terrible twos,Tagalog,baby stage,toddler stage,spv lifestyle,What Life With A Toddler Really Looks Like,toddler, terrible twos, life with a toddler, toddler life, sp village,Makulit at nakakapagod pero walang kasing saya!
Ana GonzalesPublished May 26, 2020Updated Jan 23, 2025
PHOTO BYKryztl Chi and Cristina Partos Mansueto
Siguradong bago ka pa man magkaanak, narinig mo na ang tinatawag na Terrible Twos. Ito iyong edad kung kailan nagiging 'pasaway' na ang mga bata. Tinitignan kasi nila kung hanggang saan ang hangganan ng kanilang kalayaan. Sa ganitong edad mo rin madalas mo silang maririnig na nagsasabi ng "No!"
Bukod pa riyan, mas nagiging makulit na rin sila sa ganitong edad. Patunay riyan ang mga nakakatawang larawan na ibinahagi sa amin ng mga nanay na miyembro ng aming Facebook group na Smart Parenting Village.
Marami (at hindi matatawaran) ang mga kalokohan ng mga bata. Malingat ka lang, ang dami na nilang nagawa. Mahirap man silang disiplinahin at challenging man silang pakiusapan, mas maganda pa ring pabayaan natin silang i-enjoy ang kanilang pagkabata.
Sa toddler years kasi nagdedevelop ang kanilang social skills at emotional skills. Ito rin ang panahon kung kailan natututo silang magsalita, makisalamuha, at marami pang iba.
Marami ka bang larawan o videos ng mga kalokohan ng toddler mo? Ipadala mo na iyan sa amin sa smartparentingsubmissions@gmail.com.
We use cookies to ensure you get the best experience on SmartParenting.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.