embed embed2
  • Hirap Maging Teacher Nanay? Heto Ang 10 Sikreto Ng Mga Daycare Teachers

    Mas mapapadali ng mga ito ang buhay mo bilang teacher nanay.
    by Ana Gonzales .
Hirap Maging Teacher Nanay? Heto Ang 10 Sikreto Ng Mga Daycare Teachers
PHOTO BY Shutterstock/pratan ounpitipong
  • Isa sa mga naging hamon sa mga magulang noong pumutok ang COVID-19 pandemic ay ang pagiging teacher nanay at tatay sa mga bata.

    Dumagsa ang mga tanong kung paano nga ba masisigurong may natututunan ang mga bata at kung anu-ano nga ba ang mga mabisang paraan para maturuan sila.

    Nag-aalala rin ang mga magulang kung paano babalansehin ang pagtuturo sa mga bata at pagtatrabaho.

    Kaya naman para mas maging madali ang natitirang buwan ng school year at ang paparating pa, narito ang ilang mga techniques mula sa mga daycare teachers.

    Anu-ano ang mga techniques at sikreto ng mga daycare teachers?

    1. Magkaroon ng isang routine

    Panatilihing simple at consistent ang routine ninyo sa bahay. Payo ni Donna Freeman, direktor ng Discovery Children's Centre sa Winnipeg, makakatulong kung gagamit ka ng mga charts, pictures, at illustrations para ma-visualize ng mga anak mo ang kanilang daily routine.

    2. Gumamit ng mga timers

    Maganda sa mga bata kung may mga tinatawag na audio o visual cues bago sila magsimula ng panibagong activity. Malimit itong ginagawa ng mga daycare teachers. Pwede kang gumamit ng mga sand timers o alarms. Sabihin mo sa mga anak mo na kapag naubos ang oras o tumunog ang timer, oras na para magsimula ng panibagong gawain.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    3. Hayaan mo silang pumili

    O bigyan mo sila ng pakiramdam na pwede silang mamili. Gusto ng mga maliliit na bata na maramdamang mayroon silang choice. Halimbawa, sa halip na utusan mo ang anak mo na magsipilyo, tanungin mo siya kung gusto na niyang magsipilyo ngayon o mamaya pagkatapos ng ilang minuto.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    4. Huwag matakot mag-enjoy

    Pwedeng maging masaya ang pag-aaral—huwag kang matakot na samahan ito ng ilang laro at iba pang masasayang activities.

    5. Samahan silang kumain

    Kung hirap kang pakainin ang anak mo nang mabilis para makaabot siya sa susunod niyang online class, makakatulong kung sasabayan mo siya. Samahan mo pa ng timers at alarms para pareho kayong may goal. Iwasan din ang pagmemeryenda nang wala sa oras.

    6. Maging halimbawa

    Malimit hinaing ng mga magulang na hindi na nila naaasikaso ang kanilang bahay dahil sa trabaho at online class ng mga bata. Para makatulong mo sa pagliligpit ang iyong toddler, ipakita mo sa kanya kung paano ka magligpit ng mga gamit mo sa trabaho.

    7. Maging specific sa mga gusto mong mangyari

    Hindi maiintindihan ng anak mo ang gusto mo kung hindi direkta ang pakikipag-usap mo sa kanya. Maging specific sa mga utos mo sa kanya—sa halip na 'clean up time' ang sabihin mo, mas magandang ituro mo ang mga dapat niyang iligpit.

    8. Turuan mo ang anak mong maging aware sa mga nararamdaman niya

    Hindi maiiwasan ang tantrums ng mga bata nasa school man sila o nasa bahay. Ngayong distance learning na kayo, ikaw na rin ang magma-manage sa tantrums ng anak mo habang nag-aaral siya.

    Kung sakali mang mag-tantrums siya, ipaliwanag mo sa kanya ang mga big emotions na nararamdaman niya. Makakatulong din kung titignan mo kung anong triggers niya.

    9. Magtalaga ng mga house rules

    At siguraduhin mong susunod ka rin sa mga ito. Mabisang paraan ito para maging disiplinado ang anak mo. Para masigurong susunod ang anak mo sa iyo, pwede mo silang isama sa proseso ng paggawa o paglilista ng mga house rules.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    10. Magbigay ng reward sa matagumpay na araw

    Maging maingat sa pagbibigay ng mga rewards dahil madali lang itong abusuhin. Mas mahalagang matutunan ng anak mo na ang mga gusto niya ay kailangan niyang pagtrabahuhan. Halimbawa, kailangan muna niyang mag-aral ng mabuti bago pa siya makapaglaro.

    Tandaan: Maging consistent at mag-commit 100%

    Ilan lamang ang mga ito sa mga techniques na ginagamit ng mga daycare teachers. Ngunit hindi gagana ang mga ito kung hindi kayo consistent at committed ng anak mo.

    Nagagawa niyo na ba ang mga ito sa bahay ninyo simula nang mag-distance learning ang mga bata? Kumusta ang epekto nito sa pag-aaral nila at pagta-trabaho mo? I-share ninyo ang inyong experience sa comments section. Pwede rin kayong sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles