embed embed2
  • Nakaranas Si Max Collins Ng Mastitis At Low Milk Supply: Ang Mga Nakatulong Sa Kanya

    May panahon na kinukulang si Max ng gatas para sa panganay niya na si Skye Anakin
    by Jocelyn Valle .
Nakaranas Si Max Collins Ng Mastitis At Low Milk Supply: Ang Mga Nakatulong Sa Kanya
PHOTO BY courtesy of Max Collins
  • Bilang new mom, natutunan ni Max Collins na hindi masama ang humingi ng tulong sa ano mang pinagdadaanan. May panahon kasi na kinukulang siya ng gatas para sa panganay niya at ng kanyang asawa at kapwa GMA-7 talent na si Pancho Magno. Mabilis daw magutom ang baby boy nilang si Skye Anakin, na ipinanganak noong July 6, 2020. 

    “Even though sinusuka na niya ’yong milk, gusto pa rin niyang kumain,” sabi ni Max sa Smart Parenting Celebrity Chat nitong August 17 sa Facebook Live (scroll down para mapanood). “So I really didn’t have enough milk to supply his demand.”

    Mabuti na lamang at may mga kaibigan si Max na handang magpaabot ng tulong. Binahagian siya ng gatas para madugtungan ang kanyang kakulangan at tuluyang matustusan ang pangangailangan ni Baby Skye. Malaki ang pasalamat niya at lubos na natutuwa sa suportang ibinibigay ng mga tulad niyang ina.

    More from Smart Parenting

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Bukod sa low milk supply, naging challenge para kay Max ang pagkakaroon ng mastitis, o ang pamamaga ng breast tissue na kung minsan ay nagdudulot ng infection. Nakaramdam daw siya ng sobrang sakit at namula ang kanyang mga suso, kaya panay ang masahe niya. Uminom din siya ng paracetamol para sa chills at sa nakaambang lagnat. 

    Nakatulong din ang pagsunod ni Max sa mga payo ng iba pang mommies. Kabilang dito ang gawing regular ang pumping time “para masanay ’yong katawan.”

    Kailangan din malusog ang pangangatawan at piliin ang mga pagkain na makakatulong sa pagpapalakas ng milk supply, gaya ng malunggay, lactation spread, oats, mushrooms, at mainit na sabaw.

    Uminom pa si Max ng malunggay pills at gumamit ng hot compress.

    “Mano-mano lang talaga,” lahad ni Max. “It’s very difficult to breastfeed, so hangang-hanga ako sa mga moms out there who have been breastfeeding their kids for a long time kasi mahirap.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Sa kabilang banda, wala siyang nakikitang mali sa pagpili sa ibang paraan ng pagpapadede sa sanggol, tulad ng formula milk. Siya nga raw mismo ay produkto ng formula milk dahil isinilang siyang premature at bigo ang kanyang ina na makapagbigay ng gatas. Lumaki naman daw siyang maayos.

    Naging option din ni Max na bigyan si Baby Skye ng formula noong panahong kinukulangan siya sa gatas at hindi siya sigurado kung makakakuha ng sapat at ligtas na breast milk sa iba. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pahayag niya, “As moms in this pandemic now, let’s try not to put so much or more pressure on ourselves because it’s already hard as it is to be a mom, and then we want to do perfect pa…We have to be kind to ourselves kasi hindi natin kayang maging perfect, di ba? The sooner we accept that we’re not perfect, it is easier to come up with a solution.”

    Panoorin ang buong Smart Parenting Celebrity Chat dito. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles