-
Ginawang Coloring Book Ang Dingding? Paano Alisin Ang Crayon Stains
by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Isa na siguro sa mga pinakamahirap na linisin sa bahay ay ang marka ng crayons sa dingding. Kalimitan kasi, hindi ito basta-basta naaalis at may mga pang-alis na nakakasira ng pintura.
At dahil bahagi ng growth ng anak mo ang pagkukulay at pagguhit, hindi mo naman ito pwedeng ipagbawal sa kanya. Pwede mo siyang bigyan ng papel o dikitan ng papel ang pader, pero hindi mo pa rin masisiguro na hindi kukulayan ng anak mo ang dingding ninyo.
Sa halip na magalit, i-check mo na lang ang inyong kusina. Naroon na kasi lahat ng mga kailangan mo para maalis ang mga crayons sa pader ninyo.
What other parents are reading
Mga mabisang pantanggal ng crayons sa dingding
Vinegar
Ayon sa The Spruce, isa ang suka o vinegar sa pinakamabisang paraan para maalis ang mantsa ng crayons sa dingding. Sinisira kasi ng suka ang mga wax at pigment components na mayroon sa crayons.
Para gawin ito, kumuha ka lang ng lumang toothbrush at isawsaw ito sa sukang puti. Pwede mo na itong gamiting pantanggal ng crayon marks sa pader. Huwag mag-alala sa amoy ng suka, dahil kapag natuyo ito, maaalis din agad ang amoy.
Tandaan lang na kailangan mo munang i-test ang suka sa maliit na bahagi ng pader para makasiguro kang hindi nito malulusaw ang pintura sa pader ninyo.
Toothpaste
Kung hindi gumana ang suka sa pader ninyo dahil sa pintura, pwede kang gumamit ng toothpaste. Gumamit lang ng toothbrush o lumang basahan para kiskisin ang crayon marks.
Mabisa rin itong pantanggal ng permanent markers.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWBaking soda
Hindi lang mantsa sa damit ang naaalis ng baking soda, pwede rin itong pantanggal ng crayon marks sa pader.
Isawsaw mo lang ang basang basahan sa baking soda at saka mo ito gamitin na pangkuskos sa crayon marks sa pader.
Pwede ka ring gumamit ng basahan na isinawsaw mo sa maligamgam na tubig na may kaunting sabon at baking soda.
Naku! Paano kaya ito!PHOTO BY Maanne Arbis MendozaWhat other parents are reading
Eraser
Pwede ka ring gumamit ng pencil eraser. Subukan mo muna ito sa maliit na bahagi ng pader para makasiguro kang hindi maaapektuhan ang pintura. Kung hindi naman ito maalis, pwede kang gumamit ng tinatawag na gum eraser. Mabibili mo ito sa mga arts and crafts stores.
Mayonnaise
Hindi naman inasahan ng isang nanay mula sa Oregon, U.S.A na matatanggal ng mayonnaise ang mga crayon masterpieces na inilagay ng anak niya sa pader nila.
Ibinahagi niya sa kanyang Facebook account kung paano niya ito nagawa.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWRecommended VideosMarami ang hindi makapaniwala na ganoon lang kadali iyon, kaya naman kumonsulta ang website na The Kitchn sa mga eksperto.
Ayon sa mga eksperto, sagana ang mayonnaise sa mga langis na nakakasira sa wax na mayroon sa crayons.
Ilalagay mo lang ang mayonnaise sa drawing na gusto mong maalis. Hayaan mo ito na nakababad ng ilang minuto bago mo ito punasan ng tuyo o damp na bimpo.
Tandaan lang, kailangan mo pa ring i-test ang mayonnaise sa pader ninyo para makasiguro kang hindi masisira ang pintura. Sabi ng mga eksperto, hindi ka pwedeng gumamit ng mayonnaise para ipantanggal ang crayons na nakadrawing sa matte na pintura.
Kung ayaw na talagang maalis ng mga drawing ng anak mo sa pader, pwede mong gayahin ang ginawa ng mga magulang na ito.
Sa halip na magalit, nilagyan na lang nila ng frame ang paligid ng drawing ng anak nila para magmukha itong panting na bahagi ng bahay. Sobrang cute!
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKayo? Paano ninyo inaalis ang mga obra maestra ng inyong mga anak sa inyong dingding? Ibahagi mo lang 'yan sa comments section.
What other parents are reading
Enter your details below and receive weekly email guides on your baby's weight and height in cute illustration of Filipino fruits. PLUS get helpful tips from experts, freebies and more!


We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.


- Shares
- Comments