embed embed2
  • Paano Kinaya Ng Isang Pamilya Na May 5 Anak Ang Halos 9 Buwan Na Quarantine?

    Nagkaroon sila ng mas maraming oras na magkakasama.
    by Jocelyn Valle .
  • Kasama sa Pamilya Lubuguin si Tokyo, ang 2-and-half-month-old beagle pet dog na super kulit daw.
    PHOTO BY courtesy of Empat Lubuguin

    Welcome to Real Parenting, a space where parents can share the joys, pain, and the mess of parenthood. Want to get something off your chest? Share your #parentinginapandemic journey? Email us at smartparentingsubmissions@gmail with the subject "Real Parenting." Click here to read more 'Real Parenting' stories.

    Tulad ng karamihan ngayong Kapaskuhan at New Year, may mga pagbabago sa taunang selebrasyon sa pamilya ni Odessa Era “Empat” Lubuguin dahil sa COVID-19 pandemic.

    “Kung dati pumapasyal kami sa mga relatives or sila ang pumupunta sa ’min, ngayon kami-kami na lang. Wala munang gala ang mga bagets. Ang importante, magkakasama po kami,” kuwento ng full-time mom na suma-sideline sa online selling ng gawa niyang food items at mga tanim na cactus at succulent. 

    Napansin nga ni Empat na nitong Araw ng Pasko mismo, sa kanilang lugar sa Binangonan town, Rizal, wala raw siyang namataang mga bata sa labas na namamasko. Noong mga nagdaang taon kasi marami ang nagbabahay-bahay para sa kanilang aginaldo.

    “Dasal lang lagi tuwing lalabas ng bahay”

    Tunay na malaki ang epekto ng pandemya at ang bunsod nitong community quarantine, simula March 2020, upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus. Buti na nga lang daw, aniya, probinsya pang maituturing ang Binangonan. May mga malalawak pang taniman at maraming puno sa lugar ng kanilang tirahan sa loob ng 16 years.

    Pero hindi rin sila nakaligtas sa takot at pangamba. Pagtatapat ni Empat, “Noong mga unang araw o buwan medyo nakaka-stress kase nag-a-adjust pa tayo sa pagbabago dulot ng pandemic na ’to. Nakaka-praning din kase ako, kelangan ko lagi pumunta ng palengke o lumabas pag made-deliver ng mga order.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Si Empat mismo kasi ang nagmamaneho ng motorsiklo. “Nakakatakot kase baka maging carrier ako, ’yung pag-uwi ko baka nakasagap na ’ko ng virus…Pero sa awa naman ng Diyos eh healthy pa din naman. Dasal lang lagi tuwing lalabas ng bahay. Tuloy lang ang buhay. ”

    Ang mabuting dulot ng pandemya 

    Isa pang ipinapasalamat ni Empat ay ang pagiging matatag ng trabaho ng asawa na si Roel Lubuguin sa isang business process outsourcing (BPO) company. Suwerte nga raw na hindi kasama ang asawa niya sa mga nawalan ng trabaho dahil sa naidulot na economic recession ng health crisis.

    Office break muna! Gaya ng maraming kumpanya, ipinatupad ang work-from-home arrangement sa pinapasukan ni Roel.
    PHOTO BY courtesy of Empat Lubuguin

    Dahil sa remote work na si Roel, paliwanag ni Empat, dahil menos gastos at pagod ang mister niya dahil hindi na kailangang magbiyahe araw-araw papuntang Mandaluyong. 

    Lahad niya, “Mas mahaba ang oras na magkakasama kami. Sinasabi namin sa mga bata lahat ng dapat nilang malaman tungkol sa COVID. Na deadly ito, hindi pwedeng ipagwalang-bahala, na kelangan namin mag-stay lang sa bahay.”

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    “Pero gumagawa pa din kaming mag-asawa ng paraan para hindi naman nila masyadong maramdaman ang lungkot na dala ng pandemya.”

    “Lagi naming sinasabi sa kanila na, sa kabila ng mga problema, basta magkakasama at nagtutulungan, walang hindi kayang lampasan.”
    PHOTO BY courtesy of Empat Lubuguin

    Sabi pa ni Empat, nagiging bonding time nila ang pagtulong ng mga bata sa pag-prepare ng kanyang mga lulutuin para sa kanyang negosyo na Empat’s Kitchen. Bicolano dishes at deli ang kanyang specialty, tulad ng sinantol, aligue, dinailan, at pinangat. Kilala na nga raw siya bilang “Sinantol Queen” sa kanilang lugar.

    Ibang klaseng bonding! Tumutulong ang mga bata sa side business ng kanilang mommy.
    PHOTO BY courtesy of Empat Lubuguin
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Silang mag-asawa naman ay nagkaroon ng panahon para sa backyard chicken farming. Kabilang ang kanyang mister sa XR Community na nagtatag ng cooperative na naglalayong itaguyod ang pag-aalaga ng mga manok bilang “potential source of food.”

    Challenges ng online at distance learning

    Pagdating naman sa usaping homeschooling, aminado si Empat na hindi madaling asikasuhin ang limang bata na iba-iba ang grade level. Pakiramdam niya nga raw, naka-enroll din siya. Ang panganay na si Angel Nicole, 15, lamang ang online schooling, samantalang ang apat pang anak ay modular distance learning ang sinusunod.

    Kaya naman, sabi ni Empat, kailangan niyang hati-hatiin ang oras sa bawat anak at isantabi muna ang mga raket para magabayan sila sa pag-aaral.

    Malaking tulong si Angel Nicole, na scholar sa Rizal National Science High School, sa pagsagot ng mga tanong ng mga nakababatang kapatid. Hindi na raw “kaya ng powers” ni Empat ang ibang topic, lalo na pagdating sa Math. Kung English at Science naman, andiyan si Roel para sumalo.

    Ang hiling lang ni Empat ay makapagtapos ang mga anak sa pag-aaral. Bukod kay Angel Nicole, puring-puri niya sina Adonis Robert, 12 (“ang aming chef”); Alexander Major, 10 (“napakahusay niya mag-drawing”); Anne Kaitlyn, 7 (“mahiyain pero magaling kumanta”); at Anika Kim, 5 (“tawag sa kanya dito aleng maliit kasi para siyang matanda kausap”). 

    Sana raw mas mahigitan pa ng mga bata ang kung ano ang meron sila ngayon ni Roel. Sana rin maipagpatuloy ang nasimulan niyang Empat’s Kitchen. Mahilig kasing magluto iyong pangalawa, kaya may magmamana kung sakali.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “Hoping and praying” din siya na magkaroon sila ng sariling bahay, “’yong matatawag namin na sa ’min talaga.”

    What other parents are reading

     

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles