-
Anak, Behave Ka Na, Please! 6 na Paraan Para sa Pagdidisiplina sa Bata
Mas mahirap ba talagang pasunurin ang mga bata ngayon kaysa noon?by Dinalene Castañar-Babac . Published Mar 16, 2019
- Shares
- Comments

“Huwag malikot ha! Behave ka lang d’yan!” Madalas iyan ang paalala ng mga mommy kapag marunong nang maglikot at magkulit si baby. Pero paano kapag sobra na talaga? Hindi na halos mapigil at kung minsan ay nagwawala na rin o nagpapalahaw sa pag-iyak. Ano ang dapag gawin at paano ang pagdidisiplina sa bata?
Dapat ba silang paluin? Pagalitan o ibigay ang gusto nila? Si baby na ba ang boss?
Sabi ng mga mommy, iba na nga raw ang henerasyon ngayon. Mas mahirap na ang pagdidisiplina sa mga bata. The more na pinipigilan sila, the more nilang ginagawa ito dahil siguro nga sa kanilang curiosity. Napaka-adventerous din kasi ng mga baby, lahat talagang gustong subukan at gawin.What other parents are reading
Narito ang ilang tips na maaring gawin sa pagdidisiplina sa bata
1. Kilalanin at unawain ang nararamdaman at pag-uugali ng iyong anak
Pinakamahalaga siguro sa tamang pagdidisiplina ang pagkilala sa kanilang mga nararamdaman. Tanungin sila kung bakit sila naiinis, nagagalit, o nalulungkot. Mahalaga rin na ma-recognize nila na okay lang na makaramdam sila ng ganito at kaya nilang kontrolin ang kanilang emosyon.
Maaaring ituro sa kanila ang tatong hakbang sa pagpapakalma — huminto, huminga nang malalim, at bumilang ng isa hanggang lima. Bukod pa rito, kailangan din ang masusing obserbasyon sa kanilang behavior para alam mo ang mga rule na ise-set mo para sa kanila. Iangkop mo sa mga obserbasyong ito at sa edad nila ang mga expectation sa kanila.What other parents are reading
2. Mag-set ng malinaw na rules at maging consistent sa pagpapatupad nito
Ipaalam sa kanila kung ano ang dapat at hindi dapat gawin sa isang partikular na sitwasyon. Maaaring sabihin din sa kanila kung ano ang mangyayari kapag ginawa nila ito. Gawing simple lamang at madaling maunawaan ang mga rules na ibinibigay sa kanila. Madalas kailangan pang ulit-ulitin ito sa kanila bago nila makuha ang gusto mong sabihin.
Kakailanganin ninyo ng maraming pasensya. Dapat na maging consistent sa pagpapatupad nito para sure na susundin nila. At hindi rin ito lilikha ng confusion at maiiwasan ang comparison sa kanila. Dapat napag-uusapan din ang mommy at daddy ang mga ito. Kapag “NO” kay mommy dapat ganun din kay daddy.3. Palagiang pagpapaalala ng mga bagay
Tunay na mahalaga ang simpleng pagpapaalala ng mga dapat na ginagawa nila. Kailangan din ito upang higit na maging pamilyar sila sa mga rules at sundin ito. Mahalaga na malaman din nila ang consequences o maaaring kahinatnan ng isang bagay kapag ginagawa nila ito, nang sa gayon ay makilala nila na ang bawat maling bagay na gagawin nila ay may kaakibat na punishment, kung kaya't mas mabuting piliin nila ang mas tama.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading
4. Pagbibigay ng papuri o reward sa kanilang magandang ginagawa
Masaya rin sa isang bata ang pagbibigay-halaga at pagkilala sa kanilang mabubuting ginawa lalo na kapag nakasusunod sila sa mga rule na ibinibigay sa kanila. Sa ganitong paraan, mas nagagawa nilang mas mag-behave at laging sumunod sa iyong sinasabi dahil nakakatanggap sila ng reward gaya ng pagbibigay ng smiley stamp o sticker, o pagbili ng paborito nilang pagkain.
Huwag lamang masyadong maging materyalistiko sa pagbibigay ng reward, sapat na rin kung minsan ang pagyakap, paghalik, at pagsasabi ng “very good” sa kanila.
5. Maging kalmado lamang sa pagdisiplina
Huwag namang masyadong punahin ang lahat ng maling ginawa ng iyong anak. Kung sakali man na may pagkakataon na hindi siya nakasusunod na rule, huwag agad-agad na ipahiya siya o sigawan sa harap ng ibang tao. Kung minsan nga, mas mabuti pang i-ignore muna o huwag na lamang muna sila pansinin. Dahil may ibang bata rin na gusto lamang kunin ang atensiyon mo.
CONTINUE READING BELOWwatch nowMinsan, kapag hindi na sila pinansin ay tumatahimik at tumitigil din sila sa pangungulit. Sa halip na magalit agad, pakalmahin din lamang ang sarili saka sila pagsabihan at kausapin.
What other parents are reading
6. Maging isang mabuting ehemplo sa kanila
Sabi nga sa kasabihan “kung ano ang ginagawa ng matanda, ginagawa ng bata.” Ang tendensiya lalo na sa mga bata ay ang panggagaya sa ginawa ng matanda. Kinikilala nila ang mas nakatatanda sa kanila at iniidolo ang mga ito. Kaya naman kapag madalas nilang nakikita ito sa atin, mas gagayahin nila dahil paniniwalaan nilang ito ang tama. Sabihin din sa kanila kung ano ang dapat para sa bata at ano ang sa matanda. Huwag magsawa sa pagsagot ng kanilang maraming tanong.
Kung minsan nagiging frustrating sa magulang ang pagdidisplina dahil ginawa mo na ang lahat ngunit parang wala pa ring nangyayari. Sa ating mga Pinoy, naging bahagi na ng kultura sa pamilya ang pamamalo. Marahil marami sa atin ang lumaki sa ganitong sistema. Minsan mahirap ding magpigil sa sobrang kakulitan na ng mga bata. Mahalaga lamang ay maipaunawa sa kanilang mabuti kung bakit ito nagawa sa kanila.
Sabi nga sa lahat ng aspekto ng pagiging magulang “Communication is very important.” Mahalaga na sa murang edad pa lamang ay nauunawaan na nila ang konsepto ng pagdidisiplina sa kanila. Bagaman mahirap kausapin ang pa ang mga toddler dahil iba pa ang paraan ng kanilang pakikipagkomunikasyon, sa lengguwahe ng pagmamahal ng magulang makukuha niya rin ito.ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWBilang magulang, responsibilidad natin na gabayan sila sa kanilang paglaki at maituro o maipanuwa sa kanila kung ano ang tama at mali; kung ano ang dapat at hindi. Totoong hindi madali ang pagdidisiplina sa bata pero magagawa mo ito kung mauunawaan mo ring mabuti ang mga kilos na ginagawa o ipinapakita ni baby. At higit sa lahat na pinakamahalaga ay ang pagkakaroon ng mahabang-mahabang pasensya.
Ang impormasyong nakalahad dito ay mula sa:
Curb 'Sobrang Kulit' Moments: 5 Helpful Discipline Techniques
Nagdadabog Na! 7 Parenting Techniques to Prevent Temper Tantrums
What other parents are reading

- Shares
- Comments