-
Ligtas Ba Para sa mga Nagpapasusong Ina ang Magpa-Hair Treatment?
Kapag kailangan ng pampataas ng kumpiyansa sa sarili, ang hair treatment ay isang madaling paraan para gawin ito.by Rick Jay Cabillo and Rachel Perez .
- Shares
- Comments

Isa sa mga karaniwang tanong ng mga nagpapasusong mommy sa aming Facebook group na Smart Parenting Village ay:
Pwede ba akong magpakulay ng buhok habang nagpapasuso?
Ang pagpapaayos ng buhok o hair treatment, kulay man ito o perm, ay maaaring makapagbigay kumpiyansa sa isang bagong mommy na naninibago pa sa kanyang katawan. Ngunit ang ikinababahala ng isang nagpapasusong mommy ay ang mga kemikal na maaaring makaapekto sa gatas niya. Dapat niya bang iwasan na lang ito? Ang maikling sagot ay hindi.
Ayon sa La Leche League International (LLLI), "No evidence exists that the nursing mother's use of hair-care products, such as hair dyes and permanents, has any effect on her breastfeeding baby." (Walang katibayan na ang paggamit ng nagpapasusong ina ng hair care products, tulad ng mga pangkulay sa buhok at permanents, ay may anumang epekto sa kanyang sumususong sanggol.) Ang mga treatment para sa buhok ay itinuturing na cosmetics ng U.S. at ng ating Food and Drugs Administration. (Kailangang banggitin na hindi kailangang sumasailalim sa maraming clinical trial ng mga produktong ito upang maaprubahan, at hindi rin ganoon karami ang mga nagawang pag-aaral para masuri ang isyung ito.)
What other parents are reading
Ang ilan sa mga karaniwang kemikal na matatagpuan sa mga pangkulay ng buhok at iba pang treatment ay hydrogen peroxide, ammonia, at alcohols. Alinman sa mga kemikal na ito ay maaaring makairita sa balat o anit, ilong, at lalamunan, subalit ang matapang na amoy ay hindi nagangahulugan ng mataas na exposure level, ayon sa Organization of Teratology Information Specialists (OTIS).
Samakatuwid, habang naglalaman ng mga kemikal na ito ang mga hair-care products, malayong mapunta ang karamihan nito sa iyong breast milk dahil kakaunti lamang ang napupunta sa dugo ng ina.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKaya’t oo, ang isang mommy na nagpapasuso ng kanyang baby ay puwedeng magpakulay ng buhok, magpa-perm, magpa-unat ng buhok, magpa-hot oil, at sumubok ng iba pang hair treatments. Gayunpaman, mainam pa rin na isaalang-alang ang ilang mga bagay bago tumungo sa salon.
What other parents are reading
Malusog ba at walang sugat ang anit mo?
"If the mother's scalp is healthy and intact, then less will be absorbed than if the skin on her scalp is scratched or abraded," (Kung ang anit ng ina ay healthy at intact, mas kaunti ang masisipsip ng balat kaysa kung ang anit ay nagsusugat o may gasgas) paalala ng LLLI.
Nakakaranas ka ba ng postpartum hair fall o paglalagas ng buhok matapos manganak?
Ito ang tipikal na epekto ng pagre-reset ng iyong hormones buhat sa kundisyon mo noong nagbubuntis ka. Sa ibang kababaihan, kaunti lamang ang paglalagas ng buhok pagkatapos manganak, samantalang malubha naman sa iba. Ang ilang mga bagong ina ay nakakaranas ng postpartum hair fall pagkatapos ng unang buwan ng kanilang panganganak. Sa iba naman ay nangyayari ito sa ikaapat o ikaanim na buwan, at maaaring magpatuloy pa sa loob ng isang taon.
Natural lamang ang postpartum hair fall, subalit depende pa rin ito, batay sa growth cycle ng iyong buhok. Wala itong kinalaman sa pagpapasuso mismo.
Magiging kumportable ka ba o ang iyong baby sa amoy?
Depende iyan sa iyo (at siguradong mapapansin mo rin iyan sa iyong baby). Ang isa sa mga madalas imungkahing solusyon ng mga nanay tuwing nagpapasuso ka ng iyong baby ay ang pagsusuot ng shower cap sa unang mga lingo pagkatapos magpakulay, o hanggang sa humupa na ang matapang na amoy ng kemikal. Inirerekomenda rin ang paggamit ng organic o henna hair color dyes, gaya ng Herbatint (Php 1,095 sa Healthy Options) at Radico Organic Hair Color (Php 1,200 sa Lazada).
CONTINUE READING BELOWwatch nowAng mga impormasyong nakalahad dito ay nagmula sa Is It Safe for Breastfeeding Moms to Have Hair Treatments Done?
What other parents are reading

- Shares
- Comments