embed embed2
5 Social Skills Na Mahalagang Matutunan Ng Iyong Teenager Na Anak
PHOTO BY Pexels
  • Kasabay ng physical changes na pinagdadaanan ng teenagers ang social skills na kailangan nilang matutunan bilang paghahanda sa pagiging adult. Kadalasan kasi silang nasisita sa mga aksyon na salungat sa inaasahang tanda ng paggalang at kagandahang asal. Kahit ang totoo ay dulot lang ang mga iyon ng pagiging mahiyain at awkward, o di kaya kawalan ng kamalayan at kaalaman.

    5 bagay na dapat ituro sa teenager pagdating sa social skills

    Isa sa malaking hamon para sa mga teenager ang pakikitungo sa mga taong nakakatanda sa kanila. Maaaring kausapin nila ang mga ito na parang mga katropa lang nila.

    Kaya may ilang payo ang blog na Moms of Tweens and Teens para sa kabataan, partikular sa lalaking teenager, tungkol sa pagkakaroon ng social skills. Ipaalala sa anak ang mga sumusunod: 

    Tignan sa mata ang taong kinakausap

    Bagamat mahirap maging kumportable na tumingin nang diretso sa taong kinakausap, hindi naman kanais-nais na gumala ang mga mata o tumutok sa hawak na telepono. Hangga’t maaari, kahit may istorbo sa paligid, payuhan ang anak na magkaroon ng eye contact sa kausap.

    Ganito mo rin kausapin ang iyong anak para maipakita mo sa anak mo na pinahahalagahan mo siya at ang inyong pakikipag-usap. Makakatutulong din ito para magbunga ang usapan ng positibong resulta. Kailangan mo lang talaga sanayin ang sarili na huwag umiwas ng tingin.

    What other parents are reading

    Magsalita nang maliwanag gamit ang full sentences

    Pagpayuhan ang anak na makakalusot lamang ang matipid na sagot tulad ng “okay lang” kung ang magulang o iba pang malapit sa kanila ang kausap nila. Pero sa ibang tao, mas mainam kung gumamit ng buong pangungusap. Nagpapahiwatig ito ng maturity at importansya sa usapan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang pabulong na pagsasalita ay pahirap sa pandinig at pag-intindi ng kausap. Pero madalas ito ang reklamo ng mga nakakatanda sa mga teenager. Pero siguro nahihiya lang ang teenager tulad ng anak mo at hindi intensiyon ang maging bastos. Kaya paalalahanan siya na kawalang-galang ang nagiging dating ng ganoong pag-uugali. Mas maigi na isipin munang mabuti ang isasagot para klaro itong masasabi.

    Huwag pagdudahan ang pagiging smart ng anak at mahalaga ang kanyang sasabihin. Ito rin ang iparating sa kanya para magkaroon siya ng kumpiyansa na magsalita nang maayos at maliwanag. Sa ganyang paraan naman nagiging interesting ang usapan.

    Pakinggan maigi ang kausap

    Sa isang usapan, mahalaga na bigyan ng pansin ang sinasabi ng kausap. Hanggat maaari maging ehemplo sa anak. Para gawin niya ito kahit sa tingin niya hindi importante at boring lang ang sinasabi ng kausap. Maiintindihan niya na may mga pagkakataon na hindi siya sasang-ayon sa sinasabi ng kausap, pero pag-uukulan niya pa rin ito ng pansin at irerespeto.

    Alalahanin na marami pang makakasalamuha ang teenager na mga taong may iba-ibang pananaw sa buhay at masasalihan na usapan na akala niya aksaya lang sa oras. Mainam na ngayon pa lang ay ituro na ang pakikinig sa tao ay “basic act of decency” na hindi dapat ipagkait kanino man. May mahalagang sasabihin ang lahat at kailangan mapakinggan ang mga iyon.

    What other parents are reading

    Maging magalang sa lahat ng pagkakataon

    Upang lumaki ang anak na isang gentleman, dapat ipaalala sa kanya na sundin at sanayin ang paggawa ng basic manners. Pinakasimple na dito ang pagsasabi ng “Please” at “Thank you.” Gaano man kaliit ang hiling at konsiderasyon, mas mabuti pa rin na humingi ng paki at magbigay ng pasasalamat sa kausap. Ang ganyang maliliit na bagay ang nag-iiwan ng malaking marka.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Magandang kaugalian din ang pagsasabi ng “Excuse me” kapag may di sinasadyang nabunggo, nagambala, o naunahan sa pila. Kaya sabihan ang anak na sikapin ang paghahawak sa pinto para sa mga makakasabay niya, pati na iyong mga nasa harapan at likuran niya. Dagdag pa rito ang hindi pagdadalawang-isip sa pagtulong sa kapwa kapag nakita nang kailangan nila ng pag-alalay.

    Ngumiti bilang pagbati

    Walang mawawala kung una kang ngumiti sa kapwa. May espesyal na pakiramdam din  kapag may sumalubong sa iyong ngiti. Maganda itong halimbawa bilang aral sa anak. Ang ngiti kasi ay maaaring susi sa pagkokonekta sa kapwa at pagkakaroon ng positive vibe.

    Kunin ang pagkakataon na ikuwento ang iyong karanasan sa job interview at kapag nakikisalamuha na sa mga katrabaho. Tunay na malaking tulong ang ngiti sa pagkikipag-usap, lalo na sa nakakatanda, mga bagong kakilala, at maging sa taong napupusuan. 

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close