malawak na pagpipilian ng mga natatangi at nakakaengganyong mga libro na nasisiyahan kahit na ang mga may edad na. Pinaikli na namin ang listahan sa dalawampu na pinaka-paborito namin para sa taon. Ang lahat ng mga nakalistang pamagat ay buong pagmamalaking isinulat, isinalarawan at nai-publish ng mga Pilipino.
Mga libro para sa 0-4 (zero hanggang apat) na taong gulang
1. Pagtulog Na, Nene (Php100)
Gusto mo bang kantahan ang iyong sanggol ng isang lullaby o panghele sa wikang Filipino ngunit hindi mo maituloy dahil sa lyrics? Subukan ang klasikong pangheleng Hiligaynon na tugma sa mga nakakamanghang guhit ng isang ina at anak ng kilalang at marami nang nakuhang parangal na pintor, na si Hermes Alegre. Kasama ng mga pagsasalin sa Ingles at music sheet, ito ay isang mahusay na libro para sa mga bagong ina. (Panoorin ito upang marinig ang berisyon ng Philippine Madrigal Singers)
2. Masayang Magtanim! (Php199)
Isang kaakit-akit na picture book o maliit na libro ng larawan na nagpapakita ng isang batang nagtatanim at nag-aalaga ng mga binhi ng monggo hanggang sa wastong laki nito para anihin para sa isang malusog na pagkain ng pamilya. Tiyak na ilalabas ng librong ito ang green thumb ng iyong anak!
3. Tagu-Taguan (Php295)
Ang board book na edisyon ng 2010 ng tanyag at pinangaralang orihinal na pamagat ay sadyang ginawa para sa maliliit na mga kamay, na magpapahintulot sa mga bata na matuto tungkol sa mga insekto at magbibilang ng isa hanggang sampu sa Ingles at Filipino. Ito ay perpekto para sa pagbabasa kapag kayo ay nasa hardin,kung saan ang iyong maliit na bata ay maaaring makakita ng mga tunay na gumagapang na mga insekto!
4. Kayang-Kaya! (Php350)
Hikayating magkaroon ng tiwala sa sariling kakayanan ng bata gamit ang maliit na board book na ito. Ang pabalat sa likod ay magagamit din bilang lacing activity board o sanayan ng pagsisintas, mainam para sa pagpapaunlad ng maayos na pagkilos upang ihanda ang iyong anak sa paghawak ng mga lapis at sa pagsulat.
Mga libro para sa mga toddlers at preschoolers
5. Bee Helpful (Php100)
Ipinapakita ng bubuyog na si Dee (Dee the Bee) sa mga maliliit na bata kung paano siya makakatulong sa kanyang nanay, tatay, guro at sa lahat ng nasa kanilang paligid. Ang ikapitong yugto sa napakapopular na Dee the Bee series, ito ay maliit na libro ng gabay sa buhay, mga bagay na gusto naming mga magulang na matutunan ng ating mga anak – 'yun nga lang mas masaya sa pamamaraan ni Dee the Bee!
6. Tara, Laro Tayo! (Php120)
Isang maliwanag at makulay na konseptong libro na nagtuturo ng pagbibilang ng isa hanggang sampu at larong Filipino sa Ingles at Filipino. Ito ang eksaktong kailangan ng henerasyon ng aming mga anak!
7. Bantay, Ang Pusang Nais Maging Aso (Php130)
Ang perpektong aklat para sa mga mahilig sa alagang hayop, ang nakakapanabik na kwentong ito ay hinihikayat ang mga bata na yakapin ang kanilang sariling katangian sapagkat lahat tayo ay pinagpala ng may natatanging regalo.
8. Claysaurus: The Little Dino (Php150)
Ang isang bagong serye na naghihikayat ng mga bata na magbasa at maglaro, makuha ang kanilang atensiyon mula sa simula hanggang sa wakas. Ang mga bata ay walang hirap na natututong sundin ang mga tagubilin, konsepto tulad ng mga kulay at pagbilang; at sanayin ang kanilang motor skills gamit ang clay o luwad. Ang Claysaurus ay may apat na masasayang mga pamagat at ang mga bata ay talagang gusto ito!
9. Why Is A Pig's Nose Flat? (Php165)
Kahit na tila walang kabuluhan, ang kuwentong ito kung bakit flat ang ilong ng baboy ay isang personal na paborito. Ito ay isang kamangha-manghang kuwento na may isang mahalagang aral: "Ang pagkakataon ay kumakatok lamang ng isang beses. Kunin mo ito hangga't maaari."
10. Si Jan, Ang Mausisang Pawikan (Php175)
Si Jan ay isang maliit na pagong sa dagat na kapapanganak lamang sa dalampasigan at ginagabayan siya ng kanyang Mama patungo sa dagat. Si Jan ay namamangha sa lahat ng kanyang nakikita patungo sa tubig, siya ay nakakatuwa kagaya ng ating mga maliliit na anak. Ito ay isa sa apat na bagong pamagat mula sa Anvil Science at mahal namin silang lahat dahil ang bawat kuwento ay may magagandang kaalaman tungkol sa mga hayop na matatagpuan sa Pilipinas.
11. Amina and the City of Flowers (Php200)
Si Amina ay mula sa isang baryo sa Zamboanga, Mindanao na kilala sa paghahabi ng Yakan. Isang araw, inanyayahan siya ng kanyang ina na maghabi ng kanyang sariling kwento. Nagtungo si Amina sa lungsod upang humanap ng inspirasyon at ito ay naging isang magandang paglilibot sa Zamboanga. Ito ay isa sa tatlong nakakamanghang mga kwento ng Sari-Sari Storybooks na naglalayong maging inspirasyon para sa pagmamahal ng kulturang Filipino at pagkakaiba-iba. Ang unang tatlong libro ay mga kwento na nasa wikang Chavacano, Ivatan at Cebuano at marami pang mga bagong pamagat na darating sa 2018!
12. Duck and Croc’s Magnificent Race (Php250)
Ang isang pato at isang buwaya ay nagpasya na magkarera at ito ang pinaka-kapana-panabik na karera na iyong masasaksihan! Ang librong ito ay magbibigay sa iyo at ang iyong mga anak ng saya habang natututo tungkol sa iba't ibang mga uri ng transportasyon. Ang Duck at Croc ay isang bagong kakatuwang serye na nanaisin mong kolektahin. Mayroon itong tatlong pamagat, at ang bawat libro ay may magagandang aral para sa buong pamilya.
Mga libro para sa advanced reading (pinakamagandang basahin kasama ang mga magulang)
13. Gardener of the Sea: A Story About Nida Calumpong
Si Hilconida 'Nida' P. Calumong ay isang propesor ng Biology sa Silliman University, Dumaguete City. Nakagawa na siya ng higit sa tatlumpung taon ng pananaliksik tungkol sa algae, damong-dagat, bakawan, higanteng mga clam o kabibe at mga sea hares, kaya kinikilala siya sa buong mundo na dalubhasa sa Marine Botany at Coastal Resource Management. Ang kanyang kuwento ay isa sa sampung pamagat sa serye ng Women of Science ng Bookmark. Lahat ng kwento ay hango sa totoong buhay ng mga Pilipinong siyentipiko na naging tanyag maging sa ibang bansa, at ang serye ay umaasa na magbigay inspirasyon sa mga batang babae (at lalaki) na pumasok sa larangan ng Science o Agham, Teknolohiya, Environment o Kapaligiran, Agrikultura, at Matematika (STEAM).
14. Dyaran! Ang Kambal na Hebigat! (Php120
Ang labis na katabaan ng mga bata ay laganap na ngayon sa Pilipinas at ang mga tagasubaybay ng kilalang serye na Tito Dok ay hiniling na ito ay maging ika-dalawampu't isang paksa. Ipinapaliwanag ng kuwentong ito kung bakit kailangan nating hikayatin ang ating mga anak na kumain ng masusutansyang pagkain at makisali sa mga pisikal na aktibidad kahit na sila ay bata pa. Ang mga bata na mahilig kumain ng junk food ay maaaring magmukhang cute o kakatuwa dahil sila ay mataba, ngunit ito ay may kaakibat na mga panganib sa kalusugan at ang kamalayan ay susi sa solusyon.
15. Where Did All The Fireflies Go? (Nasaan Na Ang Mga Alitaptap?)(Php130)
Ito ang aming paboritong kwentong pangkapaligiran para sa 2017. Ang mga alitaptap ay mas mahirap na mahanap ngayong mga panahong ito dahil sa polusyon at pagbabago ng klima. Ito ay isang katotohanan na kailangan nating ibahagi sa ating mga anak. Hindi sila masyadong bata upang matuto kung paano makatulong sa pangangalaga sa kapaligiran. Sa iyong gabay, maaari na silang makagawa ng pagbabago sa kanilang sariling maliit na paraan.
16. Ang Kaibigan Kong si Mabini (Php135)
Ang aming paboritong makasaysayang fiction sa Adarna's Bayani na serye, ito ang kwento ni Apolinario Mabini bilang isang batang mag-aaral. Siya ay tahimik, masipag, at lubos na matalino kahit noong bata pa siya. Humanga ang kanyang mga kaibigan sa mga katangiang ito, na naging daan niya upang maging isa sa mga mahusay na bayani ng kasaysayan ng Pilipinas.
17. Cashaysayan: A History of Philippine Money (Php195)
Ito ang pinakahihintay na Book 2 ng 2016 na bestseller, A Lolong Time Ago: A Prehistory of the Philippines . Ito ay mayaman sa impormasyon (may paglalaro ng mga salita) dahil ito ay tungkol sa pera, pera, pera! Ang mga gumagawa ng Halo-Halo History ay nanatiling tapat sa kanilang pangako na gawing masaya at kapana-panabik ang kasaysayan ng Pilipinas kahit para sa mga bata. Maaaring hindi pa pinahahalagahan ng mga batavng nasa preschool ang mabibigat na teksto, magugustuhan naman nila ang mga nakakatuwang mga guhit.
18. Cooking 101: For Kids and Kids-At-Heart (Php195)
Mayroon ka bang batang culinary master sa bahay? Itinuturo ng aklat na ito sa mga bata (at/o matatanda!) ang mga pangunahing kaalaman sa pagluluto kumpleto na may kasamang mga masasarap na recipe. Taas ang dalawang kutsara para sa komprehensibo at masayang gabay para sa mga mahahalagang kasanayan sa buhay.
19. Dump Truck in My Heart (Php250)
Ang pagkawala ng mga taong mahal natin ay mahirap ipaliwanag sa mga bata, kaya kapaki-pakinabang ang librong ito. Ang pagdadalamhati minsan ay nag-iiwan ng isang mabigat na pakiramdam sa ating mga puso na hindi nawawala kahit gaano pa katagal; parang may dump truck sa puso natin. Ang nakakaantig na kwentong ito ay nagbabahagi ng kaalaman tingkol sa pagdiriwang ng buhay ng mga mahal natin sa buhay na pumanaw na. Kahit hindi na natin sila nakakasama, mananatili sila sa ating puso dahil sa lahat ng kanilang naibahagi sa atin nung sila ay nandito pa.
20. Intramuros The Walled City (Php295)
Ito ay isang magandang craft book kung saan maaari mong gupitin at buuin ang iyong sariling modelo ng Walled City ng Intramuras noong 1800. Gamit lamang ang librong ito, gunting at ordinaryong pandikit, ang iyong 3-D na replika ay nagiging kamangha-manghang palamuti at isang kawili-wiling aral sa kasaysayan. Ito ay mainam para sa parehong mga bata at matatanda na mahilig maging abala sa gamit ang kanilang mga kamay. Maaari itong maging isang aktibidad ng pamilya, isang proyekto sa klase, oras ng paglalaro kasama ang mga kaibigan o isang pangsariling proyekto.
Ang lahat ng mga librong ito at maaaring mabili sa Pumplepie Books