Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
Lactation Massage Para sa mga Nagpapasusong Ina, Kailangan ba Talaga?
PHOTO BY @szeyuen/iStock
  • Naniniwala ang aming pamilya sa hilot na inakala ko noong pamahiin. Pero hindi ito naging hadlang para magpahilot sa pinsan ng tatay ko, na isang ekspertong manghihilot, pagkatapos kong manganak. Sa pagkakatanda ko, hinagod niya ng kaniyang palad ang itaas na bahagi ng aking dibdib paakyat sa aking cleavage, paikot sa aking suso, at ang aking likod sa bandang leeg at balikat.

    Ngayon, ang hilot ay tinatawag ng nakararami na breast o lactation massage at hindi na ito paniniwala lang ng matatanda. Marami nang nursing mom o nagpapasusong ina ang naniniwala sa benepisyong naidudulot nito sa panahon ngayon. "When done properly, breast massage can be beneficial in increasing the amount of milk expressed by hand or by breast pump, and for helping remove blockages in milk ducts," (Kapag nagawa nang maayos, nakabubuti ito sa pagpapadami ng makukuhang gatas ng ina sa pamamagitan ng kamay o breast pump, at nakatutulong din sa pagtanggal ng bara sa mga daluyan ng gatas) sabi ni Sylvia Malabanan ng L.A.T.C.H. Philippines, isang non-profit breastfeeding advocacy group, sa SmartParenting.com.ph sa pamamagitan ng email.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Dagdag pa niya, maaari din itong makatulong sa mga nagpapasusong ina na marelaks at mabawasan ang stress na dulot ng pagpapasuso.

    More from Smart Parenting

    Ang tamang paraan ng pagmamasahe ng suso para sa breastfeeding

    Maraming paraan ng pagsasagawa ng lactation massage. Ang isa ay tulad ng ginawa ng aking Tita, na makatutulong na maiayos ang mga lymph nodes sa palibot ng suso. Karamihan sa mga mommy ay isinusulong ang pagmamasahe ng suso gaya ng manu-manong pagkuha ng gatas o breast milk gamit ang kamay.

    Ang isa pang paraan ay ang massage-stroke-shake (M-S-S) teknik na makatutulong din sa pagpapabuti ng pagdaloy ng suplay ng gatas. Narito ang paraan kung paano ito gawin batay sa hakbang na ibinigay ni Susan Cordon ng La Leche League sa San Francisco, California: "After five to seven minutes of pumping or feeding, stop to massage both breasts simultaneously in a circular motion similar to a breast self-exam. Stroke both breasts all the way around from the chest wall to the tip of the nipple in a straight line using only your fingertips. Then cup each breast with your hand, lean forward, and gently shake your breasts."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    (Pagkaraan ng lima hanggang sampung minuto ng pag-pump o pagpapadede, huminto muna para masahiin ang mga suso nang sabay at paikot gaya ng ginagawa sa pag-eksamin ng sariling suso. Masahiin ang parehong suso paikot mula sa dibdib papunta sa dulo ng nipple sa isang diretsong linya gamit ang dulo ng iyong mga daliri. Pagkatapos, saluhin ng kamay ang iyong mga suso, yumuko o humilig paharap, at dahan-dahang alugin ang iyong suso.)

    More from Smart Parenting

    Ang teknik ng masahe na gagamitin ay batay sa iyong pangangailangan, kaya mahigpit na inirerekomenda pa rin ang pagkonsulta sa lactation massage expert o breastfeeding counselor.

    Ang mga lactation massage ay karaniwang kasama sa mga breastfeeding seminar at ginagawa rin ng L.A.T.C.H. Nagbibigay din ang Arugaan ng lactation massage sa mga nagpapasusong ina na nakararanas ng pagbara sa daluyan ng mga gatas o plugged ducts sa abot-kayang halaga. Nangyayari ang pagbara sa mga daluyan kapag hindi nauubos ng iyong baby ang gatas na mayroon ka kapag siya ay dumede, o kapag lumaktaw ka ng iyong pumping session. Ang mga lactation massage expert na nagpupunta o bumibisita sa mga bahay ay nagbibigay din ng counselling o pagpapayo at mga paalala para sa susunod ay magawa na ito ng mga ina na nagpapasuso sa kanilang sarili.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa ibang bansa, napatunayang marami talagang benepisyo ang lactation massage kaya may isang kompanya na nag-invest sa paggawa ng makabagong produkto na makakatulong sa pagpapasuso: ang  LaVie Lactation massager. Matapos lagyan ng warm compress, pahiran ng lotion o oil ang iyong suso, at gamitin ang massager na may tamang pressure at vibration. Makatutulong ito na maging maayos ng daloy ng suplay ng iyong gatas at mababawasan din ang sakit na dulot ng mga baradong butas, paninigas ng suso, o mastitis. Panoorin ang video rito.

    Pero kailangan ba talaga ng mga nagpapasusong ina ng lactation massage? "While it is a good skill to learn, it is not necessary for breastfeeding success for most mother-baby dyads," (Bagaman magandang matutunan ito, hindi naman ito kailangan ng lahat para maging matagumpay sa pagpapasuso.) pagbabahagi ni Malabanan. "Many mothers have never massaged their breasts, yet were able to breastfeed their children successfully and optimally." (Maraming ina ang hindi minasahe ang kanilang suso ngunit nagawa pa ring pasusuhin nang matagumpay at maayos ang kanilang mga anak.) 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kapag nag-aalinlangan ka, kumonsulta lamang sa lactation expert.

    Ang mga impormasyong nakalahad dito ay nagmula sa Do Breastfeeding Moms Need Lactation Massage? 

    More from Smart Parenting

View More Stories About
View more articles