-
Nakakatuwa Ang 'Bakit List' Ng 4-Year-Old Na Ito! May Masagot Ka Kaya?
Bakit nga ba ang daming tanong ng mga bata. (LOL!)by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Sa isang nakakatuwang post sa aming Facebook group na Smart Parenting Village, ibinahagi sa amin ni mommy Janine Falcon ang 'Bakit List' ng kanyang four-year-old na anak na si Astrid.
Kwento ni mommy Janine, noong three years old pa lang ang anak niyang si Astrid, nagsimula na itong magtanong ng mga nakakalokang bakit. Sa katunayan, ipinost din ito ni mommy sa Village noon.
Ngayong taon, sabi ni mommy, mayroon nanamang mga bagong naidagdag sa Bakit List ni Astrid. Hindi naman ito nakapagtataka dahil sa toddler years talaga mas nagiging curious ang mga bata, hindi lang sa paligid nila, kundi pati na rin sa mga taong nakakasalamuha nila at sa mga palabas na napapanood nila.
Narito ang mga tanong sa Bakit List ni Astrid. May masagot ka kaya? (LOL!)
"Bakit madaming people sa planet?"
"Why do ipis exist?"
"What will happen to the cow if they eat meat?"
"Do chicks go to heaven after they die? Ano gagawin nila sa heaven?"
"May teeth ba ang ipis? Pano sila nakakakagat?"
"Why can't we camouflage like Gecko? (salamat sa PJ Mask)"
"Bakit kaunti lang ang superheroes na girls?"
"Kailan mawawala ang (Corona) virus? Bakit ayaw niyang umalis?"
"Bakit hindi friends ang cats and dogs? Bakit sila lagi nagaaway?"
"Why do we forget our dreams?"
"Why do we say 'Excuse me' when we sneeze?"
"Is burp the same as utot? Like farting but in the mouth?"
"Kailan babalik ang mga dinosaurs?"
"Why do you love plants? And why do you treat them like babies?" (Kaway-kaway sa mga 'halamoms' diyan!)
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading
"Why do you want me to be a baby forever?"
"Bakit iniwan ni Ariel si Sebastian after ng wedding nila? (Little Mermaid)"
"Anong pangalan ng kapatid ni Rapunzel? (Tangled)"
"Bakit hindi kinain ni Mother Gothel 'yung flower? (Tangled)"
"Bakit galit ang kabayo ni Merida? (Brave)"
"Bakit galit ang nanay ni Merida? (Brave)"
"Bakit red ang hair ni Merida? At bakit pareho sila ni Ariel?" (Brave / Little Mermaid)
"Ano ang tawag sa power ni Elsa? At bakit?" (Frozen)
"Ano ang pangalan ng kapatid ni Olaf? Bakit?" (Frozen)
"Ano ang color ni Anna?" (Frozen)
"Bakit sila nagsi-sing?"
Nagpatulong si mommy sa mga kapwa niya nanay para masagot ang mga tanong ng mga anak niya. Kaya lang, sa halip na makakuha siya ng sagot, nakakuha pa siya ng mas maraming tanong! (LOL!)
Mayroon din pala kasing kanya-kanyang Bakit List ang mga nanay na puno naman ng mga tanong ng kanilang mga anak!
Narito ang ilan sa mga tanong na inilista nila:
"Bakit 'yung tiyan ni daddy malaki, pero wala namang baby?"
"Bakit hindi pwedeng kainin nina Adam and Eve 'yung fruit? Kasi hilaw pa?"
"Bakit 'Vina' ang tawag sa'yo ng mga tao? Bakit hindi mommy? Diba ikaw si mommy?"
"Bakit malamig ang yelo?"
"Bakit hindi tayo nakakahinga sa tubig?"
Ilan lamang ang mga iyan sa mga nakakatawang tanong ng mga bata. Bagaman sa umpisa ay napapakamot na lang ng ulo ang mga nanay nila, hindi maikakailang nakakabilib ang kanilang curiosity.
Lahat kasi ng nakikita nila ngayon ay bago pa sa kanila kaya mayroon pa silang tinatawag na sense of wonder. Babalik ka talaga sa pagkabata sa tuwing may itatanong silang ganito dahil hahanapin mo ang sagot at ipapaliwanag sa kanila kung bakit.
CONTINUE READING BELOWwatch nowMay Bakit List din ba ang anak mo? I-share mo na ang mga nakakatawa niyang tanong sa comments section!
What other parents are reading

- Shares
- Comments