embed embed2
  • May Payo Ang Eksperto Kapag Naga-Away Ang Mga Anak Dahil Sa Laruan

    Hindi maiiwasan ng magulang ang pumanig sa isang anak.
    by Jocelyn Valle .
May Payo Ang Eksperto Kapag Naga-Away Ang Mga Anak Dahil Sa Laruan
  • Agawan ng laruan ang karaniwang dahilan ng away magkapatid, lalo na kung maliliit pa sila. Hindi naman maiiwasan ng magulang na pumanig sa nakababatang anak at pagsabihan ang mas nakatatandang bata na intindihin na lang ang kapatid.

    Pero may iba pang mas epektibong paraan para maresolba ang away magkapatid, sabi ng parenting education expert na si Janet Lansbury. Ibinahagi niya sa kanyang blog ang mga natutunan mula sa kanyang mentor na si Magda Gerber, na siya ring nagtatag ng Resources for Infant Educarers (REI) approach.

    Ang payo ni Gerber, mula sa kanyang libro na Your Self-Confident Baby, ay limitahan ng magulang ang pangingialam sa away magkapatid. Mas makakabuti raw na hayaan silang iresolba ang hindi nila pagkakaintindihan. Magbantay lang daw kung malaki ang agwat sa edad ng mga anak at may posibilidad na masaktan nang lubos ang mas bata.

    Inilahad naman ni Lansbury ang mga dapat tandaan ng magulang kapag nagkakaroon ng away magkapatid.

    Intindihin kung bakit naga-agawan ng laruan ang magkapatid

    Mainam na tignan ang kalagayan ng mas nakatatandang anak na maaaring apektado sa pagbaling ng atensyon ng magulang sa mas baby niyang kapatid. Baka kasi dinadaan niya sa pag-agaw ng laruan ng baby ang pagsasabing nasa kanya muli ang control at kaya niyang maging dominante.

    Kaya kapag pinagalitan mo kaagad ang bata, maaaring sumama lalo ang kanyang loob na may halong fear at loss. Ang mangyayari tuloy, dadalas pa ang paga-agaw niya ng laruan sa kanyang kapatid.

    Iba ang turing ng mga bata sa laro

    Kailangan ng panahon bago matutunan ng baby ang konsepto ng laro na alam ng adults. Unti-unti nilang nalalaman kung paano makipag-interact sa kapwa bata at maintindihan na paglalaro ang activity na iyon. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Matutulungan ng magulang ang anak kung hahayaan niya itong mag-experiment mag-isa kahit na kabilang diyan ang pangunguha ng laruan sa kapatid. Para kasi sa mga bata, ang pagkuha at pagbigay ng laruan sa kapwa baby o toddler ang paraan ng kanilang pakikipaglaro.

    Kailangan maging patas ang magulang 

    Imbes daw na maging referee ang magulang sa away magkapatid, mas mainam kung tumayo bilang coach. Tama naman na mag-remind sa anak na nanga-agaw ng laruan, pero dapat paliwanagan at gabayan.

    Sabi pa ni Gerber sa kanyang libro na huwag maging judge sa pagsasabi ng kung sino ang tama at kung sino ang mali sa mga anak. Kausapin ang batang nangunguha ng laruan at tanungin kung ano ang mas tamang gawin.

    Kapag tumigil sa pagja-judge ang magulang, magsisimulang mag-share ang mga anak

    Ikinuwento ni Lansbury ang karanasan ng isang mommy na nagpapatunay na effective ang hindi pangingialam ng magulang sa away magkapatid.

    Noon daw kasing may bagong laruan ang 3-year-old son ni mommy, biglang nilaro ito ng baby brother niya. Hindi ito nagustuhan ng toddler at sinabihan ang baby na tigilan ang paglaro sa laruan niya. Walang kibo lang si mommy at hinayaan niya ang mga bata. Maya-maya raw ay nagsimula na ang toddler na i-share ang kanyang laruan sa baby brother nito.

    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles