-
Family Fun The Peninsula Manila Has A Terrific Staycation Deal For Moms And Their Families
-
Preschooler Why Telling Your Child To 'Do His Best' Doesn't Help (Here's What To Say Instead)
-
Baby Bilin Ng Isang Doktor At Mom Of 4 Kapag Nagpapadighay Ng Sanggol
-
Money You Can Now Franchise 'Mister Donut On Wheels'! How To Do It And How Much You'll Need
-
Comfort Toy Ni Baby, Nakakasama Ba O Okay Lang Dahil Lilipas Din?
Hindi ba makatulog si baby hanggat hindi hawak ang favorite toy niya?by Ana Gonzales .

PHOTO BY iStock
Mayroon bang paboritong laruan ang iyong anak? Mayroon ba siyang stuffed toy o kumot na hindi binibitawan, laging inaamoy, o madalas na sinisipsip? Kung mayroon, hindi lang ikaw ang nanay na may anak na ganito. Ilan sa mga nanay sa aming Facebook group na Smart Parenting Village ay nagbahagi rin ng kanilang karanasan pagdating sa comfort toys ng kanilang mga anak.
PHOTO BY Marj Araneta YuADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMakakasama nga ba sa mga bata kung mayroon silang comfort object? O normal lang itong dinaraan ng mga bata edad walong buwan pataas?
Sa isang Smart Parenting article, tinalakay namin kung bakit nga ba sa toddler at preschool age ay nagkakaroon ang mga bata ng special bond at attachment sa mga laruan, kumot, o di naman kaya ay face towel—sa ibang extreme cases ay sa mga damit ng kanilang magulang.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosPHOTO BY Cess JamiasADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAyon sa pahayag ni Charlotte Reznick, Ph.D., isang child educational psychologist at associate clinical professor emeritus sa University of California, Los Angeles, sa Parents, ang ‘lovey’ ang unang stuffed animal o blanket galing sa crib ng anak mo kaya mayroon talaga siyang magiging malalim na koneksyon dito.
Paliwanag naman ng sleep coach na si Gabrielle Weill sa Smart Parenting, ang lovey ng anak mo ang naroon kapag nagigising siya sa kalagitnaan ng gabi—ito ang pumapalit sa iyo bilang soother. Maaaring abutin ng taon ang attatchment ng anak mo sa mga bagay na ito, ngunit hindi ito nangangahulugang mayroon itong masamang epekto sa iyong anak.
Sabi ng HealthChildren.org, ang mga transitional objects na ito ay maaaring makatulong sa emotional transition ng mga bata para maging mas independent.
Bukod pa rito, ang lovey ng iyong anak ay nagsisilbing coping mechanism sa mga pagkakataong siya’y nakakaramdam ng stress, takot, o di kaya ay pag-aalala.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPHOTO BY Katrina Joy Eugenio AquinoKung iisipin mo rin kasi, nakakatakot at nakakapanibago ang mga yugtong tulad ng potty training at unang araw sa eskwelahan o playschool, kaya’t hindi mo rin masisisi ang iyong anak kung kailangin niya ng comfort object.
Sa isang statement ng pediatrician na si Dr. William Sears sa isang column ng Parenting, sinabi niyang wala kang dapat ikabahala kung mayroon mang attachment ang anak mo sa kanyang lovey.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWGaya nga ng payo ng mga nanay sa Village na nakaranas na nito, huwag kang mag-alala kung may lovey ang anak mo. Sa halip, mas maging understanding ka pa, dahil normal itong pinagdaraanan ng mga bata. Di kalaunan, kapag sila’y edad tatlo o apat na, kusang mawawala ang pangangailangang ito sa kanila.
PHOTO BY Rose Ann Gumidam BitagonADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAyon naman sa mga eksperto, kung nagkakaroon na ng health hazard o nagiging masama na sa kalusugan ng anak mo ang kanyang comfort object, saka ka laman dapat manghimasok para alisin ito. Mahirap man itong gawin, makakaasa kang makakahanap din sila ng ibang paraan para makapag-cope sa mga nararamdaman nilang stress.
Hanggang ngayon ba ay may comfort object pa ang anak mo? Paano mo siya tinutulungan para hindi na kailanganin ito? Pwede mo ‘yang ibahagi sa amin sa comments section o ‘di kaya sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.
What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network