Talaga namang blooming ang aktres at soon-to-be mom na si Angelica Panganiban sa kanyang mga litrato sa Instagram noong April 22 kasama ang non-showbiz boyfriend na si Gregg Homan. Ang caption niya, "Babymoon."
Babymoon ang tawag sa bakasyon kung saan nagdiriwang ang mag-partner o mag-asawa bago manganak.
Madalas itong ginagawa sa second trimester o kapag nasa 15 weeks na ang baby sa sinapupunan. Ito ay para ma-enjoy muna ng mag-asawa ang isa't isa bago harapin ang pagiging mga bagong magulang.
Sa post naman niya noong Sabado, sinabi ng aktres ang kanyang mga 'favorite in the world.' Ito ay Honn (si Gregg), at ang mga pagkaing tacos at ramen. Nasa Amanpulo sila, ayon sa aktres.
RELATED:
- Matinding Pregnancy Cravings Mula Tinolang May Ketchup Hanggang Apple Na May Dilis?!
- 18 Intense 'Paglilihi' Requests Pinoy Husbands Had to Deal With
- 15 Pregnancy Superstitions: Let's Set the Record Straight!
Unang inisapubliko ni Angelica ang kaniyang pagbubuntis noong March 20, 2022, sa isang litrato sa kanyang Instagram account. Aniya, ang pagiging ina ang 'pinakaimportanteng papel sa buhay ko.'
Mga tips para sa masaya at ligtas na babymoon
1. Magplano ng babymoon sa bandang second trimester ng pagbubuntis.
Ayon sa isang article ng Healthline, wala namang rules kung kailan ang pinakamainam na panahon para gawin ang babymoon. Mahalaga lang na planuhin ito kung kailan komportable ang buntis na bumiyahe.
Payo nila, sa second trimester ito gawin kung kailan lipas na ang morning sickness ng first trimester, at hindi naman gaano pa kalakihan ang tiyan kung third trimester. Alamin ang tungkol sa mga pregnancy trimester dito.
Maaaring ikonsulta sa iyong OB bago mag-babymoon, upang maresetahan ang buntis ng mga kailangang gamot kung sakaling magbibiyahe ng malayo.
2. Umiwas pumunta sa mga lugar na mayroong outbreak.
Dahil nasa panahon pa rin tayo ng pandemya, mabuting alamin kung saan ang mga lugar na mataas ang cases ng Covid-19 o iba pang sakit bago pumunta rito para sa babymoon.
Kung magbabiyahe kayo abroad, ayon sa Healthline, maaaring i-check sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC) kung saan ang mga bansang may outbreak gaya ng Zika.
Umiwas din sa mga bansa na may high risk ng malaria, na maaaring maging sanhi ng miscarriage, premature birth kung makuha ng buntis. Ang malaria ay nakukuha sa mga lamok na matatagpuan sa mga bansang tulad ng Brazil, Haiti, at iba pa.
3. Alamin ang pinakamalapit na ospital o health facility sa pupuntahang lugar.
Mahalaga malaman ito para maging handa kung sakaling kailanganin ng buntis magpatingin o may emergency na mangyari sa babymoon. Wag rin kalimutan ang mga
4. Ayusin ang travel itinerary.
Kahit na ang babymoon ay ginagawa upang mag-enjoy ang mag-asawa, siguraduhin na magkaroon ng oras para sa pahinga. Huwag ilagay ang mga major activities sa isang araw lamang upang hindi mapagod ang buntis.
Gusto mo din ba ng beach trip tulad ni Angelica? Basahin ito kung balak niyo mag-Boracay.