-
Sobrang Iyakin? Paano Tulungan Ang Anak Para Iwas Meltdown
by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Ilang meltdowns na ang naranasan mo ngayong araw na ito? Eh kahapon? Nakailang beses umiyak at nagtantrums ang anak mo?
Sabi nga ng mga eksperto, bahagi na ito ng pagiging magulang. Sa katunayan, mas nagiging madalas ito sa toddler stage.
Marami na kaming nailistang mga solusyon para ma-handle mo ang meltdowns at tantrums ng mga anak mo, ngunit isa ang nakikita naming hindi lang makakatulong sa inyong dalawa ngayon, kundi pati na rin hanggang sa paglaki ng anak mo. Ito ang self-regulation.
Ano ang self-regulation?
Ito ang kakayahan ng anak mo na i-manage o timplahin ang kanyang nararamdaman. Kapag marunong mag-self-regulate ang anak mo, ibig sabihi'y kaya niyang kalmahin ang sarili niya sa kabila ng mga nakaka-stress na sitwasyon.
Kaya rin niyang dalhin ang kanyang sarili kahit na nakakaramdam siya ng matitinding emosyon tulad ng frustration, galit, lungkot, at takot.
Kapag natutunan ito ng anak mo ng maaga, malaki ang chance na madadala niya ito sa kanyang paglaki. Unpredictable ang mundo.
Maraming bagay sa ating buhay ang hindi natin inaasahan. Kung marunong mag-self-regulate ang anak mo, mas makakaya niyang maging panatag sa kabila ng mga pangyayari na hindi niya inaasahan.
Anu-ano ang mga tanda na hindi marunong mag-self-regulate ang anak ko?
Mabilis silang magalit. Wala kang mapapansing build-up. Basta na lang silang magagalit nang labis. Dito na nagmumula ang mga major tantrums at meltdowns.
Bukod pa riyan, madalas din silang mag-outburst. Dahil nga hindi nila kayang i-regulate ang kanilang mga nararamdaman, lumalabas ito bilang mga biglaang outbursts.
What other parents are reading
Bakit may mga batang hindi marunong mag-self-regulate?
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPaliwanag ng mga eksperto, ang kakayahang mag-self-regulate ay depende sa personalidad at temperament ng mga bata. Halimbawa, may mga sanggol na pumapalahaw nang iyak kapag binibihisan o pinapaliguan. Sila ang mga batang maaaring makaranas ng hirap sa pagreregula sa kanilang mga nararamdaman.
May ginagampanan din ang environment kung saan lumaki ang bata. Kung lagi mong ibinibigay ang gusto ng anak mo sa tuwing iiyak, magwawala, o magtatantrums siya, lalaki siyang hindi sanay na disiplinahin ang sarili niya.
Nakakaapekto rin sa kakayahan ng anak mo na mag-self-regulate ang dalas nang pag-alo mo sa kanya kapag nagwawala siya. Okay lang na ipahayag mo sa anak mo na nariyan ka para sa kanya kahit nagtatantrums siya, pero hindi na dapat sumobra pa doon ang pag-alo mo.
Paano turuan ang anak ko na mag-self-regulate?
Isa sa mga pwede mong gawin ay turuan ang anak mo na mag-react sa paligid niya nang akma. Kailangan mo siyang bigyan ng supportive framework kung saan mararamdaman niyang valid ang kanyang nararamdaman, ngunit may mas mainam na paraan para ipakita ito.
Isang halimbawang ibinigay ng mga eksperto ay ang paggawa ng math assignment. Frustrating ito kung hindi ito maintindihan ng anak mo.
Para matulungan siya, pwede mong ituro sa kanyang kung paano i-solve ang isang math problem at saka mo siya hayaang gawin ang iba nang may paggabay pa rin mula sa iyo.
Sa ganitong paraan, hindi mo siya pinabayaang ma-frustrate nang matagal at tinulungan mo siyang maghanap nang paraan para ma-solve ang problema niya.
Pagtanda niya, matututunan niyang kapag mahirap ang kinakaharap niya, ayos lang na ma-frustrate, pero mas magandang humanap ng solusyon sa problema.
CONTINUE READING BELOWwatch nowPwede ka ring magsilbing halimbawa sa anak mo. Ipakita mo sa kanya kung paano ang self-regulation. Tandaan, mas natututo ang mga bata sa nakikita nila kaysa sa naririnig nila.
Marunong bang mag-self-regulate ang anak mo? Paano mo siya tinuturuan nito? I-share mo lang 'yan sa comments section.
What other parents are reading

- Shares
- Comments