chores,responsibility,discipline,household rules,house rules,how to raise,household tips,5 Family Rules na Dapat Sundin para Mapalaking Mabait at Masunurin ang mga Bata,mga panuntunan sa pamilya ng pamilya, pagiging magulang ng mga bata, anong mga patakaran ang dapat na mayroon ako sa bahay, paano ako makakapagtatag ng mga panuntunan sa bahay, kung paano gawin ang aking mga anak na sundin ang mga patakaran sa bahay, Sinusunod niyo na ba ito sa inyong tahanan?
ParentingToddler TL

5 Family Rules na Dapat Sundin para Mapalaking Mabait at Masunurin ang mga Bata

Sinusunod niyo na ba ito sa inyong tahanan?
PHOTO BYiStock

Alam ng mga magulang na minsan, nagkakaroon ng mga family rules dahil sa pangangailangan – ginagawa ang mga ito kapag may mga pangyayari o sitwasyon na maaari sanang iwasan o pangasiwaan nang mas maayos. Halimbawa, matapos pintahan ng inyong anak ang sofa, magkakaroon na ng alituntunin na sa labas lamang ng bahay pwedeng gamitin ang pintura.

Alam din naman ng mga ina at ama na may mga mahahalagang alituntunin na dapat sa simula pa lamang ay alam na ng lahat. Ito ang ilan sa mga halimbawa. Dapat tandaan na mas madaling makasanayan ang pagsunod sa mga alituntunin kung ibinibigay ang mga ito habang ang sila ay bata pa, at kung patuloy itong pinasusundan sa kanila.

1."Ang lahat ay dapat maglinis ng kalat nila.”

Hindi lamang responsibilidad ng ina na panatilihing malinis at maayos ang bahay. Hindi lang naman siya ang nakatira dito, hindi ba? Kapag natuto ang mga bata na maglinis ng sarili nilang kalat, mas mababawasan ang iyong trabaho, at matututo pa ang mga bata ng responsibilidad na dadalhin nila hanggang sila ay tumanda, Dr. Si Marie Hartwell-Walker , isang psychologist at marriage and family counselor, sa isang article sa PsychCentral.

Paano:  Samahan munang maglinis ang maliliit na bata para matutunan nila kung paano gawin ito. Magkaroon ng taguan (lalagyan, kahon, mga mababang istante, atbp.) para sa mga gamit. Gawin itong masaya! Sa una ay kailangang ituro at hikayatin ang mga bata sa bawat hakbang, ngunit hindi magtatagal ay magagawa na rin niya ito nang mag-isa. Ito ay listahan ng mga gawain na maaaring ipagawa sa mga batang edad 2 hanggang 7.

2. "Magbahagi sa iba at magpaalam muna bago manghiram ng gamit."

Maraming away ng magkakapatid ay dahil may ayaw magpahiram, o kumukuha ng gamit nang walang pahintulot. Maaaring hirap pa ang mga maliliit na bata at mga preschooler na magbahagi dahil hindi pa ganap ang kanilang pag-unlad. Subalit, hindi ito dapat maging dahilan para hindi na ituro ito sa kanila habang maaga.

Paano: Kailangang makita at makasanayan ng mga maliliit na bata ang pagbabahagi sa loob ng tahanan. Subukang tanungin ang anak kung, “Gusto mo ba ng popcorn ko?” o “Dito ka umupo sa tabi namin, uusog kami para magkasya tayong lahat.” Gamitin ang salitang “share” o pagbabahagi hangga’t maaari, para matutunan ng bata ang kahulugan nito nang mas maaga. Ipaliwanag sa mga mas may edad na bata ang mga family rules sa pagbabahagi at panghihiram. Halimbawa, kung siya ang may-ari ng laruan, mas magiging madali para sa iyong anak na ipahiram ito kung alam niyang ibabalik rin ito sa kaniya. Gumamit ng timer kung kinakailangan. May mga karagdagang tip sa pagtuturo sa mga bata kung paano magbahagi dito.

watch now

3. "Kailangan ang magandang pag-uugali."

Ang magandang kaugalian ay hindi lamang limitado sa "pakiusap," "salamat," at "paumanhin." Ito ay panlabas na pagpapahayag ng paggalang, konsiderasyon, at kabaitan sa ibang tao. Ang pagpapalaki ng isang batang magalang at hindi bastos ay nagsisimula sa pagtuturo ng mga kaugaliang ito sa bahay.

Paano: Kung sanay ang iyong anak na makarinig ng magagalang na salita mula sa ibang miyembro ng pamilya, malamang ay gagayahin rin niya ito. Gamitin ang salitang "paki" kapag may ipinagagawa at magpasalamat sa kanya kung kailan dapat. Hindi magtatagal ay gagawin niya rin ito. Gayunpaman, huwag itong ipilit. Kapag hiningan mo ng "magic word" ang bata, at pagkatapos ay ibibigay mo ang lahat ng hilingin nito, maaaring mali ang magiging pag-unawa niya sa paggamit ng salita. Magbasa dito ng iba pang mga tip kung paano turuan ang iyong anak na magkaroon ng magandang pag-uugali.

4. "Dapat sundin ang mga patakaran sa screen time."

Dumarami na ang mga pag-aaral na nagpapatunay sa pinsalang naidudulot ng matagal na pagtingin sa screen sa mga bata - mula sa problema sa pagtulog at pagkaantala ng pagsasalita, hanggang sa pangmatagalang pinsala sa utak at ang tinatawag ngayon ng mga eksperto na “Screen Dependency Disorder." Dapat manguna ang mga magulang sa pamamahala ng balanseng paggamit ng teknolohiya sa bahay.

Paano: Habang maaga ay magtakda na ng tiyak at malinaw na panuntunan at siguraduhing masusunod ang mga ito. Magkaroon ng parusa o kapalit kapag hindi nasunod ang mga panuntunan. Sa bahay ng celeb mom na si Judy Ann Santos, halimbawa, mahigpit na sumusunod ang mga bata sa "1 hour" rule. Basahin ang mga praktikal na payo ng isang eksperto tungkol sa paggamit ng mga bata ng gadget dito.

5. "Sama-samang kumakain ng agahan/hapunan ang pamilya."

Sa dami ng ginagawa ng iba’t-ibang kasapi ng pamilya, maaaring isipin na hindi na kailangang magkaroon ng ganitong panuntunan, at hindi rin kakayaning na tuparin ito. Subalit ang pagkain ng masarap na luto ni nanay o tatay nang sama-sama ay mayroong mas malalim na layunin. Ang pagkain nang sabay-sabay ay nakapagpapatibay ng ugnayan, naghihikayat sa bukas at malayang komunikasyon, at nagbibigay ng pakiramdam ng pagiging isang kasapi o miyembro ng grupo. Ayon sa mga eksperto, kailangan ng mga anak, mula bata hanggang sa teenager, ng oras kasama ang buong pamilya. "Kapag ang bata ay kabilang sa isang pamilyang gumagawa ng mga bagay nang sama-sama, mas mararamdaman nito na siya ay suportado, ligtas, at minamahal nang walang pasubali. Ganito ang lahat ng bata, ano mang edad at galing sa ano mang uri ng pamilya," sabi nina Denise Pope, isang senior lecturer sa Stanford University, at ng mga kasamahan niya, ayon sa isang article mula sa Harvard Graduate School of Education.

Paano: Isama sa family rules na gawing prayoridad ang hapunan ng pamilya. Nakakatulong ang pagkain ng hapunan nang parehong oras araw-araw para mas madaling masunod ang panuntunang ito. Gawing masaya ang pagkain ng pamilya sa pamamagitan ng pagsisimula usapan at pagbabahagi ng mga kwento. Ayon nga kay Pope Francis, “Sa hapag-kainan tayo nag-uusap, sa hapag-kainan tayo nakikinig.” May mga alituntunin ba kayo sa bahay na sa tingin niyo ay dapat idagdag sa listahang ito? Ibahagi ito sa ibang mga nanay at tatay sa comments section sa ibaba!

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close