-
Nagwawala O Kaya Ayaw Kumain! Anong Dapat Gawin Sa Addicted Sa Gadget Na Anak
Narito ang mga dahilan kung bakit nagiging gadget dependent ang mga bata.by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Sabi ng mga eksperto, kung nagwawala ang anak mo sa tuwing aalisin mo sa kamay niya ang hawak niyang tablet o cellphone, baka masyadong maraming oras na ang inuubos niya sa paggamit ng mga ito. Ang masyadong pagkababad sa gadgets ay maaaring magdulot ng screen addiction o screen dependency.
Ano ang screen addiction o addiction sa gadgets?
Ayon sa isang pag-aaral na pinangunahan ni Sarah Domoff ng University of Michigan, ang gadget addiction ay nangyayari kapag nagdudulot na ng problema sa ibang bahagi ng buhay ng anak mo ang paggamit niya ng gadgets.
Halimbawa, kung hindi siya makakain kapag hindi niya hawak ang tablet niya, maaaring masyado na siyang dependent dito. Kung sa pagmulat ng mata niya ay ito agad ang hinahanap niya, maaaring tanda na rin ito ng screen addiction.
Anu-ano pa ang ibang sintomas ng addiction sa gadgets?
Kawalan ng kontrol sa sarili
Isa sa mga unang mapapansin mo ay kung hindi kayang kontrolin ng anak mo ang tagal at dalas ng paggamit niya ng mga gadgets o kung hindi niya kayang sundin ang itinatalaga mong screen time.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKawalan ng interes sa mga bagay na hindi makikita sa gadgets
Halimbawa, maaaring ayawan na ng anak mo ang paglalaro sa labas o 'di kaya ay ang pakikisalamuha sa ibang mga bata. Mapapansin mo rin na mas gusto nilang mag-isa at hindi sila sumasama madalas sa iyo o sa ibang miyembro ng pamilya.
Ito ang lagi nilang iniisip at binabanggit
Kung malaki na at nakakapagkwento na ang anak mo, makikita mong dependent siya sa kanyang mga gadgets kung ito na lang ang lagi niyang binabanggit. Kahit papaano kasi, habang lumalaki ang anak mo ay nagkakaroon siya ng mga panibagong interes.
Nagiging matigas na ang kanilang ulo
Kung pahirapan pa bago kumain o sumunod sa iyo ang iyong anak at kailangan mo pa silang suhulan ng gadgets, maliwanag na tanda ito ng screen dependency.
Sa mga mas malalang kaso ng screen addiction, may pagkakataong nananakit na ang bata para lang makuha ang gadget at screen time na gusto nila.
CONTINUE READING BELOWwatch nowHalos ganito rin ang mga tanda ng screen addiction sa mga teenagers. Mapapansin mo sa teens mo na disconnected sila sa pamilya. Kung nakakaapekto na sa relasyon ng inyong pamilya ang paggamit ng gadgets ng anak mo, malamang ay may addiction na siya sa gadgets.
Paano maiiwasan ang gadget addiction?
Magtalaga ng isang oras na walang konektado sa gadget
Lahat ng miyembro ng pamilya ay dapat sumunod sa rule na ito—walang exceptions. Sa ganitong paraan, makikita ng anak mo, gaano man siya kabata o katanda, na ang gadgets ay bahagi lang ng pang-araw-araw na buhay ninyo at hindi dito dapat iikot ang buong buhay ninyo.
Maging mabuting halimbawa
Tulad ng naunang nabanggit, dapat kang maging mabuting halimbawa sa anak mo. Kung limitado ang screen time ng anak mo, kailangang may limit din ang sa iyo at sa buong pamilya.
Huwag matakot sa tantrums
Normal na bahagi ng pagiging toddler ang tantrums. Kung sa tuwing magtatantrums ang anak mo ay bibigyan mo siya ng gadget, magkakaroon talaga siya ng screen addiction.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKung sa tuwing ayaw niyang kumain ay iaabot mo sa kanya ang cellphone o tablet mo, magiging gadget dependent talaga siya at mahihirapan ka nang itama ito.
Maraming ibang paraan para i-handle ang tantrums ng anak mo. Isang mabisang paraan ay ang pagyakap sa anak mo. Ayon kasi sa mga eksperto, ang mga hindi pa lubos na naipapahayag ng mga bata ang nararamdaman nila kaya nagiging tantrums ang labas nito.
Alisin ang gadgets
'No means no' dapat ang patakaran ninyo sa bahay. Kung sinabi mong no gadget time, dapat ay hindi talaga kayo gagamit ng gadgets.
Marami pang mga techniques ang mga nanay pagdating sa para maiwasan ang labis na paggamit ng gadgets ng kanilang mga anak.
Narito pa ang ilang techniques para maiwasan ang screen depndency
Makipaglaro sa mga bata
Importante ang oras at panahon na ibinibigay mo sa iyong anak. Kung wala kang sapat na panahon sa anak mo, maghahanap ito ng ibang pagilibangan at pagkakaabalahan.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWIsama sila sa food prep
Kung ayaw kumain ng anak mo nang walang nakaharap na gadget sa kanya, pwede mong subukang isama siya sa food prep. Sa ganitong paraan, naaaliw na siya, natututunan pa niya kung saan nanggagaling ang kinakain niya.
Magdiskubre ng bagong bagay
Ayon sa mga nanay sa aming online community, marami silang natutunang bago sa kagustuhang hindi maging screen dependent ang kanilang mga anak.
Mayroong natutong mag-gardening, mayroong natutong magpinta, mayroong nag mother-and-child exercise at iba pa.
Sa panahon ngayon na talagang bahagi na ng mga buhay natin ang gadgets, internet, at social media, mahirap na hindi malulong dito.
Marami na ring mga bagong nauuso online na kinagigiliwan ng mga bata at matatanda kaya naman napakahirap para sa marami, ano man ang edad natin, na limitahan ang ating screen time.
Ano man ang paraan ninyo para hindi maging screen dependent ang inyong anak, tandaan na hindi naman masama ang gadgets. social media, at internet. Kailangan lang ng responsableng paggamit ng mga resources at innovations na ito.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKayo? Paano ninyo sinisigurong walang addiction sa gadgets ang inyong mga anak? I-share mo ang iyong mga suggestions sa comments section.
Para sa iba pang tips at techniques ng mga nanay, pwede kang sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village o 'di kaya ay pumunta sa smartparenting.com.ph
What other parents are reading

- Shares
- Comments