embed embed2
  • Nalingat Lang, Memory Full Agad! Nakakatawa Ang Mga Toddler Selfies Na Ito

    Hirap talagang malingat kapag may anak ka na.
    by Ana Gonzales .
Nalingat Lang, Memory Full Agad! Nakakatawa Ang Mga Toddler Selfies Na Ito
PHOTO BY Shaira Jean Espangela Agudong; Duane Juanillo
  • Ilang beses nang nangyari sa'yo 'yung bigla ka na lang nakakakita ng notification na puno na ang storage ng cellphone mo pero alam mo namang marami pa dapat? Tapos kapag chineck mo, makikita mong puno na pala ng mga selfies ng anak mo.

    Laging nangyayari 'yan sa mga nanay sa aming Facebook group na Smart Parenting Village. May iba pa ngang magugulat na lang, iba na ang wallpaper nila.

    Hindi ka talaga pwedeng malingat kapag may toddler ka. Sa isang iglap lang kasi na hindi ka nakatingin, marami nang pwedeng mangyari. May Smart Parenting article kami na dedicated para lang sa mga 'nalingat moments'. Basahin dito.

    Relate ka ba sa mga mommies na ito?

    Minsan, nagugulat na lang ang mga mommies na biglang may ganitong selfie sa cellphone nila.
    PHOTO BY Lea May Jimeno
    Pero parang uso yata sa mga toddlers ang mga selfies na ganito. (LOL!)
    PHOTO BY Nathalie Cantere Maligsa-Pernecita
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Ito ring si baby, muntik nang makita. (LOL!)
    PHOTO BY Jade Bustamante-Reyes
    At least dito sa selfie ni baby, nakikita naman ang mata niya!
    PHOTO BY Kimberly Aga
    Siyempre hindi masaya at kumpleto ang selfie-han kung wala kang partner in crime.
    PHOTO BY Megan Saliendra-Mateo
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    Itong magkapatid, may filter pa sila!
    PHOTO BY Rizabel Novenario

     

    Speaking of filter--gulat na gulat si mommy sa filter at stickers na ginamit ng toddler niya sa selfie nito.
    PHOTO BY Reina Lee
    Pero ilan talaga sa mga pinaka nakakatawang nakaw na toddler selfies na nakita namin ay iyong mga pictures na kasama si mommy at daddy pero wala silang kamalay-malay.
    PHOTO BY Duane Juanillo
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Ang lalim-lalim ng pag-iisip ni mommy. Wala siyang kamalay-malay na na-picturan na pala siya. (LOL!)
    PHOTO BY Shaira Jean Espangela Agudong
    Kahit si lolo, hindi nakaligtas!
    PHOTO BY Grazelle Cruz Lappay
    Na-shock naman si mommy sa nakita niyang selfie ng anak niya. Naka-bra lang daw siya diyan. Wala siyang kaalam-alam, na-picturan na pala siya.
    PHOTO BY Shaira Jean Espangela Agudong
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Maraming mga nanay din ang nagpadala ng screenshot ng gallery nila na talaga namang punong-puno ng mga selfies ng mga anak nila.
    PHOTO BY Cecile Vergel Balais
    'Yung may hinahanap kang photo pero puro ganito ang laman ng gallery mo.
    PHOTO BY Nathalie Cantere Maligsa-Pernecita
    Ganito rin ba ang itsura ng gallery mo?
    PHOTO BY Mich Peralta - Torres
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Mahirap maging magulang pero walang makakapantay sa sayang dulot ng mga bata—kahit na lagi nilang pinupuno ng mga selfies nila ang mga cellphones ninyo.

     

    Kahit nilalagyan nila ng barya, lemon, o laruan ang kape ninyo, kahit inuupuan nila ang mukha ninyo, o sinusundan kayo hanggang banyo, wala pa ring tatalo sa pagmamahal ng iyong anak.

    Ang mga simple at nakakatawang moments na ito ang patunay na masarap maging nanay. 

     

    Memory full ka ba lagi dahil sa mga selfies ng mga anak mo? I-share iyan sa comment section. Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village. 

    What other parents are reading

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles