embed embed2
  • Paano Mag-Travel With Toddlers, Ayon Kay Mariel Padilla

    Narito ang ilan sa kanyang mga tried and tested tips!
    by Ana Gonzales .
Paano Mag-Travel With Toddlers, Ayon Kay Mariel Padilla
PHOTO BY Mariel Padilla/YouTube
  • Sa umpisa pa lang ng pinakahuling vlog ng celebrity mom na si Mariel Padilla, siguradong maraming mga nanay na may mga maliliit pang anak ang talaga namang relate na relate. Ayon sa kanya, gets na gets niya ang takot nating mga ina na mag-travel kasama ang ating mga anak—lalong-lalo na kung ang pinag-uusapan ay mahahabang flights.

    Nariyan din ang takot ng pag-travel with newborns. Sabi nga ni mommy Mariel, “I super get it! ‘Yung feel of traveling with a newborn. Iiyak ba siya the whole time? Will the ears pop? Tapos iiyak and everyone will give us the nasty looks—sobra siyang nakakatakot.” Dagdag pa niya, pinagdaanan niya ito at pinagdadaanan pa rin niya hanggang ngayon. “Pero, I’m a little at ease knowing that it can be done! We CAN travel with our children,” pag-rereassure niya sa mga kapwa niya nanay.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Narito ang kanyang mga tips kung paano magbiyahe na may kasamang maliliit na mga bata. Tandaan, ito’y base sa kanyang mga experiences kaya maaaring may ilang mga pagbabago kang pwedeng gawin depende sa pangangailangan ng iyong pamilya.

    What other parents are reading

    Piliin ang travel time na malapit sa oras ng tulog ni baby

    Ayon kay mommy Mariel, kung malapit sa bedtime ni baby ang oras ng lipad ninyo, lalo na sa mga long flights, matutulog lang ‘yan sa buong biyahe. Huwag ka ring matakot na isama siya sa eroplano dahil ang “humming” na maririnig mo sa loob ng aircraft ay relaxing para sa ilang bata, lalo na sa mga babies.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Dagdag pa ng first-time mom, two months pa lang si Isabella noon at nagulat siya dahil natulog lang ito sa eroplano nang bumiyahe sila.

    What other parents are reading

    Hayaan mo silang maglaro at mag-enjoy bago lumipad

    Pabayaan mong maglaro, maglakad at tumakbo ang anak mo habang hindi pa kayo sumasakay ng eroplano o sasakyan para mabawasan ang kanyang excess energy.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Gamitin mo ang layover kung mayroon man, para pabayaan ang anak mo na mag-unat at maglabas pa ng extra energy na mayroon pa siya.

    Magdala ng mga bagay (laruan etc.) na pang-entertain kay baby

    “This is my favorite and this really works,” sabi ni mommy Mariel. “You have to make sure you have things to entertain your baby and usually, they have to be new,” dagdag pa niya. Paliwanag ni mommy Mariel, kung bago ang coloring book o bago ang stuffed toy, mas magiging interesado si baby dito.

    Dagdag pa niya, magandang laruan din ang clay dahil marami kayong magagawa dito habang nasa biyahe.

    Dalhin ang mga paboritong snacks ni baby

    ‘Yung oras na kumakain ang anak mo, ‘yun din ang oras na makakakain ka kaya dapat siguraduhin mong dala mo ang mga paborito niyang snacks.

    What other parents are reading

    Pagsakay ng eroplano, punasan ang mga bahagi ng upuan na pwedeng hawakan ni baby

    “Ito ang lagi kong ginagawa, the minute na pumasok kami sa plane. This is so important to me kasi my baby, she sucks her fingers,” sabi niya. Bagaman alam niyang nililinis naman ang eroplano bago ito sakyan ng mga pasahero, may mga instances na hindi na nalilinis ng mabuti ang ibang bagay kaya dapat pa rin itong punasan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Siguraduhing pwedeng mapanood ng anak mo ang mga paborito niyang palabas

    Ipinaliwanag naman ni mommy Mariel na 18 months na si Isabela nang una itong gumamit ng gadgets. At naiintindihan niya kung may mga nanay na hindi pagagamitin ng gadgets ang kanilang mga anak.

    Para sa kanya, sinisiguro niyang kahit offline ay makakapanood ang anak niya ng mga paborito nitong palabas.

    What other parents are reading

    Para hindi sumakit ang tenga ni baby, siguraduhing mayroon siyang iniinom o nilulunok

    Kwento ni mommy Mariel, pinapa-latch niya si Isabella para hindi sumakit ang tenga nito kapag take off. “Kailangan nagsswallow ang baby ninyo,” sabi niya. 

    Magdala ng maraming diapers

    Minsan, nagkamali si mommy Mariel at hindi niya na-realize na masyado pa lang mahaba ang flight na na-book niya. Kinulang siya ng diapers kaya sa airline siya humingi. “Buti na lang ‘yung airline, mayroon silang binigay na diapers sa amin,” kwento niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Magdala rin ng mga ekstrang damit

    “It’s important to bring extra clothes,” payo niya. “Not just for the baby, but also for you,” dagdad pa ng hands-on mom. “Why? Nasukahan ka niya. Ikaw kadiri ka, diba?” Pagdidiin pa ni mommy Mariel. Kailangan mo rin ng emergency pamalit ng damit.

    Ang dalawang huling advice naman ni mommy Mariel ay madalas makalimutan ng ilang nanay lalo na kung talagang stressful na ang sitwasyon: Pray and believe in yourself. “Kayo ang may pinaka nakakakilala sa mga anak ninyo. Alam niyo kung ano ang kailangan nila. Kayo ‘yung pinakanakakaintindi,” sabi niya. “Mommies, believe that you can do it. Believe in your child and you will be surprised,” dagdag pa niya.

    What other parents are reading

    Huwag magpadala sa takot para hindi mo ma-miss ang pagkakataong mag-enjoy kasama ang iyong pamilya. “May times na iiyak and that’s okay. Kung may taong titignan ka ng masama, nakita na may bata ka, the problem is not you, the problem is ‘yung ibang tao,” sabi niya. Dagdag kaalaman pa mula kay mommy Mariel: Libre pa ang mga babies edad 0 to 2 sa eroplano kaya tipid ka pa mag-travel. Kailangan mo lang bayaran ang travel tax.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ikaw? Anong travel tips ang talagang effective sa inyo? I-share mo na sa comments section.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles