embed embed2
  • Gaano Katotoo? Moms With Four Kids Or More Are Less Stressed Than Others

    Ito ang lumabas na resulta ng isang survey.
    by Ana Gonzales .
Gaano Katotoo? Moms With Four Kids Or More Are Less Stressed Than Others
PHOTO BY Pexels
  • Isipin mo, sa isang anak pa lang, challenging na. Paano pa kaya kapag tatlo o apat? Pero bakit nga ba lumabas sa isang survey kamakailan na mas hindi stressed ang mga nanay na may maraming anak?

    READ MORE ABOUT RAISING KIDS HERE: 

    Ayon sa TODAY Parents survey na nilahukan ng 7,000 ina mula sa sa U.S., ang mga nanay na may tatlong anak ay mas stressed kaysa sa mga nanay na may isa o dalawang anak.

    Samantala, ang mga nanay naman na may apat o higit pang anak ay nagsabing mababa lang ang stress na nararamdaman nila.

    Nang tanungin ang mga nanay kung anu-ano ang nakakapagpa-stress sa kanila, narito ang mga sinabi nila:

    • pag-aalala sa pinansyal na sitwasyon ng pamilya
    • pagbabalanse sa demands ng trabaho at pamilya
    • pag-aalaga sa asawa na inaasikaso ring parang bata
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Lumalabas din sa survey na ang pinakamalaking pinanggagalingan ng stress ng mga nanay ay ang pressure para maging perpektong ina.

    Mahigit 70% sa mga nanay na nakilahok ang nagsabing stressed sila dahil na rin sa pressure na inilalagay nila sa kanilang mga sarili para maging mabuting ina.

    Ayon pa sa survey, stressed din daw ang mga nanay dahil pakiramdam nila ay wala silang panahong tapusin ang lahat ng mga bagay na kailangan nilang tapusin.

    Nakakaapekto rin daw sa kanila na hindi na nila naaalagaan ang kanilang mga sarili.

    Pero kung nakakastress na ang mga ito kapag isa, dalawa, o tatlo ang anak mo, bakit mas hindi nakakaramdam ng stress ang mga nanay na apat o higit pa ang anak?

    Natawa sa tanong na ito si Dr. Janet Taylor, isang psychiatrist sa New York. Siya man kasi ay nanay din ng apat na bata at sumasang-ayon siya sa kinalabasan ng survey.

    Sabi niya, kapag ganito na raw kasi karami ang anak mo, wala nang puwang sa isip mo para mag-alala kung perpekto ka bang nanay. Ayon pa sa kanya, kapag ganito na karami ang anak mo, may mga bahagi na ng pagiging nanay na na-master mo na.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Halimbawa, mag-alala ka man, hindi na ganoon ka-grabe kung ikukumpara mo sa noong nanay ka nang isang bata pa lang.

    Paliwanag naman ni Kelly Kitley, isang psychotherapist na nag-aaral ng mga pamilya, totoo na mas maraming kaakibat na trabaho ang pagkakaroon ng maraming anak. Sa dami pa lang ng lalabhan mo at huhugasan mong pinagkainan, mapapagod ka na.

    Sa kabilang banda, ibang-iba naman ang tinatawag na emotional labor. Ang mga nanay ng malalaking pamilya ay malimit na may katuwang sa emotional labor.

    Lumalabas din sa isang Norwegian study noong 2016 na ang pagkakaroon ng mga bata sa pamilya na halos magkakasing edad ay nakakatulong para maiwasan ang pagkakaroon ng mental health issues ng mga bata.

    Ang importanteng natutunan ng mga eksperto sa resulta ng survey ay hindi ang dami ng anak ang magdidikta kung stressful ba ito o hindi, kundi ang tulong na nakukuha ng ina pagdating sa pagtataguyod ng pamilya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ibig sabihin, mas maraming tulong kang nakukuha, mas malaking stress ang mababawas sa iyo bilang nanay.

    READ MORE ABOUT RAISING KIDS HERE: 

    Malimit din naming marinig sa aming Facebook group na kapag nararamdaman ng mga nanay na mag-isa sila, mas iginugupo sila ng kalungkutan. Kaya naman napakahalaga ng mga mommy friends at ng matulungin na asawa para mabawasan ang stress ni mama.

    Ikaw? Anong pinaka nakakastress sa iyo bilang nanay? I-share mo na iyan sa comments section.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close