embed embed2
  • Parusa, Pagsigaw: Maling Gawain Sa Pagdisiplina Na Puwedeng Maiwasan, Ayon Sa Expert

    Bakit hindi daw maganda na gamitin ang pagpaparusa sa matigas ang ulo.
    by Jocelyn Valle .
Parusa, Pagsigaw: Maling Gawain Sa Pagdisiplina Na Puwedeng Maiwasan, Ayon Sa Expert
PHOTO BY Shutterstock/Odua Images
  • Dahil sa hangarin ng magulang na madisiplina ang anak, may mga bagay pala siyang ginagawa na hindi nakabubuti sa bata.

    May paniniwala kasi na naituturo ang disiplina sa pamamagitan ng pagpapataw ng parusa. Nagbigay ng paliwanag si Janet Lansbury, isang American parenting expert tungkol dito. Aniya sa kanyang blog, nag-ugat ang ganyang mindset sa definition ng discipline mula sa Oxford Dictionary.

    Bakit may nagsasabing hindi maganda ang punishment bilang discipline technique    

    Naniniwala si Lansbury na ang pagbibigay ng punishment o parusa ang pinakamalaking pagkakamali sa pagdidisiplina ng bata, lalo na sa toddler.

    Para sa kanya na isa ring teacher gamit ang Resources for Infant Educarers (RIE) approach, mas mainam ang definition mula kay Magda Gerber. Si Gerber ay ang yumaong child therapist, infant specialist, at founder ng RIE.

    Ang sabi raw ni Gerber sa libro nitong Dear Parent—Caring For Infants With Respect, ang discipline ay “training that develops self-control, character.” Naayon daw ito sa Latin root word na "disciplina," na ang ibig sabihin ay “instruction, knowledge."

    Samakatuwid, ang pagdisiplina sa bata ay pagbibigay edukasyon para maintindihan ang tamang asal (behavior), pagpapahalaga (values), at kung paano mapigilan ang kanyang impulses. Kaya makabubuti na itama ng magulang ang ilang maling gawain.

    Pagbibigay ng parusa 

    May iba-ibang paraan ang magulang ng pagbibigay ng parusa. Nariyan ang pagpalo sa anak, patatayuin sa isang sulok (time out), o di kaya bibigyan ng “consequence.”

    Dito sa Pilipinas, may mga kuwento ang mga matatanda tungkol sa pagluhod sa asin o munggo para raw matuto ang bata ng leksyon. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kontra dito si Lansbury dahil ang pagdidisiplina gamit ang “physical or emotional pain” ay puwede raw magtulak sa bata na huwag nang magtiwala sa magulang at sa sarili niya mismo.

    Sumusunod ang anak sa magulang kung mayroon silang “loving, trusting bond.”

    Bilang halimbawa, ikinuwento ni Lansbury ang dati niyang estudyante na maituturing na “bad” ang asal sa klase. Napansin niyang napipilitan ang toddler na sagarin ang kanyang masamang pag-uugali dahil marahil hirap din ang “adoring, gentle” mommy nito na mag-set ng limitasyon. 

    Aminado naman daw ang nanay sa pagkainis sa anak. Nararamdaman ito ng bata at ipinapakita ito sa pamamagitan ng “acting up.”

    Kaya ang ginawa ni Lansbury, binantayan niya ang bata para hindi manakit ng kapwa bata. Sinasabihan din daw niya ito na hindi niya papayagan manulak ng kaklase o di kaya paalalahan na masyado nang magaspang ang kinikilos.

    Pero madalas, tinatanong ng teacher ang student, “Are you having a hard time today?” Sasagot lang daw ito ng, “Da,” at saka bahagyang ngingiti.

    Umaayos daw ang asal ng bata sa tulong ng simpleng acknowledgement at “calm, consistent limit setting” ng guro.

    Matigas ba talaga ang ulo?

    Ang punto ni Lansbury, nais ng mga toddler na maintindihan sila. Gusto din daw nila ang paraan na kalmado, mapag-unawa, at hindi nasisindak sa kanilang asal. Hindi naman nila intensiyon na maging masama o pasakitin ang ulo ng magulang.

    Iniisip natin “bad” ang bata kapag matigas ang ulo pero madalas humihiling ito ng tulong.

    Iyon daw ang paraan ng toddler para sabihing tulungan siya dahil pagod siya o gutom na. Humihingi rin siya ng tulong para tigilan na niya ang pananakit sa mga kaibigan o ang pang-iinis sa mga magulang.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Maaari siyang tulungan sa kalmado at may malasakit na paraan upang iyon din ang matutunan niyang gawin sa iba.

    Paninigaw sa bata

    Kapag napansin ng bata na sumisigaw ang magulang sa kanyang “constant demands,” sabi ni Lansbury, lalo daw nitong ipipilit ang gusto. Nasa stage daw kasi ang toddler ng pagsubok ng kanyang power at will, habang sinisiguro niya na kaya ng magulang na tapatan ang ganoong power at will. Kaya normal at healthy ang pagsalungat (defiance) sa kanyang edad. 

    Hindi kaagad pagbibigay ng limitasyon

    Kailangan magbigay kaagad ang magulang ng limitasyon sa anak para hindi magkaroon ng pakiramdam ang bata ng pagiging “too powerful.” Ang mangyayari kasi, paalala ni Lansbury, hindi na pakikinggan ng bata ang kanyang nanay o tatay.

    Makakaramdam siya ng pagiging “uncared for” sa panahong alam na niya na kailangan niya ng kalinga ng magulang. 

    Walang follow through

    Mainam na paalalahanan at pagsabihan ng magulang ang anak bago tuluyang magalit. Ito ang hinahanap at gustong sabihin ng toddler, ayon kay Lansbury. Nanghihingi ang bata ng boundary na ibibigay sa kanya sa kalmado at marespetong paraan upang maramdaman niyang safe at secure siyang muli sa love at care ng kanyang magulang. 

    Dagdag pa ng guro, “Children don’t want to be considered bothersome, frustrating, or annoying, and they don’t deserve our resentment.” 

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles