embed embed2
  • Supportive Si Michael V Sa Gusto Ng Mga Anak Niya: 'Bigay Todo Talaga Ako'

    Talaga namang talented ang lahat ng mga anak ni Bitoy.
    by Ana Gonzales .
Supportive Si Michael V Sa Gusto Ng Mga Anak Niya: 'Bigay Todo Talaga Ako'
PHOTO BY Michael V
  • Hindi maikakaila ang talento ng celebrity dad at vlogger na si Michael V. Bukod kasi sa mga nakakatawang skits niya sa Bubble Gang at Pepito Manaloto, benta rin sa kanyang mga fans ang kanyang mga unboxing videos at tech reviews sa kanyang YouTube channel.

    Kaya naman hindi nakapagtatakang lahat ng mga anak niya ay talagang talented din. "Merong isang mahilig mag-drawing, merong isang mahilig tumugtog, merong isang mahilig sa gadgets, at merong isang minana lahat," kwento niya sa amin sa isang Smart Parenting Exclusive interview.

    "Early on, nakita na namin 'yon. Hindi na ako nasurpresa kung pine-pursue nila 'yung mga trip nila," dagdag pa niya.

    Nito nga lang daw ay gitara ang hininging birthday gift ng anak niyang gumraduate sa high school. Todo suporta naman daw siya sa mga hilig ng kanyang mga anak.

    Anu-ano kaya ang ginagawa ni Bitoy para tulungan ang mga anak niya sa pangarap ng mga ito? Panoorin ang buong Smart Parenting Exclusive interview dito:

    Producers: Ana Gonzales with Jocelyn Valle

    Editor/video: Stephen Migallen

    Art direction: Jico Joson with Cyrille Calderon

    Ikaw, paano ninyo tinutulungan ang mga anak ninyo na tuparin ang kanilang mga pangarap? I-share sa comment section ang inyong mga tips. Pwede rin kayong maghanap ng mga pointers sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    Mapapanood sina Michael V. at Ogie Alcasid sa Smart Parenting YouTube Channel at Facebook page sa buong buwan ng Hunyo bilang pag-gunita sa Father's Day. Pumunta lang sa smartparenting.com.ph para mabasa ang iba pang kwentong isinulat namin tampok ang dalawang kwelang celebrity dads na ito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles