embed embed2
Pagdurugo Ng Ilong, Pagkabingi, At Iba Pang Kakaibang Tanda Ng Pagbubuntis
PHOTO BY Shutterstock/comzeal images
  • Maraming mga tipikal na sintomas ng pagbubuntis. Nariyan ang nausea, vomiting, malimit na pag-ihi at marami pang iba.

    Ngunit alam mo bang marami ring mga sintomas na hindi common o malimit maramdaman ng mga buntis? Narito ang ilan sa kanila:

    Mga kakaibang sintomas ng pagbubuntis

    Pagkabingi

    May ilang mga buntis na nakakaramdam ng pagkabingi. Ayon sa mga eksperto, maaari itong mangyari dahil sa hormonal changes.

    Ang mga pagbabagong ito ay maaaring makaapekto sa sirkulasyon, na siya namang nakakaapekto sa tinatawag na cochlear fluid—ito ang nagdudulot ng pagkabingi.

    Sa ilang mga mas rare na kaso, may ilang buntis na nakakaranas ng tinatawag na sensorineural hearing loss o iyong biglang tuluyang pagkawala ng pandinig. Kung maranasan mo man ito, kailangan mo agad kumonsulta sa doktor.

    Pagdurugo ng ilong

    Lingid sa kaalaman ng marami, common na sintomas ng pagbubuntis ang nosebleed. Tulad ng pagkabingi, hormonal changes din ang dahilan sa likod nito.

    Paliwanag ng mga eksperto, bagaman nakakatakot ito, wala kang dapat ipag-alala kapag nangyari ito. Kailangan mo lang obserbahan kung gaano karaming dugo ang lalabas.

    Sa isang tipikal na nosebleed, dadaloy ang dugo mula sa isa o dalawang butas ng ilong. Maaaring heavy o light ang pagdaloy at malimit tumatagal ito ng ilang segundo hanggang sampung minuto.

    Para pigilan ang pagdurugo, maupo ka maayos at pisilin ang malambot na bahagi ng iyong ilong nang sampu hanggang 15 minuto. Kumonsulta sa doktor kung hindi agad tumigil ang pagdurugo.

    Morning sickness sa gabi

    Bagaman morning sickness ang tawag dito, may mga babaeng nakakaranas na ito kahit hindi umaga.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang nausea at vomiting ay maaaring mangyari ano mang oras. May ilang babaeng malala ang nararanasang morning sickness, habang may ilan naman na hindi nakakaranas nito.

    Sabi ng mga eksperto, makakaramdam ang mga buntis ng morning sickness sa hapon o gabi kung hindi nila na-maintain ang balanseng blood sugar level.

    Kawalan ng ganang kumain

    Malimit ay ipinagpapalagay na agad ng ibang tao, minsan kahit ng buntis, na magiging matakaw sila dahil sa kanilang pagbubuntis.

    Ang totoo, may mga babaeng nawawalan ng ganang kumain kapag buntis sila dahil na rin sa labis na nausea at vomiting. May ilan pa na nagkakaroon ng masyadong sensitibong pang-amoy kaya nawawalan ng gana sa pagkain.

    Iba-iba ang bawat pagbubuntis. Mayroong nakakaranas ng napakaraming sintomas, habang may may maliit na porsyento naman na wala talagang nararamdaman.

    Mayroong mga buntis na nakakaramdam lang ng sintomas pagtungtong sa 20 weeks na kanilang pagbubuntis.

    Huwag agad mag-panic kung nakakaranas ka ng mga sintomas na kakaiba. Iba ang katawan mo sa katawan ng ibang mga buntis. Kumonsulta lang sa mga medical experts para mabigyan ka ng payo na tama sa pangangailangan ng katawan mo.

    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    watch now
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close