-
Struggle Bang Sipilyuhin Ang Toddler Mo? 5 Paraan Para Hindi Na Siya Umiyak
May mga paraan para hindi na kayo mag-away mag-ina kapag oras na ng pagsisipilyo.by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Isa sa mga importante at dapat matutunan ng mga anak mo ay ang kahalagahan ng pagsisipilyo. Kahit pa milk teeth pa lang ang mayroon sila, kailangang masanay sila na ang pagsisipilyo ay bahagi ng pang-araw-araw na routine ng isang masigla at malusog na bata. Bukod pa riyan, kung mahilig sa matatamis ang mga anak mo, ang pagsisipilyo ng madalas ay makakatulong para makaiwas sa pagkasira ng kanilang mga ngipin.
Kaya lang, hindi madaling kumbinsihin ang mga bata na magsipilyo. Sabi nga ng isang nanay mula sa aming Facebook group na Smart Parenting Village, hindi pa niya ipinapasok ang toothbrush sa bibig ng anak niya, nangangagat na ito. Ang ilan naman ay umiiyak o hindi kaya ay tumatakbo. Para hindi na kayo mag-away mag-ina kapag oras na ng pagsisipilyo, narito ang ilang pwede mong gawin:
Samahan silang mag-toothbrush
Sabi nga ng mga ‘batikang magulang’, mas sinusunod ng mga anak natin ang nakikita nilang ginagawa natin kaysa sa mga sinasabi natin. Kaya sa halip na ipaliwanag mo sa kanila ang kahalagahan ng pagsisipilyo, ipakita mo ito sa kanila. Magandang paraan at pagkakataon din ito para ipakita mo sa kanila ang tamang paraan ng pagsisipilyo.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWHuwag silang pilitin kapag ayaw nila
Bagaman mahalagang maaga nilang matutunan na ang pagsisipilyo ay dapat bahagi ng kanilang daily routine, importanteng hindi mo sila pilitin para hindi sila tuluyang ma-stress at matakot sa pagsisipilyo.
Payo ng mga nanay sa Village, kailangan mo ng mahabang pasensya dahil paulit-ullit mong ituturo sa anak mo na kailangan niyang mag-toothbrush.
What other parents are reading
Piliing mabuti ang toothbrush at toothpaste na gagamitin
Kalimitan ay nagsisimula ang mga nanay sa finger toothbrush. Ayon sa mga nanay sa Village, ipinapakita nila sa mga anak nila ang proseso ng paglalagay ng toothpaste at saka nila dahan-dahang lilinisin ang ngipin at gilagid ng kanilang mga anak.
Kapag nasanay na ang bata, saka pa lang sila gumagamit ng silicon brush. Highly recommended ng mga nanay ang Sansfluo dahil malambot. Gusto rin nilang brand ang Chicco Toothbrush at ang kiddie toothbrush ng Colgate. Pagdating naman sa toothpaste, nirekomenda ng mga nanay ang Aquafresh Milk Teeth Toothpaste at Pigeon Toothpaste for Children.
CONTINUE READING BELOWwatch nowMalaki ang epekto ng sipilyo at toothpaste na gagamitin mo para masanay ang anak mo sa pagsisipilyo. Ayon pa nga sa isang nanay sa Village, malaki ang impact ng lasa ng toothpaste at tigas ng bristles ng toothbrush.
Kwento ng isang nanay sa amin, gumamit muna siya ng mga battery-operated na mga sipilyo na ang hawakan ay nakadisenyo base sa mga paboritong Disney characters ng mga anak niya. Nang maubos ang baterya, hindi siya nahirapang palitan ito ng mga ordinaryong sipilyo dahil nasanay nang magsipilyo ang kanyang mga anak.
Relax, para maging mas masaya ang pagsisipilyo
Mabilis mainip ang mga bata kaya dapat talaga ay creative ka kung gusto mong mapanatili ang atensyon nila sa pagsisipilyo.
Pwede mong ipagaya ang facial expressions mo sa anak mo o hindi kaya ay paramihan kayo ng bula sa mukha. Pwede rin kayong magpatagalan o hindi kaya ay magpaputian ng ngipin.
Kwento ng mga nanay sa Village, maraming kantang pwedeng patugtugin para maging mas masaya ang pagsisipilyo. Dagdag pa nila, may mga videos din online na pwede ninyong panoorin habang nagsisipilyo kayong dalawa.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading
Bigyan ng reward ang iyong mga anak
Hindi kailangang laruan ang ibibigay mo sa kanila, para rin hindi sila masanay na may kapalit ang bawat gagawin nila. Sa katunayan, magandang reward na ang purihin mo siya tungkol sa kung gaano na kaputi ang ngipin niya dahil masipag siyang magsipilyo.
Sa huli, ang mahalaga ay magkaroon ang anak mo ng magandang experience pagdating sa pagsisipilyo. Tulad ng iba pang bagay na kailangan niyang matutunan, importante ang mahabang pasensya at pagiging creative para mas madali mo siyang maturuan.
Ikaw? Paano mo tinuruan ang anak mo na magsipilyo? I-share mo na sa amin sa comments section.

- Shares
- Comments