-
Laging Online: Ano Nga Bang Epekto Ng Social Media Sa Iyong Teenager?
Sabi nga nila, lahat ng sobra ay maaaring makasama.by Jhem Bon . Published Jan 5, 2020
- Shares
- Comments

Sa kasalukuyan, tayo ay narito sa tinatawag na social media era at digital age. Hindi maikakailang sa panahon ngayon, halos lahat ng bagay ay makikita mo na online. Maraming uri ng impormasyon ang maaari mo na ngayong makuha sa iyong mga social media accounts.
Bagaman maraming positibong naidudulot ang internet at social media, mayroon din itong mga kaakibat na negatibong epekto, lalo na kung hindi responsable ang paggamit natin dito.
What other parents are reading
Anu-ano nga ba ang nakukuha ng mga kabataan sa social media?
Ayon sa Australian parenting website na Raising Children, isa sa mga pinakaimportanteng benepisyong makukuha sa social media ay ang tinatawag na digital media literacy. Kapag may sapat na kaalaman ang anak mo sa social media at sa digital age, mas malaki ang pagkakataong maproteksyunan nila ang kanilang mga sarili online. Bukod pa riyan, narito pa ang ilang benepisyo ng social media sa teenagers:
Nagkakaroon sila ng support system
Hindi maikakailang pinaliit na ng internet at social media ang mundo. Saan man naroroon ang mga anak mo, makakahanap sila ng suporta pagdating sa mga bagay na mahalaga sa kanila. Bilang magulang, tungkulin mong siguraduhing ang mga suportang nakukuha nila ay para sa mga hilig nilang hindi makakasama sa kanila.
What other parents are reading
Mayroon silang nagagamit na research tool
Noon, library, research papers, at interviews lamang ang nagagamit ng mga mag-aaral para sa kanilang pag-aaral. Ngayon, maaari na silang mag-research online para sa kanilang mga pangangailangan sa eskwelahan.
Nagkakaroon sila ng sense of belonging
Iba't-ibang klase ng tao ang mayroon online—siguradong may mahahanap na mga kaibigan ang iyong mga anak. Hindi man ay dito sila madalas mag-interact ng mga kaibigan niya sa totoong buhay. Dito sila nakakahanap ng sense of belonging dahil na rin madaling humanap dito ng katulad nilang pareho ang mga hilig o hindi naman kaya ay pag-iisip.
At dahil maraming pagbabagong nangyayari sa katawan at pag-iisip ng mga teenagers, online lang sila nakakuha ng opinyon ng mga katulad nilang pareho ang pinagdadaanan.
Sa mga benepisyong ito ay makikita mong talagang nagiging mahalaga na para sa mga kabataan sa panahon ngayon ang social media. Sa katunayan, marami sa kanila ang masyado nang nagiging dependent dito. Hindi rin maikakailang madalas ay sumosobra na ang paggamit nila nito.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAnu-ano ang mga masamang epekto ng labis na paggamit ng social media?
Sa isang survey na ginawa ng Royal Society for Publich Health sa mga bata sa UK na edad 14 hanggang 24, lumalabas na malaki ang kontribusyon ng social media sa pagtaas ng bilang ng mga kabataang nakakaranas ng depression at anxiety, maging ang mga nakakaramdam ng poor body image at matinding kalungkutan. Bakit nga ba?
Nagdudulot ito ng matinding pressure
Tinalakay ito ng celebrity mom at vlogger na si Izabelle Daza, kasama ang psychologist na si Dr. Richtofen de Jesus, sa isa sa kanyang mga YouTube videos. Ayon kay de Jesus, kapag laging nasa social media ang isang tao, hindi nito maiiwasang ikumapara ang sarili sa mga taong nakikita niya online. Maaaring ganito rin ang maramdaman ng anak mo.
Halimbawa, kung karamihan sa mga kaibigan niya ay nagpupunta sa beach, siguradong hindi niya maiiwasang malungkot kung nasa bahay lang siya palagi. Kung lahat naman ng mga nakikita niya ay nag-eexercise o hindi naman kaya ay hashtag travel goals, siguradong hindi rin niya maiiwasang mainggit sa kanila.
CONTINUE READING BELOWwatch nowWhat other parents are reading
Dahil sa mga nakikitang ito ng teenager mo, maaari silang makaramdam ng pressure at dissatisfaction sa sarili nilang buhay. Maaari silang umabot sa puntong tatanungin nila ang sarili nila kung bakit hindi nila nagagawa ang nagagawa ng iba.
Maaaring ito ang maging dahilan para makiuso sila kahit hindi naman kailangan. “What happens here is that we now try to identify ourselves with the people we follow on Facebook. Because we are trying to identify ourselves with them, we now want to achieve a level or a status that they are experiencing. [And] we are also pushing ourselves too much to be in that status,” ani Dr. de Jesus.
Maaari itong makaapekto sa kanilang self-confidence
Sa kada post ng litrato ng teenager mo, maaaring makakuha sila ng 'likes' o 'hearts'. Dito nila maaaring kunin ang self-validation. Kung dito lamang nanggagaling ang self-validation ng anak mo, maaaring maging marupok ang kanilang self-confidence. Kung nakadepende sa likes sa kanilang posts sa social media ang kanilang confidence hindi ito magiging matibay.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKailangang ang self-worth at self-confidence ng anak mo ay manggaling sa sarili niya mismo. Kailangang ang bilib niya sa sarili niya ay magmula sa sarili niyang paniniwala sa kanyang mga kakayahan. Sa ganitong paraan, magiging matibay ito at hindi ito lubusang maaapektuhan ng sasabihin ng iba.
Maaari silang maging biktima ng cyberbullying
Madali na lang magtago ngayon sa likod ng pekeng profile picture at username kaya naman madali na lang ding mambully online. Kung madalas sa social media ang anak mo, maaari silang maging biktima ng cyberbullies kung hindi sila mag-iingat.
Isa sa mga pinakamabisang paraan para bigyang proteksyon ang iyong anak sa mga cyberbullies ay ang kausapin siya tungkol dito. Hindi mo kontrolado ang my bullies online, pero kaya mong impluwensiyahan ang anak mo tungkol dito. Importanteng palakasin mo ang loob niya at i-boost ang kanyang self-confidence para hindi siya maapaketuhan ng mga negatibong nakikita niya online.
Mahalaga ring iparamdam mo sa anak mo na kakampi ka niya at pwede siyang maging open sa iyo kung mayroon mang bumabagabag sa kanya. Importante ang balanse sa pagitan ng pagiging magulang at kaibigan mo sa iyong mga anak para hindi sila matakot na magsabi sa iyo kapag mayroon silang mga problema.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAno pang maaaring gawin para mapanatiling ligtas ang iyong anak na teenager online?
Bukod sa mga nabanggit, marami pang ibang paraan para panatilihin mong ligtas ang iyong anak online.
Obserbahan ang websites at apps na binibisita at ginagamit nila
“It’s important and imperative that parents really try to check what kind of pages or who are the friends that their children log unto in Facebook. Because primarily, it’s the responsibility of the parents to at least, not necessarily secure, but to orient the child on which is right and wrong.” ayon kay Dr. de Jesus.
Ang pinakamaganda nga daw na magagawa natin dito ay maging mabuting ehemplo sa ating mga anak. Kadalasang nakikita ang mga magulang na nasa kanila ring mga gadgets. Trabaho man o pansariling interes lamang, tandaan na tayong mga magulang ang ginagaya ng ating mga anak kaya’t mabuting simulan sa ating sarili ang pagbawas ng paggamit ng mga gadgets.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMaglaan ng oras na technology-free
Ibig sabihin, bawal gumamit ng kahit na anong gadgets ang kahit na sino sa pamilya pati ang mga magulang. Maglaan lamang ng oras na maari kayong mag-check ng email, makipag-chat sa Facebook o mag-reasearch online.
Bigyan ng sapat na atensyon ang iyong mga anak
Hindi maikakailang ang mga teenagers ay nagiging mapusok at sensitibo. Mahalagang maintindihan natin kung ano ang kanilang pinagdaraanan at mga nararamdaman sa pamamagitan ng pagkakaroon ng maayos na komunikasyon sa pamilya. Bilang mga magulang, sa atin dapat manggaling ang security na mayroong nagmamahal at umiintindi sa kanila.
Kamustahin ang araw nila, intindihin ang kanilang mga problema, o mag-reality check. Ito ang makakatulong na madevelop ang kanilang self-esteem at maiiwasan ang paghahanap nila ng security mula sa ibang tao.
What other parents are reading
Huwag agad ipakilala ang gadgets, internet, at social media sa mga bata
Kung hindi naman talagang kailangan ay huwag silang hayaang magkaroon ng access sa social media lalong-lalo na kung bata pa sila. Kung hindi man maiiwasan, paalalahanan sila kung ano ang mga dapat at hindi dapat pagdating sa paggamit ng social media.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWBagamat iminumungkahi na bantayan ang mga bata sa paggamit ng social media, wag nating kallimutang kailangan pa rin nating magtiwala sa kanila. Ang pag-espiya o palihim na pag-stalk sa kanila ay maari ring makasira sa inyong relasyon sa isa't-isa.
I-involve sila sa mga activities na may kinalaman sa kanilang interes
Kapag maganda ang pakiramdam nila sa kanilang ginagawa, nadedevelop ang self-esteem nila. Sa ganitong paraan, nababaling ang atensyon nila sa mga gawaing masaya sila kaysa sa kung ano ba ang itsura nila o ano ang meron sila. Sa pamamagitan din nito, nadedevelop ang social skills nila na may face-to-face interaction at hindi lang sa social media.
“It is the mini-moments of disconnection, when parents are too focused on their own devices and screens, that dilute the parent-child relationship. Tech can give your children more information that you can, and it doesn’t have your values. It won’t be sensitive to your child’s personality, and it won’t answer his question in a developmentally appropriate way.” sabi ni Dr. Catgherine Steiner-Adair, isang clinical psycholgist at may-akda ng The Big Disconnect.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading

- Shares
- Comments