embed embed2
  • 5 Regalong Ikatutuwa Ng Mga Bata, Pati Na Rin Ng Kanilang Magulang

    Hindi lang materyal na bagay ang makapagpapasaya sa kanila.
    by Mary Jane Pujanes .
5 Regalong Ikatutuwa Ng Mga Bata, Pati Na Rin Ng Kanilang Magulang
PHOTO BY iStock
  • Pasko na naman at siguradong abala na naman ang mga ninong at ninang, tito at tita, lolo at lola, at pati na rin sina tatay at nanay sa pagiisip ng ireregalo sa inaanak, pamangkin, apo at anak!

    5 pinakamagandang regalo para sa mga bata

    Kung ngayon pa lang ay nag-iisip ka na ng ibibigay sa mga bata, ito ang limang pinakamagandang regalo para sa mga bata mula sa paningin ng isang nanay. Baka makatulong sa'yo, kung nahihirapan kang pumili!

    More from Smart Parenting

    1. Presence over presents

    Sabi nga nila, "Your presence will always mean more than any presents ever could."

    Hindi kailangang palaging may regalo. Iwasan mo rin sanang sanayin na kada makikita ka ng bata ay may ibibigay ka. Huwag ding isipin na tuwing magmamano siya sa iyo ay may hinihingi siyang kapalit o may dapat kang ibigay. Mano lang sapat na. Lalo pa kung makikipaglaro ka sa kanya o makikipagkwentuhan kahit saglit lang.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Hindi ba mas masarap sa pakiramdam kung excited siyang makita ka ulit dahil gusto ka niyang makasama kaysa excited siyang makita ka dahil may ibibigay kang materyal na bagay sa kanya?

    Tandaan mo ito: hindi ka kuripot kung wala ka mang regalo. Itinuturo mo lang sa bata na wala nang mas hihigit pa sa oras na inilalaan mo para sa isang tao.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    More from Smart Parenting

    2. Kung nais mo talagang magbigay ng regalo, magbigay ng libro

    Ito ang isa sa pinakamagandang maibibigay mo sa isang bata. Lalo na iyong mga libro na nagtuturo ng pagmamahal sa Diyos at kagandahang asal.

    Hindi kailangang malaki. Hindi kailangang makapal. Hindi kailangang mahal. Basta pinagisipan mo kung bakit iyong partikular na librong iyon ang ibibigay mo, siguradong magugustuhan pa din niya, lalo na ng kanyang nanay.

    3. Pwede ka ring magbigay ng praktikal na regalo

    Ano ba ang mga pangunahing pangangailangang materyal ng iyong inaanak na maaari mong ibigay? Una, diaper. Itanong mo sa nanay ang brand at size na ginagamit ni baby.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pangalawa, gatas. Itanong mo sa nanay ang brand. Bilhin lang yung kaya ng bulsa. Hindi naman kailangang one-year supply. Isang lata lang, malaking bagay na.

    More from Smart Parenting

    Hindi nakakahiya ang ganitong regalo. Hindi  ka rin nagiging kuripot dahil dito. 

    Pangatlo, pagkain. Isipin mo kung ano ang paborito niyang kainin o inumin. Kahit ilang piraso lang, masaya na ang bata. Hindi rin kailangang magsponsor ng isang buwan o isang taon.

    Pang-apat, damit o sapatos. Kung hindi ka sigurado sa size, pwede mo ulit tanungin ang nanay.

    Huli, toiletries. Toothpaste, shampoo, bath soap, lotion, etc.

    Lalong hindi ito nakakainsulto. Praktikal lang. Siguradong maaappreciate din ito pati ng kaniyang mga magulang dahil nakatipid pa sila.

    More from Smart Parenting

    4. Matutuwa rin ang mga bata sa personalized gifts

    Ano ang pakiramdam na makatanggap ng regalong may pangalan mo mismo, at hindi lang nakasulat sa pambalot? Hindi ba parang napaka-espesyal mo dahil para sa iyo talaga ang regalong iyon? Walang ibang makakakuha. Hindi mo iisiping baka napabigay lang sayo ang para sa iba. Alam mong naalala ka talaga ng nagbigay sa iyo nito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ganoon  din ang mararamdaman ng iyong inaanak, pati na rin ng nanay at tatay.

    Kahit pa simpleng panyo o keychain yan, lapis, balllen, papel, pamaypay, o kahit ano pang maliliit na regalo, basta may pangalan ng bata, magugustuhan pa rin niya.

    More from Smart Parenting

    5. Makipaglaro!

    Iyan ang pinakagustong gawin ng isang bata. Bakit hindi mo iregalo sa kanya ang pagkakataong gawin ang gusto niya? Tulungan mo siyang mapatunayan na ang Pasko ay panahon nga ng kasiyahan.

    Maraming outdoor at indoor playgrounds dito sa Pilipnas. Marami ring theme parks na maaaring puntahan. Siguradong matutuwa ang bata.

    Mas maganda pa kung sasamahan mo siya sa pagpunta dito. Dahil muli, walang pinakamagandang regalo ngayong Pasko kundi ang oras na ilalaan mo para sa mga mahal sa buhay.

    Naghahanap ka ba ng praktikal na regalo para sa pamilya at kaibigan? Mag-click dito para makakuha ng ideas!

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles