-
Nagwawala At Tumitili! Heto Ang Isang Gentle Approach Para Sa Mga Major Meltdowns
Ayon pa sa mga nanay na nakasubok nito, epektibo pa rin itong technique kahit teens na ang mga anak mo.by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Anong malimit na unang reaksyon mo kapag umiiyak, nagwawala, at nagta-tantrum ang iyong anak? Nagagalit ka ba? Pinapapunta mo ba agad siya sa timeout? Sinasabihan mo ba siya na tigilan niya ang pag-iyak? Aminado ang mga magulang noon na ganito nga ang malimit na gawin nila dati.
Ngayon, dahil sa mga bagong pag-aaral at pananaliksik, marami nang natutunan ang mga magulang na tulad mo pagdating sa mga dapat gawin kapag nagtatantrums ang mga bata.
Isa nga sa mga pinaka nirerekomenda ng mga nanay ay ang tinatawag na ‘Heartbeat Hug’. Ayon sa mga natutunan natin sa mga nakaraan nating pagtalakay sa tantrums, ang mga maliliit na bata ay wala pang sapat na kakayahan para ipahayag at kontrolin ang mga nararamdaman nila—lalo na kung matindi ang mga ito.
Sabi nga ng mga eksperto, minsan, kailangan lang ng mga bata ng pagkakataon para iiyak at isigaw ang kanilang nararamadaman dahil hindi pa nila alam kung paano i-handle ito.
Sa katunayan, lumalabas sa mga pag-aaral na kapag pinapayagan ang isang bata na ipakita at ilabas ang kanyang mga emosyon, mas lumalaki siyang independent at mas nagkakaroon siya ng self-control.
Kwento ni mommy Kristen Mae sa website na Scary Mommy, natutunan niya ang Heartbeat Hug technique sa isang kaibigang psychologist.
Madali lang itong gawin, ayon kay Kristen. Sabi niya, sa tuwing magwawala ang anak mo o magtititili siya sa galit, yakapin mo siya ng mahigpit nang ilang minuto, sa halip na pagalitan siya, kausapin, paluin, o ilagay sa timeout.
Nanggaling ito mula sa mga pag-aaral na maaaring magsabay ang tibok ng puso at paghinga ng mga taong magkalapit na magkalapit.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSimula nga noon ay ito na ang ginagawa ni Kristen. Kwento niya, sa halip na mainis at ma-frustrate, nauupo lang siya sa tabi ng anak niya at hinihintay ito hanggang kumalma ito ng kusa. Saka niyayakap ni Kristen ang kanyang anak.
Sa mga pagkakataon namang ayaw magpayakap ng anak ni Kristen, pinapahiga o pinapasandal niya ang anak niya sa kanyang dibdib para marinig nito ang tibok ng puso niya. Sabi ni Kristen, napakalaki ng naitulong nito para pakalmahin ang bata.
Dalawa ang naging positibong epekto nito: Una, tumitigil ang bata sa pag-iyak. Hindi nga naman niya maririnig ang tibok ng puso mo kung iiyak siya ng sobrang lakas. Pangalawa, bumabagal din ang tibok ng puso ng bata hanggang maging relaxed na ito.
Mahirap itong gawin dahil hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay papayag ang anak mo na yakapin mo siya. Bukod pa, ibang usapan na rin kung wala kayo sa bahay at sa isang pampublikong lugar susumpungin ang anak mo.
Ang importante dito ay ang maramdaman ng anak mo na tanggap mo siya ano man ang kalagayan o ginagawa niya. Mahalaga ng maramdaman ng anak mo na okay lang na ipahayag niya ang kanyang mga nararmdaman.
Ikaw, anong technique ang ginagamit mo para mapakalma ang anak mo sa mga pagkakataong nagwawala ito? I-share mo lang iyan sa comments section.
What other parents are reading
CONTINUE READING BELOWwatch now

- Shares
- Comments