-
Labor & Childbirth 7 Exercises You Can Do At Home To Help Prepare You For Labor And Delivery
-
Toddler Why Your Toddler Has a Favorite Parent (and What to Do If It's Not You)
-
Your Kid’s Health Bawang At Pabango? Home Remedies Para Sa Sakit Ng Ngipin Mula Sa Dentista
-
Money Is It Okay to Hide Money From Your Partner? An Expert's Advice
-
Nagsisinungaling Na? Paano Itama At Pigilan Ang Ganitong Ugali
Mas madali itong bigyan ng solusyon kapag naintindihan mo kung bakit ito ginagawa ng anak mo.by Ana Gonzales .
.jpg)
PHOTO BY Unsplash
Darating talaga sa edad ang anak mo kung saan itatanggi na niya ang mga kalokohang ginawa niya o hindi na niya aaminin kapag may kasalanan siya.
Maaaring magsimula ang pagsisinungaling sa maliliit na bagay ngunit habang lumalaki ang anak mo, maaari ring lumaki ang mga kasinungalingang sasabihin niya. Kaya naman habang bata pa siya ay mahalagang ituro mo na sa kanya na masama ang pagsisinungaling.
Ayon sa mga eksperto, hindi nagsisinungaling ang mga bata dahil may masama silang intensyon. Lumalabas sa pananaliksik ng University of Toronto professor at Institute of Child Study director na si Kang Lee, ang pagsisinungaling ng isang preschooler ay maituturing na developmental milestone.
Ang pagbabagong ito, ayon pa sa kanya, ay tanda ng pagbabago ng pamamaraan ng anak mo kung paano siya nagpoproseso ng mga impormasyon.
Batay pa sa pag-aaral, ang pagsisinungaling ay normal lang mula sa edad na 4 hanggang 17. Sa katunayan, sa edad na 7, magiging magaling nang magsinungaling ang anak mo hanggang sa puntong mahihirapan ka nang malaman kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWGanito man ang sitwasyon, mayroon namang lehitimong dahilan kung bakit minsa'y nakikita ng anak mo na kailangan niyang magsinungaling.
Maaaring iniiwasan niyang maparusahan o 'di naman kaya ay ayaw niyang makaramdam ka ng disappointment dahil sa kanya. Maaaring nagsisinungaling din siya dahil ayaw niyang magalit ka sa kanya.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosMahirap para sa mga anak mo na magsabi ng totoo kung alam nila na hindi maganda ang kalalabasan.
Sabi ng mga eksperto, normal na reaksyon ng mga magulang na tulad mo ang parusahan ang anak mo kapag nagsinungaling ito. Ngunit, isa ito sa mga nagiging dahilan kung bakit sila nagsisinungaling.
Sa halip na pagalitan, narito ang ilang mabisang paraan para hindi na o mabawasan man lang ang pagsisinungaling ng anak mo.
Paano maiwasan ang pagsisinungaling ng anak mo?
Iwasan ang pagsigaw
Importanteng maging maayos at malumanay ang pakikipag-usap mo sa anak mo para hindi siya matakot na magsabi sa iyo ng totoo. Mas maganda ang magiging epekto ng malumanay na open communication kaysa pagsigaw at pamamahiya.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWHuwag bigyan ng pagkakataon ang anak mo na magsinungaling
Kung nakita mong makalat ang kwarto ng anak mo, huwag mo nang tanungin pa kung nagligpit na siya. Siguradong sa sobrang takot ng anak mo na mapagalitan ay mas pipiliin pa niyang magsinungaling kaysa magsabi ng totoo.
Huwag siyang sisihin kung mahuli mo siyang magsinungaling
Sa halip ay tanungin mo kung bakit natatakot siyang sabihin ang totoo. Epektibo ang ganitong approach ano man ang edad ng anak mo.
Magpakita ng appreciation sa honest behavior
Kung nakikita at alam mong honest sa iyo ang anak mo, iparamdam mo sa kanya na naa-appreciate mo ito.
Kahit pa naiinis ka sa mga nangyayari at gusto mong pagalitan ang anak mo, pasalamatan mo pa rin siya sa pagsasabi ng totoo.
Maging mabuting halimbawa
Natututo ang anak mo sa pamamagitan ng paggaya sa mga ginagawa mo at hindi pagsunod sa mga sinasabi mo. Kung gusto mong lumaki siyang hindi takot magsabi ng totoo, kailangan ay ganoon ka rin.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWIwasan, hanggat maaari ang mga white lies at ugaliing daanin ang maraming bagay sa mabuting usapan.
Bukod pa sa mga nabanggit, makakatulong din kung ipapaalam mo sa mga anak mo na bagaman hindi mo nagustuhan ang kung ano mang negatibong bagay na nagawa nila, hindi pa rin mababawasan ang pagmamahal mo sa kanila.
Sa ganitong paraan, hindi matatakot ang mga anak mo na makipagusap at magsabi sa iyo ng totoo.
What other parents are reading
Ikaw? Anong technique ang ginagamit mo para hindi lumaking sinungaling ang mga anak mo? I-share mo na iyan sa comments section.
What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network