Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Paano Pumili Ng Potty Trainer At Saan Makakabili?

    Plano mo na bang umpisahan ang potty training journey ninyo ni baby?
    by Jhem Bon .
Paano Pumili Ng Potty Trainer At Saan Makakabili?
PHOTO BY iStock
  • Tiyaga at mahabang pasensya ang kailangan kapag nag-popotty training ka na ng bata. Bagaman magiging makalat ito sa umpisa, magiging laking ginhawa naman ito kapag natuto na ang iyong anak. Bukod sa tipid ka na sa diapers, hindi ka pa mahihirapan na palit ng palit sa kanila.

    Malaki ang maitutulong ng potty trainer para masanay mo ang iyong anak na gumamit ng banyo. Ang potty trainer ay ang maliit na version ng toilet na sakto lang ang laki sa pwet ng anak mo. Nakakaengganyo rin ang potty trainer sa mga bata dahil kalimitan ay makukulay ito at may mga nakakatuwang disenyo.

    Paano pumili ng potty trainer?

    Sa dami ng iyong pagpipilian, paano mo nga ba malalaman kung ano ang bibilhin para sa iyong anak? Narito ang ilang bagay na maari mong pagbasehan sa pagbili ng potty trainer:

    1. Ibase sa kasarian ng iyong anak

    Mayroong potty trainer na katulad ng urinal ng mga lalaki. Ito ay makatutulong sa pag-potty train sa mga batang lalaki. Makakabili ka nito sa Baby Company sa halagang P399.75.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

     

    Marami ka rin namang mabibili kung neutral ang gusto mo o 'yung pwede sa parehong lalaki at babae. Ang Fisher Price Royal Potty ay nagkakahalaga ng P1,599.75 sa Lazada.

    More from Smart Parenting

    2. Ibase sa paboritong kulay at character ng iyong anak

    Kung sa kulay, hugis at disenyo, marami kang pagpipilian. Mula sa parang sasakyan na may mga gulong hanggang sa mga paboritong karakter ng inyong anak, mayroon nito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung mahilig sa unicorn ang iyong anak, mayroon nito sa Lazada sa halagang P999.75.

     

     

    Sa Baby Company naman ay mayroong hugis eroplano na perfect kung ito ang hilig ng iyong anak. Ang Airplane Baby Potty Trainer ay nagkakahalaga ng P799.75. 

    Kung mga hayop naman ang interes ng iyong anak, sa Babymama ay mayroong potty trainer na hugis balyena. Ang Bonjour Whale Potty ay nagkakahalaga ng P1495 at mabibili sa kulay asul o pink.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    3. Tignan kung dual purpose

    May mga potty trainer na double purpose. Bukod sa ihian, maari ring gamitin ang mga ito na tuntungan o booster seat ng mga bata kaya hindi ito masasayang kahit na marunong nang gumamit ng banyo ang iyong anak. Halimbawa nito ay ang Mom & Baby Pop Baby Potty na mabibili sa Lazada sa halagang P1599.75.

     

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    Saan makakabili ng potty trainer?

    Bukod sa Babies section sa mga malls at department stores, marami ka ring pagpipilian sa online stores na tulad ng Lazada at Shopee. Halos pareho lang ang presyo ng mga ito saan ka man bumili. Kalimitan ay nagkakahalaga ng mula Php150 hanggang Php7,000 ang mga potty trainers.

    Maari ka ring makabili sa mga online shops sa Facebook at Instagram na nagbebenta ng mga baby items tulad ng The Little Hot Air Balloon (Instagram: @thelittlehotairballoon), The Baby Store Ph (Instagram: @thebabystoreph), Bambina Ph (Instagram: @bambinaph), at Baby Mama (Instagram: @babymama.ph). 

    More from Smart Parenting

    Importanteng maging maingat sa pagbili sa mga online shops. Basahin mo munang mabuti ang impormasyong nakalagay tungkol sa mga produkto bago ka bumili. Kailangan mo ring siguraduhing ligtas gamitin at walang sira ang potty trainer bago mo ito bilhin para walang maging problema kapag ginamit na ito ng anak mo.

    Bukod pa sa pagpili ng tamang potty trainer, mahalaga ring mayroon kang tamang attitude kapag nasa potty training stage na kayong mag-ina. Malaki kasi ang impact ng experience ng anak mo sa kanyang habits sa banyo. Hindi rin garatisadong matututo agad ang anak mo na gumamit ng banyo mag-isa dahil sa potty trainer. Iba-iba ang mga bata at iba-iba rin ang panahon kung kailan nila matututunang gumamit ng banyo. Huwag pwersahin ang anak mo kung hirap siya sa transition. Gabayan mo lamang siya at subukang gawing masaya ang kanyang experience.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Paano ninyo pinipili ang potty trainer ng anak ninyo? I-share lang iyan sa comments section.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles