Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Ligtas Nga Ba Para Sa Mga Bata Ang Kinetic Sand?

    Narito ang lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa laruang ito.
    by Jhem Bon .
Ligtas Nga Ba Para Sa Mga Bata Ang Kinetic Sand?
PHOTO BY iStock
  • Isa sa mga pinakapopular na laruan ngayon ng mga bata ay ang kinetic sand. Bukod kasi sa masaya itong laruin, nakakaaliw din ito at pwedeng i-DIY. Ngunit ang kalimitang tanong ng mga magulang ay kung ligtas nga ba ito para sa mga bata.

    Ano ang kinetic sand?

    Ang kinetic sand ay katulad ng normal na buhangin na nakikita mo sa tabing dagat. Mas malambot ito at maaaring ihulma sa iba't-ibang hugis. Maikukumpara mo ito sa clay ngunit hindi ito masyadong madikit at hindi ito makalat laruin. 

    Saan gawa ang kinetic sand?

    Ang kinetic sand ay gawa sa buhangin na hinaluan ng silicone oil. Ang langis na ito ang nagsisilbing binder ng sand grains para hindi ito maghiwa-hiwalay at hindi rin naman masyadong magdikit-dikit. Ito ang dahilan kung bakit hindi kumakalat ang kinetic sand kapag nilalaro.

    More from Smart Parenting

    Ligtas ba ang kinetic sand para sa mga bata?

    Malambot at makinis ang kinetic sand kaya at maganda itong pang-relax sa mga batang may mataas na energy. Pwede rin itong pantanggal ng stress sa mga nakakatanda kaya kahit sila ay maaring gumamit nito. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Karaniwang matatagpuan ang kinetic sand sa mga produktong pangbahay na araw-araw nating ginagamit tulad ng cosmetics, conditioner at iba pang mga gamit panglinis sa bahay. Ang silicon kasi ay isang anti-microbial at non-toxic. Wala rin itong allergens kaya safe gamitin sa bahay. 

    Ang mga laruang kinetic sand na nasa merkado ay dumaan na sa pagsusuri para siguruhind pasado ang mga ito sa safety standards. Kaya naman makakasiguro kang ligtas ang mga kinetic san na mabibii sa mga toy stores. 

    Kailangan mo lang maging maingat pagdating sa pagpili ng bibilhan mo ng kinetic sand dahil mayroong mga peke nito. May mga nabibiling ganito sa mga bangketa at thrift stores na maaaring hindi dumaan sa testing at maaaring hindi ligtas na laruin ng mga bata. 

    Bagamat ito ay para sa mga batang edad tatlo pataas, kinakailangan mo pa ring siguraduhing babantayan mo ang mga anak mo kapag naglalaro sila nito. Iwasang makain nila ito dahil maaari itong bumara sa kanilang bituka at makaapekto sa kanilang pagdumi.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Mayroon bang magandang maidudulot ang paglalaro ng kinetic sand?

    Bukod sa pagiging mainam na pantanggal ng stress, makakatulong ang paglalaro ng kinetic sand para mahikayat ang mga bata na gamitin ang kanilang imahinasyon pagdating sa pagbuo ng iba't-ibang bagay mula sa buhangin. 

    Maganda rin itong laruan kung gusto mong madevelop ang motor skills ng iyong mga anak. Makakabuti rin ito para sa mga batang may sensory disorder o iyong mga sumasailalim sa occupational therapy. 

    Epektibo ring gamitin ang kinetic sand para turuan ang mga anak mo ng math. Maaari nila itong sukatin at hatiin gamit ang measuring cups. Makakatulong din ang kinetic sand para i-develop ang social skills ng anak mo dahil masaya itong laruin kasama ang ibang mga bata. Mas masaya itong laruin kapag may kasama silang nagbubuo ng mga hugis o nag-aaral ng pagsusukat. 

    Paano ang tamang pagtatago ng kinetic sand?

    Mayroon tamang paraan ng pagtabi ng kinetic sand matapos itong laruin ng mga anak mo. Hindi ito madaling matuyo ngunit kailangan itong itago sa isang lalagyan na maisasara ng maigi. Kailangan mo ring punasan ang lamesang pinaglagyan nito para masiguro mong walang matitirang mga butil.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Paano gumawa ng DIY kinetic sand?

    Kung gusto mong mas maging kakaiba pa ang kinetic sand ng mga anak mo, pwede kang gumawa ng sarili mong DIY kinetic sand. Narito ang recipe para sa unicorn kinetic sand:

    Mga sangkap:

    • Pinong buhangin
    • Tubig
    • Cornstarch
    • Dish soap
    • Food coloring
    • Glitters
    • Essential oils (Optional, kung gusto lamang maging mabango ang inyong gagawin)

    Paraan ng paggawa:

    Maghanda ng dalawang lalagyan: Isa, para sa dry mixture at isa, para sa wet mixture. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    • Dry mixture: Pagsama-samahin ang buhangin, cornstarch at glitters.
    • Sa isa pang lagayan, paghalu-haluin ang tubig, dish soap, at food coloring. Haluing maigi ngunit huwag hayaang bumula ng husto. 
    • Pagsamahin ang wet at dry mixture. Ihalong maigi hanggang sa maging tama na ang consistency nito para sa inyo.
    • Maaring magdagdag ng tubig kung sa tingin ninyo ay kulang o masyado pang tuyo ang buhangin.
    • Ulitin ang proseso hanggang sa makagawa ng iba’t ibang kulay na kinetic sand. 
    • Paghalu-haluin ang nagawang iba’t-ibang kulay na kinetic sand.
    More from Smart Parenting

    Tandaan: Isang kulay lang ang gamitin sa bawat proseso. Ang ganitong DIY kinetic sand ay madaling matuyo. Lagyan lamang ito ng tubig para magamit at mapaglaruang muli. 

    Magandang magkaroon ng kinetic sand sa bahay dahil hindi mo na kailangan pang pumunta ng beach para makapaglaro ang mga anak ninyo ng buhangin. Bukod pa riyan, hindi lang mga bata ang mag-eenjoy sa paglalaro ng kinetic sand, maging ang mga matatanda ay mag-eenjoy din dito. 

    Siguraduhin mo lang na kung bibili ka nito, sa authorized dealers ka pupunta para makasigurong dumaan ito sa sapat na testing para masigurong ligtas ito. Ugaliin ding magbasa ng label para masuri kung tunay o peke ang kinetic sand na nabili mo. 

    Ang pagbili ng pekeng kagamitan, higit lalo ng laruan, ay maaring makasama sa bata. At laging tandaan na bantayang mabuti ang mga bata habang naglalaro nito.

    Ang mga bata ay mayroong natural na kakayahan para maintindihan ang mga bagay sa kanilang paligid sa pamamagitan ng pag-eexplore. Kaya naman makakatulong kung hahayaan mo silang mag-explore ng iba't-ibang paglilibangan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nasubukan na ba ng mga anak mong maglaro ng kinetic sand? Kumusta ang experience nila? Ikwento mo sa comments section.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles