;
embed embed2
10 Paraan Para Maibsan Ang Pamamanas Ng Buntis Kung Hindi Lang Tiyan Ang Lumalaki
PHOTO BY Unsplash/Freestocks
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Naranasan mo na bang may mga bahagi ng katawan mo ang namamanas o namamaga? Dapat ka nga bang mabahala kapag nangyari ito, lalo na ang pamamanas ng buntis?

    Ano ang pamamanas?

    Tinatawag sa medical term na edema ang pamamanas na dulot ng buildup ng extra fluid sa katawan. Isa sa mga sanhi nito ay ang pagbubuntis (swelling in pregnancy).

    Bukod kasi sa lumulobong tiyan, karaniwang manas sa paa ng buntis ang unang kapansin-pansin sa katawan ng nagdadalantao. Nasa 75 hanggang 80 porsiyento ng mga buntis ang nakararanas nito.

    Sa ilang buntis, maaaring magsimula ito sa kanilang second trimester o ika-15 linggo. Mas karaniwan itong nararanasan sa third trimester. Maaari ding magkaroon ng pamamanas sa ibang parte tulad ng mukha at mga kamay, ayon sa American Pregnancy Association (APA).

    Puwedeng panandalian o pangmatagalan ang edema. Puwede rin itong pabalik-balik, depende sa sanhi. Para sa pamamanas ng buntis, sinasabing nawawala rin ito pagkatapos isilang ang sanggol.

    Bukod sa pagbubuntis, may ilan pang sanhi ng edema, tulad ng:

    • Diet na mataas sa sodium
    • Venous insufficiency
    • Iba pang medical conditions tulad ng heart failure at sakit sa atay o bato
    • Matagal na pagtayo o pag-upo, lalo na kapag mainit ang panahon. Nakapagdudulot din kasi ito ng pag-accumulate ng excess fluid sa mga paa, bukong-bukong, at iba-bang bahagi ng binti.

    Para masuri ang edema na hindi gaanong obvious, pindutin ang iyong hinlalaki sa mga area sa iyong paa, bukong-bukong, o binti nang may mahina ngunit steady na pressure. Kung mayroong edema, makikita mong may pagkalubog o indentation sa kung saan mo ito pinisil o diniinan. Ang balat sa namamagang bahagi ay nababanat at nagiging makintab.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pamamanas ng buntis

    Ang fluid retention sa panahon ng pagbubuntis ay maaari ding mula sa isang seryosong condition na preeclampsia, ayon sa Mayo Clinic. Kung makararamdam naman ng masakit, lalo kung sa isang binti lang, posible itong indikasyon ng blood clot o deep vein thrombosis.

    Ang mabilisang paglala ng pamamaga ay maaari ding palatandaang ang iyong blood pressure ay mas mataas kaysa normal. Mas mainam kung agad na magpapasuri sa doktor upang maagapan anumang kumplikadong kondisyong pangkalusugan.

    Paalala ng mga eksperto na tandaang anuman ang sanhi ng edema, kailangan maprotektahan mula sa pressure, injury at extreme temperatures ang iyong katawan. Ang balat sa namamagang areas ay higit na nagiging sensitibo rin sa paglipas ng panahon. Mas nagiging matagal tuloy ang paghilom ng mga sugat, gasgas, at paso sa mga area na ito at nagiging mas prone sa impeksyon.

    Mas maraming body fluids at dugo ang kailangan para matugunan ang pangangailangan ng iyong baby sa iyong sinapupunan. Nasa humigit-kumulang 50 percent na body fluids ang nadaragdag sa katawan ng nagdadalang-tao.

    Ang extra fluid sa katawan ng buntis, na dahilan din ng 25 percent na karagdagang timbang, ay kailangan upang mas "mapalambot" at "ma-expand" ang katawan habang lumalaki ang sanggol sa sinapupunan. 

    Kung ikaw ay buntis, ang lumalaki mong uterus ay nagdudulot ng pressure sa iyong ugat, na nakaaapekto sa pagdaloy ng dugo pabalik sa iyong puso.

    “As the uterus grows, it exerts pressure on your veins and lymphatic tissue, which are responsible for returning blood to the circulation,” paliwanag ni Kameelah Phillips, M.D. sa What To Expect.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Vena cava ang tawag sa major blood vessel sa kanang bahagi ng iyong katawan, kung saan ang dugo mula sa lower extremities ay dumaraan pabalik sa iyong puso. Ito ang dahilan kung bakit karaniwang nararanasan ang pamamanas sa third trimester ng pagbubuntis, at mas madalas na nakikita sa mga binti, bukong-bukong, at paa ngunit tandaang hindi naman restricted sa lower limbs ang pamamanas ng buntis.

    Ang hormonal changes ay isa rin sa mga pagbabagong nagdudulot ng pamamanas, ayon sa Mayo Clinic. Ang tumataas o elevated hormone levels, partikular ang hormone na estrogen, ay sanhi rin ng pagpapalambot sa walls ng iyong veins. Dahil dito, mayroong dugong nagli-leak sa iyong tiny blood vessels papunta sa tissues. Ang ganitong kondisyon, kasabay ng increased fluid retention ang sanhi ng pamamanas ng buntis.

    Mga paraan upang maibsan ang pamamanas

    Alamin ang sumusunod na mga paraan upang mawala o maiwasan ang pamamanas:

    1. Iwasan ang pagtayo (o pag-upo) nang matagal, at magpahinga mula sa pagtayo o pag-upo.

    2. I-rotate ang paa at i-stretch ang iyong calf muscles.

    3. I-elevate ang paa habang nakahiga (mas mataas kaysa sa ulo at puso) hangga't kaya. Maaaring lagyan ng mga unan at ipatong ang mga paa roon. Maaari ding lagyan ng stool o mga libro sa ilalim ng mesa kapag nakaupo.

    4. Matulog sa iyong kaliwang side. Nakapagtatanggal ito ng pressure sa mga ugat na     nagbabalik ng dugo mula sa lower limbs pabalik sa iyong puso.

    5. Mag-commit sa simpleng pregnancy exercise regimen. Maglakad o magbisikleta. Ang paglalakad o paglangoy ay malaki rin ang naitutulong.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    6. Kumain ng masustansyang pagkain. Iwasan ang kape at mga pagkaing maalat. Piliin ang mga pagkaing mayaman sa potassium, tulad ng saging at avocado, upang makatulong na mabawasan ang pamamaga.

    7. Uminom lagi ng tubig upang manatiling hydrated. Mula walo hanggang sampung basong tubig kada araw ang inirerekomendang inumin.

    8. Magsuot ng maluwag na damit at komportableng sapatos upang mas maayos ang pagdaloy ng dugo. Ang pagsuot ng compression socks o stockings ay nakatutulong din. Iwasan ang masikip na medyas na may tight elastic o garters sa taas.

    9. Tumayo o maglakad sa swimming pool. Kahit kaunti pa lamang ang research tungkol sa paggamit ng  water pressure para sa pamamanas ng paa, ang paglalakad o pagtayo sa pool ay   nakatutulong na ma-compress ang tissues sa binti at maaaring makapagbigay ng panandaliang ginhawa mula sa pamamanas ng buntis.

    10. Subukan ang foot massage at reflexology. Ang pag-apply ng pressure sa partikular na mga bahagi ng paa, kamay, at tenga ay nakababawas ng foot and ankle swelling. Hindi rin kailangang bawasan ang pag-inom ng tubig. Ayon sa The Institute of Medicine, inirerekomendang uminom ng 10 cups (2.4 litro) ng fluids kada araw sa panahon ng pagbubuntis.

    Rekomendado rin ng mga eksperto sa sa mga buntis ang pagkontrol sa uri at dami ng kanilang kinakain (halimbawa, bawasan ang maaalat na pagkain at iwasan ang labis na pag-inom). Nakatutulong din ang regular na low-impact exercises upang ma-promote ang blood circulation. Ang sobrang pagbigat kasi at kakulangan sa pisikal na activity o ehersisyo ang dalawa sa mga nakapagpapalala sa pamamanas ng buntis.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nakatuon din ang treatment sa pagsasaayos sa pinagmumulan ng fluid accumulation. Posibleng maresetahan ka rin ng low dose ng diuretic (water pill). May mga pagkakataong kailangang magpa-opera upang mapabuti ang daloy ng dugo.

    Iba pang mga epekto ng pamamanas ng buntis

    Dahil na rin sa increased blood volume sa iyong mga ugat, sa kahit anong bahagi ng katawan maaaring maranasan ang pamamanas ng buntis. Karaniwang sanhi rin ito ng iba pang not-so-common pregnancy symptoms. Kasama na rito ang sumusunod:

    • Varicose veins sa binti, sakong, paaposibleng lumaki ang mga paa
    • Congested airways o nosebleeds
    • Pamamaga ng vocal cords at pagbabago sa pitch ng buntismas sensitibong gums, na prone sa pagdurugo
    • Blurred vision, temporar near o farsightedness, o impaired peripheral vision, dahil sa pressure sa mga ugat sa likod ng mga mata
    • Nakapagdudulot ng pagkamanhid at sakit sa kamay at mga daliri, na maaaring magdulot ng carpal tunnel syndrome
    • Panlalambot o pamamaga ng suso (naghahanda rin ang suso sa pag-produce ng gatas)
    • Sa vaginal area, ang pamamaga ay maaaring maging sanhi ng paglaki ng vulva o vagina

    May ibang mga babaeng higit na nakararanas ng pamamaga kaysa sa iba. May ilan ding hindi nakararanas nito. Paalala lamang ng mga eksperto na wala rin itong kinalaman sa kasarian ng iyong unborn baby.

    Makatutulong na tandaang kailangang iwasan at i-manage ang pamamanas upang hindi ito tuluyang makaapekto sa pang-araw-araw na mga gawain ng mga buntis. 

    Kailan dapat kumonsulta sa doktor?

    Mahalagang ipaalam sa iyong doktor ang iyong kalagayan. Kung nakararanas ng pamamanas ng buntis, matutulungan ka ng doktor na i-manage ang sintomas na ito. Posible rin kasing senyales na pala ito ng iba pang pregnancy complications.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Tatanungin ka ng iyong doktor tungkol sa iba pang mga sintomas at susuriin ang iyong kondisyon. Urine test ang magpapakita kung nawawalan ka ng protein sa iyong bato. Mayroon ding blood tests, chest X-ray at electrocardiogram (EKG).

    Huwag nang hintayin ang susunod na personal checkup kung kapansin-pansin na ang sumusunod:

    • Sumasakit, lumalambot, tumitigas, at namumula ang mga bahaging namamaga
    • Hindi pantay ang pamamaga (halimbawa, mas namamaga ang isang binti kaysa sa kabila)
    • Pamamanas ng mukha at mga kamay
    • Pananakit ng ulo
    • Pagkahilo
    • Sumasakit ang puson o pelvic area
    • Nahihirapang huminga
    • Lagnat

    Kailangang komunsulta sa doktor upang makasiguro kung ano ang sanhi ng pamamanas ng buntis nang mabigyan ng wastong diagnosis at treatment.

    What other parents are reading

     

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles