embed embed2
  • Nagwawala na Naman Si Baby? Paano Siya Patahanin Nang Tama at Epektibo

    Ang isang susi sa disiplina sa isang nagwawalang bata ay alamin kung ito ay tantrum o meltdown.
    by Allan Olga . Published May 18, 2019
Nagwawala na Naman Si Baby? Paano Siya Patahanin Nang Tama at Epektibo
PHOTO BY iStock
  • Ang pagwawala ng inyong anak ay maaaring tantrum o meltdown, pero may pagkakapareho ang dalawa. Una ay ang matinding pag-iyak o pagwawala ng isang toddler. Ito at dahil hindi nya kayang mai-express nang mabuti ang kanyang nararamdaman sa magulang o sa tagapag-alaga. Pangalawa, susubukan ng tantrum and meltdown ang pasensya ng isang magulang.

    Ang unang hakbang para mapatahan ang inyong anak ay matukoy kung ang kanyang ipinapakita ay tantrum or meltdown. Magkaiba kasi ang paraan kung paano reresponde. Hindi ito madaling gawin lalo na kung nangyayari ito sa isang public place. Sa tulong ng isang psychology associate professor at ng Understood.org, isang non-profit umbrella organization na tumutulong sa mga magulang na may anak na may learning and attention issues, aalamin natin ang pagkakaiba ng tantrum and meltdown.

    What other parents are reading

     

    Ang pagta-tantrum ng bata ay paraan niya para makuha ang gusto niya

    Ang tantrum sabi ni Amori Mikami, isang associate professor in the Department of Psychology at the University of British Columbia sa Today's Parent ay "tactic to try and see if that will work to get what he or she wants (taktika ng bata kung eepekto ang pag-iyak para makuha ang kanyang gusto)."

    Ang pagta-tantrum ay ang paraan ng isang 2 taong gulang na bata na ipahayag ang kanyang galit dahil hindi nasusunod ang gusto at sinusubukan nya kung hanggang saan ang pasensya ng kanyang magulang. Pwedeng mababaw lang ang dahilan nito, kagaya ng hindi nakuha ang gustong kulay ng tumbler, hindi pinayagang magtagal pa sa paglalaro sa playground, o dahil hindi nakuha ang gustong laruan. Isa itong manipulation tactic ng mga toddler na nakikita na ang kanilang pag-iyak ay paraan para makuha ang gusto.

    Pwedeng idaan ng bata ang pagta-tantrum sa pagsigaw, pag-iyak, o pagpigil sa kanyang paghinga, pero may kontrol siya sa kanyang inaasal at pwede niya itong itigil o ipagpatuloy depende kung paano mag-react ang mga tao sa kanyang paligid. Ititigil ito ng bata kapag napansin niyang makukuha niya yung gusto niya o kaya ay napansin niyang hindi siya pagbibigyan sa kanyang gusto.

    Naniniwala ang ilang eksperto na ang hindi pagpansin sa batang nagta-tantrum ang pinakamabisang paraan para tumigil ito (pero alam nating hindi ito epektibo sa lahat ng pagkakataon). Ang importanteng tandaan kapag nagta-tantrum ang bata ay safe siya at hindi nalalagay sa panganib, pati na rin ang mga taong nasa paligid niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

     

    Ang meltdown ay ang hindi kontroladong reaksyon ng inyong anak sa sobrang emosyon

    Sa isang meltdown, paliwanag ni Mikami, "The child has pretty much lost all control at this point and doesn’t even know what they want — or don’t want — anymore. And he or she isn't doing this behavior in any strategic sort of way." (Nawalan na ng kontrol ang bata at hindi na niya alam ang gusto niya — o hindi gusto. At hindi niya ito ginagawa para makuha ang gusto.)

    Ang meltdown ay resulta ng pagkakaroon ng matinding nararamdaman ng bata dahil sa impormasyon, emosyon, o sensory overload (gaya ng mga batang may autism). Kadalasan, dahil ito sa intense frustration na sanhi ng biglang pagbabago sa routine o kaya ay sa kanyang inaasahan.

    Halimbawa, sa halip na tulog na siya sa takdang oras, gising pa rin siya dahil sa ingay dulot ng family get-together sa bahay. Sa isang batang may sensory issues naman, ito yung nakakakita siya ng maraming ilaw o kaya ay ang ingay na naririnig kapag nasa amusement park. Pwedeng ang ikilos niya ay kaparehas ng batang nagta-tantrum, kagaya ng pagsigaw, pag-iyak, pero pwede rin siyang tumakbo papalayo o mag-withdraw sa paligid. Matitigil lang ito kapag napagod na ang inyong anak o kaya ay inilayo siya sa sitwasyon o paligid na nagbibigay stress sa kanya.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now
    What other parents are reading

    Ang tantrum ay maaaring mauwi sa meltdown

    Ang sabi nga, prevention is better than cure, kaya ang pinakamagandang paraan ay malaman kung ano ang nagti-trigger sa inyong anak para maiwasan ang kanilang pagwawala. Makakatulong dito ang pagtuturo sa inyong anak ng ilang paraan para mapakalma ang saril — kagaya ng paghinga nang malalim — kung pakiramdam nila ay magkakaroon siya ng meltdown.

    Hindi natin gugustuhing mauwi ang tantrum sa isang meltdown, pero pwede itong mangyari at hindi lamang sa mga batang may special needs. Nagbahagi ng mga warning signs si Amanda Morin, isang dating teacher and early intervention specialist, kung paano ang tantrum ay posibleng mauwi sa meltdown. 

    Sabi ni Morin sa Understood.org, "If you can catch them early enough, you may be able to calm your child down before she becomes out of control." (Kung matutukoy ang mga senyales na ito, maaaring mapakalma ang inyong anak bago siya mawalan ng kontrol sa sarili).

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Narito ang mga senyales kung papunta na sa meltdown ang tantrum ng iyong anak

    Hindi makapag-isip nang maayos, nahihirapang magdesisyon, o nahihirapang sumagot sa mga tanong.

    • Paulit-ulit na sinasabi ang tanong o ang iniisip.
    • Tumatangging sumunod sa utos o makisama.
    • Tumatanggi sa sensory input o lumalayo para magtago.
    • Nagiging mas malikot.
    • Nagrereklamo sa mga nararamdaman kagaya ng pagkahilo o mabilis na pagtibok ng puso.

    Ang pagta-tantrum ay bahagi ng socio-emotional development ng isang 2 taong gulang na bata. Isang maaaring gawin para patigilin ang emotional outburst ng inyong anak ay ang pag-acknowledge ng kanyang nararamdaman at pagtuturo sa kanya kung paano kontrolin ang kanyang emosyon.

    Paglilinaw ng child and adolescent psychiatrist Steven Dickstein sa Child Mind Institute, "There’s no such thing as tantrum disorder or meltdown disorder. Tantrums and meltdowns are like fevers — they can be triggered by so many different problems that we can’t make them stop until we understand what’s triggering them." (Walang tantrum disorder or meltdown disorder. Ang mga tantrum and meltdown ay parang lagnat—maaaring sanhi ng mga ito ay iba't ibang problema na hindi natin mapipigilan hangga't hindi natin naiintindihan kung ano ang sanhi ng mga ito.)

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Minsan, mas mahirap i-manage ang emosyon kung may kondisyon ang mga bata, kagaya ng autism, attention deficit hyperactivity disorder (ADHD), mood disorders and anxieties, and learning issues. Kung mas madalas na nagkakaroon ng meltdown ang inyong anak, mas maiging makipag-usap sa inyong pediatrician upang makapag-refer ng specialist kung kinakailangan.

    Ang mga impormasyong nakalahad dito ay mula sa

    Is Your Toddler Having a Tantrum or Meltdown? (Yes, There's a Difference!)

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close