postnatal,fetus,pregnancy,pregnant,preterm birth,prenatal care,Family & Relationships,People & Society,Family and Relationships,sc25,prenatal check up,Panubigan Sa Pagbubuntis, Mahalaga Sa Debelopment Ng Baby,Alamin kung ano ang panubigan at bakit ito mahalaga sa pagbubuntis.
PregnancyGetting Pregnant

Panubigan Sa Pagbubuntis, Mahalaga Sa Debelopment Ng Baby

Alamin kung ano ang panubigan at bakit ito mahalaga sa pagbubuntis.
PHOTO BYCANVA

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

Kasabay ng pagbubuntis ang pag-debelop din ng amniotic fluid o tinatawag na panubigan. Mahalaga ito sa pagdebelop ng fetus sa sinapupunan ng isang ina. Ayon sa Medline Plus, ang amniotic fluid ay isang malinaw at bahagyang madilaw na likido na bumabalot sa fetus.

Sa loob ng uterus, napalilibutan ang fetus ng isang membranous sac na tinatawag na amniotic sac. Dito nakapaloob ang amniotic fluid na nagbibigay ng proteksyon sa baby para sa anumang impeksyon at pressure habang nasa sinapupunan. Tumutulong din ito sa paghahanda sa baby sa paglabas nito sa mundo. Dumarami ang amniotic fluid sa pagpapatuloy ng pagbubuntis at bumaba naman ito kapag malapit nang manganak. Kapag pumutok na ang panubigan, senyales na ito ng paglabas ng baby sa sinapupunan.

Ano ang amniotic fluid o panubigan?

Batay sa website ng Cleveland, Sa unang bahagi ng pagbubuntis, ang tubig o likido na ito ay mula sa katawan ng una. Pagdating ng mga ika-20 linggo ng pagbubuntis, kahalo na nito ang ihi ng fetus. Iinom ng fetus ang likido at inilalabas din niya sa pag-ihi. Ang iba pang bumubuo sa amniotic fluid ay hormones, lipid, carbohydrates, antibodies, at iba pang mga nutrients.

Ang dami ng amniotic fluid sa ika-34 na linggo ng pagbubuntis ay nasa 800ml. Nababawasan naman ito habang tumatagal. Kapag nasa full term na ng pagbubuntis o nasa ika-40 linggo ay nasa 600ml na lamang ito.

Ang panubigan na nasa loob ng amniotic sac na gaya ng isang ballon na may lamang tubig sa loob. Kapag pumutok ito, lalabas ang tubig papuntang cervix at vagina. Sa pagputok ng panubigan, kaugnay nito ang pagpapalabas ng hormones na nagdudulot ng contractions, na nagiging hudyat naman na magsisimula na ang proseso ng pangangak.

watch now

Walang kulay o karaniwang malinaw na likido ang panubigan pero minsan maaaring maging mapusyaw na dilaw. Kung naging kulay brown o berde, ibig sabihin nakahalo na ang dumi o meconium ng baby. Ito ang unang dumi o poop ng baby na kapag nahalo sa panubigan ay maaaring magdulot ng komplikasyon sa fetus kapag nakain niya.

Wala ring amoy ang panubigan. Kaya kung napansin na may lumabas na tubig sa iyo at hindi pangkaraniwan ang amoy, agad na ipaalam sa iyong doktor. Karaniwang mahirap alamin kung ihi o tubig mula sa panubigan ang inilalabas mo. Tandaan na ang ihi ay kayang pigilan at may particular na amoy ito na hindi gaya sa panubigan na hindi nakokontrol ang paglabas.

Ano ang naitutulong ng panubigan?

Mahalaga ang amniotic fluid o panubigan sa paglaki at debelopment ng fetus.

  1. Napoprotektahan nito ang fetus sa anumang impeksyon.
  2. Nagbibigay ng proteksyon sa paggalaw ng fetus.
  3. Nakatutulong sa pagdebelop ng kalamanan at buto ng fetus para sa mas makagalaw nang malaya.
  4. Nakatutulong din sa pagdebelop ng digetsive at respiratory system.
  5. Napipigilan ang pagpalupot o pagkaipit ng umbilical cord na nagdadala ng oxygen at sustansiya sa baby.
  6. Nakokontrol ang temperatura ng katawan ng fetus.
  7. Nagpapalakad ng immune system ng fetus dahil naglalaman ito ng antibodies.
  8. Nagsisilbing pansanggalang ng fetus sa anumang panlabas na injury pag-absorb ng biglaang galaw.

Bakit mahalagang malaman ang dami ng panubigan?

Ang dami ng panubigan ay nakabatay sa tagal o linggo ng pagbubuntis. Karaniwan na ang pinakamataas na lebel nito ay nasa pagitan ng 34 hanggang 36 na linggo at unti-unti naman itong bumababa o nababawasan kapag papalapit na ang due date o araw ng panganganak. Gayunman may normal na dami ang kailangan para maging malusog ang pagbubuntis. Kaya palagian din ang pagtingin ng dami nito sa iyong mga prenatal checkup sa pamamagitan ng ultrasound. Kundi naman, inaalam ng doktor kung sapat pa ang panubigan para sa iyong baby sa pagsukat ng fundal height. Ang fundal height ay ang distansya sa pagitan ng ibabaw ng iyong uterus at ibabaw ng pubic bone. Inisa-isa ng Cleveland ang mga kondisyong pangkalusugan na naidudulot ng dami ng panubigan.

1. Mababang dami ng panubigan o oligohydraminos

Ang mababang dami ng panubigan sa unang anim na buwan ng pagbubuntis ay delikado. Maaari itong magdulot ng maagang panganganak, miscarriage, at hindi lubos na pagdebelop ng fetus. Kung sa mga dulong bahagi naman ng pagbubuntis, maaaring magpulupot ang umbilical cord.

2. Labis na dami ng panubigan o polyhydraminos

Ang labis na dami ng panubigan ay nagdudulot ng mga sintomas gaya ng pagmamanas sa paa, pagkahingal, hirap sa pagdumi o constipation. Maaari din itong magdala ng pressure sa mga kalapit na organ. Magdudulot din ito ng maagang panganganak.

3. Impepksyon sa placenta at panubigan o chorioamnionitis

Nangyayari ito kapag ang pumutok ang panubigan nang matagal na bago ang panganganak. Pangunahing sintomas nito ang lagnat. Kabilang pa rito ang mabilis na tibok ng puso, pamamaga o pananakit ng uterus, at hindi kaaya-ayang amoy mula sa amniotic fluid.

4. Maagang pagputok ng panubigan o premature rupture of membranes (PROM)

Kadalasan na nangyayari ito sa ika-37 linggo ng pagbubuntis at bago ang panganganak. Kailangan na ilabas agad ang iyong baby para makaiwas sa impeksyon o iba pang komplikasyon.

Paano malalaman na pumutok na ang panubigan?

Isa sa nagiging problema ng mga buntis ay kung paano masasabi na pumutok na ang kanilang panubigan. Mahalagang malaman ito dahil senyales na ito ng iyong panganganak. Inilahad ng Parents ang mga senyales na pumutok na ang panubigan. Bago rin pumutok ang panubigan, tandaan na makararanas muna ng mga regular na contraction.

  1. Hindi na makontrol o mapigilan ang paglabas ng tubig.
  2. Klaro o malinaw na tubig ito na walang amoy hindi kaya sa ihi na manilaw-nilaw. Minsan mapusyaw na pink din ito dahil sa kasamang dugo.
  3. Makakaramdam ka ng pressure na parang nadudumi ka.
  4. Parang naiihi ka na walang tigil at masyadong marami.
  5. Gaya ng tubig ang lumalabas na likido sa halip na malapot at malagkit. Payo naman sa Baby Center, maaaring magsuot ng malinis na panty liner at umupo o humiga nang 30 minuto. Kapag sobrang basa ang panty liner, maaaring panubigan o amniotic fluid na ito. Kung sakali na tuyo naman, maaaring discharge o ihi lamang ito. Gayunman, para higit na makatiyak, kumonsulta sa iyong doktor.

Paano kung hindi pumutok ang panubigan?

Kapag kabuwanan o due date mo na sa panganganak pero hindi pa rin pumuputok ang iyong panubigan, magsasagawa ng induction labor ang iyong doktor. Maaari ding manwal na paputukin ng ob-gyn ang iyong panubigan. Tinatawag ang prosesong ito na amniotomy kung saan gumagawa ng maliit na hiwa sa amniotic sac gamit ang manipis na plastic hook para paputukin ito at makalabas ang tubig.

Ano ang mga dapat gawin kapag pumutok ang panubigan?

Alalahanin ang mga tips na ito sakali namang pumutok na ang panubigan:

  • Manatiling kalmado at huminga nang malalim para marelaks.
  • Obserbahan ang kasunod na mararamdamang mga contraction o paghilab ng tiyan.
  • Tingnan din kung may kasamang dulog o kulay berde ang lumalabas na tubig.
  • Ihanda ang mga gamit na dadalhin sa hospital at ipaalam sa iyong doktor ang kondisyon.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close