embed embed2
30 Weeks Pregnant! Mga Pagbabago Sa Iyong Katawan, Plus Update Sa Development Ni Baby
PHOTO BY Shutterstock
  • Patuloy at steady lang ang paglaki ng sanggol sa iyong sinapupunan pagtungtong mo sa ika-30 week ng iyong pagbubuntis.

    Kahit pasikip na nang pasikip sa loob ng iyong sinapupunan, madalas ka pa ring makakaramdam ng paggalaw ni baby. Huwag kalimutan ang iyong kick counts para masigurong okay siya.

    Ilang buwan na ang 30 weeks?

    Ito na ang ika-pitong buwan sa iyong pagbubuntis. Dalawang buwan na lang, makikilala mo na ang iyong baby.

    Anu-ano ang mga sintomas ng pagbubuntis week 30?

    Alam mo ba? Marami sa mga sintomas ng pagbubuntis week 30 ay may kinalaman sa mga early pregnancy symptoms na naranasan mo na!

    Maaaring bumalik ang dalas ng iyong pag-ihi dahil maaaring nadadaganan na ni baby ang pantog mo. Maaari ring bumalik ang tender breasts, dahil naghahanda na ang katawan mo sa paggawa ng gatas.

    Narito pa ang ibang sintomas ng pagbubuntis week 30:

    Heartburn

    Isa ang indigestion sa madalas na ireklamo ng mga buntis. Paliwanag ng mga eksperto, ang pregnancy hormones kasi na tumutulong para ma-relax ang iyong pelvic muscles ang siya ring nagiging dahilan para ma-relax ang muscles na naghihiwalay sa iyong esophagus at stomach.

    Ito ang nagiging dahilan para umakyat ang pagkain at digestive juices mula sa iyong tiyan papunta sa iyong dibdib at lalamunan.

    Dahil lumalaki rin ang iyong sinapupunan sa iyong pagbubuntis week 30, mas nagiging mabilis ang pag-akyat ng digestive juices.

    Para maiwasan ito, ugaliing umiwas sa mga pagkaing maanghang at ma-cholesterol. Iwasan muna ang mga fried dishes, chocolates, at tomato sauce.

    Makakatulong din kung maliliit na portions lang ang kakainin mo. Tandaan na iwasan ang paghiga pagkatapos mong kumain.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bloating at gas

    Habang lumalaki ang iyong sinapupunan, mas nalalagyan nito ng pressure ang iyong rectum. Dahil dito, humihina ang iyong muscle control kaya hindi mo na namamalayan ang gas.

    Sagana rin ang iyong katawan sa pregnancy hormone na progesterone. Ang hormone na ito ay nakakapagpabagal ng digestion para mas ma-absorb ng katawan mo ang mga sustansiya ng kinakain mo.

    Kaya lang, ito rin ang siyang nagiging dahilan kung bakit pakiramdam mo ay punong-puno ang tiyan mo.

    Para maiwasan ang bloating, ugaliing uminom ng maraming tubig. Nakakatulong ito para gumalaw ang mga laman ng iyong digestive system.

    Kumain din ng mga pagkaing sagana sa fiber. Kabilang dito ang mga leafy greens, legumes, whole grains, at mga prutas.

    Mas maganda rin kung hindi ka kakain nang masyadong marami sa isang mealtime. Subukan ang anim na small meals sa isang araw.

    Iwasan mo ring kumain nang mabilis para mabigyan ang iyong sarili ng panahong nguyain nang maayos ang iyong kinakain.

    Manas

    Ayon sa mga eksperto, tinatayang 75% ng mga buntis ang nakakaranas ng manas o iyong swollen feet and ankles.

    Iwasan ito sa pamamagitan ng pagtataas ng iyong mga paa at pagsusuot ng mga komportableng footwear.

    Stretch marks

    Dahil lumalaki na ang iyong tiyan, nage-expand na rin ang iyong balat. Makakatulong kung huwag mo itong kakamutin. Kumonsulta sa iyong doktor para sa mga moisturizing creams na ligtas gamitin ng mga buntis.

    Fatigue

    Hindi katakatakang makakaranas ka ng sobrang pagod sa ikalawang trimester ng iyong pagbubuntis.

    Mas malalaki na kasi ang pagbabago sa iyong katawan ngayon. Bigyan mo ng panahon ang iyong katawan na maka-recover sa pamamagitan ng malimit na pagpapahinga.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Huwag kang matakot o mahiyang humingi ng tulong sa iyong partner at mga kapamilya.

    Kumusta ang development ni baby sa iyong pagbubuntis week 30?

    Lumalaki na ang utak ni baby

    Ayon sa mga eksperto, ito ang panahon kung kailan nagkakaroon ng wrinkles ang utak ni baby. Ang mga wrinkles na ito ay tinatawag na convolutions. Sa mga convolutions matatagpuan ang brain cells ni baby.

    Buo na ang mga kamay ni baby

    Sa iyong pagbubuntis week 30 nabubuo ang mga kamay ni baby. Tumutubo na rin ang kanyang mga kuko.

    Malimit, kapag nagpa-ultrasound ka sa buwan na ito ng iyong pagbubuntis, makikita mo si baby na hinahawakan ang kanyang mga paa.

    Nawawala na ang mga maliliit na buhok sa katawan ni baby

    Lanugo ang tawag sa maliliit na hair covering na mayroon si baby sa mga nakaraang buwan. Ngayong lumalaki na siya, nawawala na ito dahil bagong mga fat cells na ang nagre-regulate ng body temperature ni baby.

    May ilang mga bata na mayroon pa rin nito pagkapanganak nila pero kusa rin itong nawawala.

    Gumagawa na ng red blood cells ang bone marrow ni baby

    Isa ito sa mga pinakamalaking pagbabago sa katawan ng anak mo. Ang bone marrow na ng baby sa loob ng tiyan mo ang siyang gumagawa ng mga red blood cells.

    Dati kasi, ibang tissue group at ang spleen ang gumagawa nito. Mahalagang pagbabago ito dahil ibig sabihin, mas nagiging handa na ang katawan ng anak mo para mabuhay kapag naipanganak mo na siya.

    Ilan lamang ang mga ito sa mga pagbabagong mararanasan mo sa pagbubuntis week 30. Para sa iba pang mga sintomas ng pagbubuntis, i-follow mo lang ang Smart Parengting sa Facebook o sumali sa aming group na Smart Parenting Village.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles