embed embed2
  • Marian Rivera: 'Ako Lagi Ang Witch' Pagdating Sa Pagdidisiplina

    Paano nga ba niya dinidisiplina ang kanilang mga anak?
    by Ana Gonzales .
  • Madalas bida ang role na ginagampanan ng primetime queen at celebrity mom na si Marian Rivera.

    Pero nang tanungin siya ng Smart Parenting editorial team sa isang exclusive interview kasama ang mga Summit Media journalists, ikinwento niyang animo'y kontrabida naman ang kanyang role sa kanilang tahanan pagdating sa pagdidisiplina sa mga bata.

    Sabi pa niya, naisip niyang baka lumayo ang loob ng mga anak niya sa kanya dahil sa pagdidisiplina niya.

    "Dati, noong wala pang pandemya, palagi na akong wala sa bahay, sobrang busy na ako. Kapag nakakagawa sila ng hindi natin gusto or may nagawang hindi okay, kung ako pa 'yung magsasabi sa kanila, lalo na kay Zia, baka lumayo 'yung loob sa akin," kwento niya.

    Ngunit ang maganda naman sa mga anak ni Marian, lalo na si Zia, hindi sumasama ang loob nito kapag napagsasabihan. "Ineexplain ko sa kanya," sabi ni Marian. Sinasabi raw niya, "Kaya nagalit si mama sa'yo kasi ganito... Kasi love ka ni mama."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Matiyaga raw niyang ipinapaliwanag sa mga anak niya kung bakit sila napapagalitan "I am very thankful kasi si Zia, matured," sabi niya. "Happy ako na naiintindihan niya ako kahit bata pa siya."

    "Sana si Sixto ganyan din. Kung hindi, bahala sila ng tatay niya magtuos," biro pa ni Marian. Nang tanungin kung sinong 'good cop' at 'bad cop' sa kanila ng kanyang asawa... "Ay ako palagi ang witch. Ako ang mangkukulam sa bahay na ito," biro niya.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Kasalukuyang abala si Marian sa kanyang business na Flora Vida by Marian. Busy rin siya sa pagtulong kay Zia sa online schooling, pagpapadede kay Sixto, at pagluluto para sa pamilya.

    Bukod pa riyan, naging abala rin si Marian sa pagganap sa dulang Password: 03d1pu5_R3x. Kasama niya rito ang Tanghalang Ateneo.

    Ipapalabas ito sa February 22, 25, at 27. Mabibili mo ang ticket sa halagang Php100 para sa general viewing at Php200 naman para sa general viewing na may kasamang souvenir program. Available ang mga tickets sa Ticket2Me.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ikaw rin ba ang 'witch' o 'bad cop' sa inyong mag-asawa? I-share mo ang iyong experience sa comments section o ipadala ang iyong kwento sa aming email address na smartparentingsubmissions@gmail.com. Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles