embed embed2
Puwede Ba Ang Lady Pills For Breastfeeding Moms? Ito Ang Sagot Ng Mga Eksperto
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Kahit sinasabing mababa ang chance kapag kapapanganak lang, naroon pa rin ang posibilidad na mabuntis habang ikaw ay nagpapasuso o breastfeeding. Kaya may mga nagtatanong kung maaari bang gumamit ng contraceptive, tulad ng Lady pills, for breastfeeding.

    Ang Lady pills ay isang brand ng kombinasyon ng oral contraceptives na magagamit araw-araw at para sa emergency contraception. Kabilang ang Lady pills sa pinakamurang pills na mabibili ng kababaihan. Mabibili ito over-the-counter. Ayon sa mga gumagamit nito, nasa Php50 ang isang pack ng Lady pills.

    Advisable ba ang Lady pills sa nagpapasuso?

    Para sa mga nais magkaroon ng baby, paalala ng mga eksperto na na kapag itinigil ang oral contraceptive pills pagkatapos ng matagal na paggamit dito, agad ding babalik ang normal cycle ng regla kung wala namang problema sa iyong reproductive system. Ang nangyayari tuloy, mas mataas na ang posibilidad ng pagbubuntis, ayon sa ob-gyn na si Dr. Rico De Guzman sa kanyang vlog.

    Ipinaliwanag ni Dr. De Guzman, na kilala rin bilang Doc RG, na kapag exclusive o "pure breastfeeding" ang isang nanay pagkatapos manganak, hindi ito daratnan ng regla sa loob ng unang limang buwan. Ang pagpapasuso kasi ang mismong pumipigil sa regla, kaya napipigilan din ang pagbubuntis.

    Pero paalala ng doktor na reliable lamang ang method na ito hanggang sa ikaanim na buwan matapos mong isilang ang iyong baby. Kakailanganin ding nagpapasuso ka nang hindi bababa sa kada apat na oras sa umaga at kada anim na oras sa gabi. Dagdag pang paalala ang hindi pagbibigay ng supplement kay baby, kundi gatas lamang.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Paano ginagamit ang Lady pills?

    Iniinom ang Lady pills pagkatapos ng unprotected sex. Tandaan lang na ang emergency contraception ay ginagamit lamang bilang last resort. Mga halimbawa: nasira ang condom o natanggal habang nagtatalik, nalimot ng babaeng uminom ng dalawa o higit pang birth control pills sa loob ng kanyang menstrual cycle, at kung ang babae ay pinilit lamang na makipagtalik.

    Narito ang mga hakbang at dapat tandaan upang masiguro na magiging epektibo ang Lady pills:

    • Inumin ang unang beige tablet sa Day 1 ng iyong dalaw o regla hanggang sa maubos ang mga tableta.
    • Siguraduhing sa parehong oras kada araw ang pag-inom mo sa mga ito.
    • Eksaktong 24 oras din dapat ang intervals sa pagitan ng dalawang tableta.
    • Dapat na dumating ang iyong regla dalawang araw pagkatapos mong inumin ang huling beige tablet.
    • Kapag naubos na ang 21 tableta, ituloy ang pag-inom sa naiwang pitong puting tableta (Day 22 to 28).
    • Ang huling set ng pitong tablets ay inactive o walang hormones.

    Ano ang laman ng Lady pills?

    Pareho ang aktibong ingredients ng Lady pills at ng isa pang kilala brang na Trust. Ang ipinagkaiba lamang ng Lady pills ay wala itong ferrous fumarate.

    Mayroong dalawang aktibong sangkap ang Lady, o dalawang uri ng hormones na makatutulong sa isang babae na maiwasan ang pagbubuntis: ang ethinyl estradiol at levonorgestrel. Ang ibig sabihin ng LADY ay ethinyl estradiol + levonorgestrel.

    Sa 28-pills kada pakete ng Lady pills, 21 ang beige tablets na mayroong aktibong ingredients. Pito naman ang placebo pills. May lactose ang placebo pills, 30 micrograms ng ethinyl estradiol, at 150 micrograms ng levonorgestrel.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Ang ethinyl estradiol ay isang uri o synthetic version ng estrogen habang ang levonorgestrel naman ay isang uri ng progesterone at artipisyal na anyo ng progestin. Mayroon din itong lactose, na isang uri ng asukal.

    Ang dalawang hormones na ito ang nagtutulungan upang hindi mag-ovulate ang isang babae o mapigilan ang obaryo sa pag-release ng mga itlog. Nagdudulot din ito ng mga pagbabago sa cervical mucus at uterine lining para maging mahirap sa sperm na umabot sa matris at ma-fertilize ang isang itlog.

    Puwede ba ang Lady pills for breastfeeding moms?

    Siguro may nakapagsabi na sa iyo na ang ibang pills ay nakaaapekto sa milk supply. Totoo ito. Kasama na rito ang Lady pills. Paliwanag ni Doc Rico DG, dahil ito sa dalawang pangunahing sangkap na ethinyl estradiol at levonorgestrel. Pinahihina kasi ng ethinyl estradiol ang daloy o supply ng gatas. Ngunit mayroon ding mga pag-aaral na nagsasabing walang direktang epekto ang levonorgestrel sa milk supply.

    Hindi inirerekomenda ang Lady pills para sa breastfeeding mothers, ayon sa Monthly Index of Medical Specialties.

    Sa kabilang banda, pinapayo sa mga pasyenteng buntis ang pag-inom ng Trust pills o combined oral contraceptives, lalo kung hindi na nagpapasuso o breastfeed. Ngunit kailangan pa rin komunsulta sa doktor, partikular kung mataas ang iyong blood pressure.

    Mga progestin-only pills ang sinasabing mas dapat gamitin ng mga nanay na nagpapasuso pa sa kanilang baby. Naaprubahan din ng The American Academy of Pediatrics ang paggamit ng low-dose oral corticosteroid (OCS), na gamot para sa severe asthma, para sa breastfeeding women sa oras na ang kanilang milk production ay matatag o well established na.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Inirerekomenda naman ng World Health Orgnization (WHO) ang pagpapasuso o breastfeeding sa unang oras matapos isilang ang bata at sa susunod na anim na buwan. Diin ng WHO na bagamat malaki ang tulong ng contraceptives sa family planning ng mag-asawa, kailagan ding alalahanin ang mga epekto nito sa katawan at sa baby.

    Ilan pang dapat tandaan sa paggamit ng pills

    Tulad ng alinmang medikasyon, posibleng magkaroon ng side effects, at maaaring paiba-iba ang epekto ng pag-inom ng pills sa mga babae. Ilan sa tipikal na side effects ang mga sumusunod:

    • Pananakit ng ulo
    • Pananakit ng tiyan
    • Pagkahilo
    • Pagsusuka
    • Paghilab ng tiyan (bdominal cramps)
    • Pagbabago sa appetite
    • Pagbigat ng timbang
    • Pagbabago sa libido
    • Panlalambot ng suso
    • Pabago-bago ng mood

    Samantala, sa ibang mga babae, nagkakaroon daw sila ng mas makinis na balat at mas malaking dibdib.

    Kailan dapat komunsulta sa doktor?

    Mainam kung kukunsulta agad sa doktor tungkol sa family planning o di kaya paggamit ng contraceptives bago ka pa manganak o bago ka pa magplanong magbuntis. Karamihan din sa mga doktor ang nagrerekomenda na iwasan muna ang pakikipagtalik hanggang sa matapos ang ika-6 na linggong checkup. Kung masusunod ang payong ito, hindi na rin kakailanganin ang birth control sa unang buwan ng pagpapasuso ng nanay.

    Tandaan ding puwedeng gumamit ng contraception ang mga nanay na nagbi-breastfeed pero hindi kasama sa inirerekomenda ang Lady pills for breastfeeding moms.

    Basahin dito ang tungkol sa isa pang contraceptive brand, ang Daphne pills.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles