
PHOTO BY Shutterstock/Syda Productions

Trending in Summit Network
Walang masama sa pagtambay sa kwarto paminsan-minsan. Maganda rin kasi sa iyo at sa mga bata kung mayroon kayong kanya-kanyang mga oras para sa inyong mga sarili—lalo na kung tweens at teenagers na ang mga anak mo.
Pero paano kung napapadalas na ang pagkukulong nila sa kwarto at hindi mo na sila regular na nakakausap at nakakasalamuha? Kailangan nga ba dapat mag-alala?
Ayon kay Courtney Evenchek, Director of School Psychology Services at A+ Solutions, maganda ang boundaries para sa mga tweens at teens. Pero kung ayaw na nilang lumabas at makipag-usap sa iyo sa kabila ng pakikipag-usap mo sa kanila, kailangan mo nang mag-imbestiga.
Payo ni Evencheck, magandang umpisahan ang usapan sa pamamagitan ng pagsasabi ng mga napapansin mo. Sa ganitong paraan, hindi magiging defensive ang anak mo at hindi siya matatakot magsabi sa iyo kung bakit mas pinipili niya ang magkulong sa kwarto.
Halimbawa, pwede mong sabihin: "Napapansin ko na lagi kang nagkukulong sa kwarto. May gusto ka bang pag-usapan o may problema ka ba?"
Kapag nasabi na sa iyo ng anak mo kung may bumabagabag man sa kanya, pwede na kayong humanap ng solusyon.
Sabi pa ng mga eksperto, bagaman normal na bahagi ng pagbibinata at pagdadalaga ang paghahangad ng privacy, hindi ibig sabihin nito ay hindi ka na magtatanong kung may pinagdadaanan man ang anak mo.
Bukod sa madalas na pagkukulong sa kwarto o labis na paghingi ng privacy, obserbahan mo rin ang anak mo kung:
Ang mga biglaang pagbabago na ito ay maaaring tanda ng labis na stress, anxiety, o 'di naman kaya ay teenage depression. Kung ganito ang napapansin mo, mahalagang kausapin ang anak mo ng walang panghuhusga, galit, o ano mang expectations.
Ngunit kung nagagawa pa rin ng mga anak mo ang kanyang mga responsibilidad nang maayos, kabilang na dito ang kanyang mga chores, assignments, school work, at iba pa, hindi masama na pagbigyan ang kanyang hiling para sa privacy.
Pansinin mo rin kung sumasabay ba siya sa inyo sa pagkain o kung hindi niya pinapabayaan ang kanyang sarili, lalo na ang kanyang personal hygiene.
Kung ganito ang anak mo, maaaring ang pagkukulong niya sa kwarto o ang paghingi niya ng privacy ay tanda lamang na gusto niyang makaramdam ng kalayaan, independence, o control sa kanyang buhay.
Sakali mang hindi ka pa rin mapanatag sa madalas niyang pagkukulong sa kwarto, pwede kayong mag-establish ng rules tungkol sa oras o dalas ng pakikihalubilo niya sa pamilya.
Pwede kang magtalaga ng oras na nakabukas ang pinto niya o 'di naman kaya ay oras na gugugulin niya kasama ang buong pamilya.
Anong ginagawa mo kung napapansin mong laging nakakulong sa kwarto ang anak mo? I-share mo ang iyong mga tips sa comment section. Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.
We use cookies to ensure you get the best experience on SmartParenting.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.
Step 1:
Open the email in your inbox.
Step 2:
Click on the link in the email.
Step 3:
Continue to reset your password on Smartparenting.com.ph.