-
5 Simpleng House Rules Na Makakapigil Sa Mga Tantrums
by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Sa isang nauna nang Smart Parenting article, inamin ng maraming Pinoy parents na mas hirap silang alagaan ang mga toddlers nila kaysa sa mga babies. Ayon sa kanila, sa ganitong edad talaga naging sobrang kulit ng mga bata.
Sabi pa ng marami sa kanila, kaliwa't-kanang tantrums ang nararanasan nila ngayong toddlers na ang mga anak nila. Demanding din daw ang mga bata sa atensyon. Kahit saan daw magpunta sina mommy at daddy, nakasunod ang mga bata—oo, kahit sa banyo!
Hirap rin ang mga magulang na disiplinahin ang mga toddlers. Mayroon sumasagot na, mayroon ding nananakit at hindi sigaw nang sigaw.
Kung katulad ka ng mga magulang na ito at nararanasan mo rin ang mga nararanasan nila, mayroong mga simpleng pagbabago na pwede kang gawin na maaaring makatulong para mabawasan ang mga tantrums at meltdowns sa bahay ninyo.
Mga house rules na pwedeng makapigil sa tantrums
1. Siya ang papiliin mo ng damit
Aminado ang mga magulang na hirap silang bihisan ang kanilang mga anak. Nariyang tumatakbo ang mga bata. Nariyang umiiyak sila. Pahirapan talagang mabihisan sila.
Para maiwasan ito, hayaan mo silang pumili ng sarili nilang damit. Ang tantrums kasi na may kinalaman sa pagbibihis ay malimit dahil gusto ng anak mo na kontrolado niya ang isusuot niyang damit.
Kaya para mas madali, maglabas ka na ng dalawa hanggang tatlong choices ng mga damit at hayaan mo siyang mamili rito. Ayon sa mga eksperto, ang mga batang nabibigyan ng choices ay nae-empower nang hindi nao-overwhelm. Mainam ito, hindi lang para maiwasan ang tantrums, kundi para ma-boost na rin ang kanyang confidence.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW2. Gumawa ng routine
At isabit o idikit ito sa mga bahagi ng bahay kung saan madali itong makikita. Makakatulong ito para magkaroon ng struktura ang araw ng anak mo.
Lumalabas kasi sa mga pag-aaral na nakakaapekto ang mga pagbabago at ang kawalan ng routine sa mental health ng mga bata.
Sabi ng mga eksperto, makakatulong kung mayroon kang picture guide na nagpapakita ng daily routines ng buong pamilya ninyo. Pwedeng makatulong na kuhanan mo ng picture ang mga steps para mas madali itong makita ng mga anak mo. Bukod pa riyan, nakakaengganyo rin itong gayahin.
3. Magkaroon ng on-the-go cleaning supply
Pwede mong gamitin dito ang mga trolleys na available ngayon online. Dito mo ilagay ang mga tissues, pamunas, disinfectant, at iba pang panlinis sa ano mang mga posibleng ikalat ng anak mo.
Importante na tanggapin mo na sa ganitong edad ng mga anak mo, magkakalat talaga sila at hindi rin sila tutulong sa pagliligpit.
Para hindi maging mahirap ang paglilinis, ihanda mo na ang mga cleaning materials para hihilahin mo na lang ito sa oras ng pangangailangan.
4. Mag-invest sa mga gamit na abot ng mga bata
Makakatulong ito para hindi nila iwan kung saan-saan ang mga baso ng pinag-inuman nila. Bagaman hindi tutulong ang mga bata sa pagliligpit, maganda naman itong learning opportunity para sa kanila.
Pwede mo pa silang papiliin ng sarili nilang mga baso, kutsara, tinidor, at plato para mas maengganyo silang ligpitin ang mga gamit nila.
5. Bawasan ang mga laruan nila
Isa pang paraan ito, hindi lang para mabawasan ang liligpitin mo, kundi para na rin matutunan ng anak mo na hindi naman niya kailangan ng maraming laruan.
CONTINUE READING BELOWwatch nowMas madali rin para sa mga anak mo na magligpit kung kaunti lang ang ipapaligpit mo sa kanila. Ayon sa mga eksperto, pwede mong itago ang mga laruan sa isang lalagyan na hindi nila maaabot. Maglabas ka lang ng kaunti. I-rotate mo lang ang mga laruan buwan-buwan.
Tandaan mo na hindi mo mababago ang iyong anak. Hindi mo mababago kung anong mga hilig niya, pati na rin ang ugali niya. Ang mababago mo ay ang reaksyon mo sa kanya at ang environment kung saan siya lalaki.
May magagandang techniques ka ba para mabawasan ang mga tantrums ng anak mo? I-share mo na iyan sa comments section. Pwede ka ring makakuha ng mga bagong techniques sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

- Shares
- Comments