embed embed2
  • Saan Makakabili? Magaganda At Komportableng Maternity At Breastfeeding Dresses

    Sinong nagsabing hindi pwedeng maging sexy at fashionable kapag buntis?
    by Ana Gonzales .
Saan Makakabili? Magaganda At Komportableng Maternity At Breastfeeding Dresses
PHOTO BY iStock
  • Maraming nagbabago sa katawan ng isang buntis at hindi maikakailang minsan, nakakababa ng confidence ang mga pagbabagong ito. Lalo pa kung nadagdagan ang iyong timbang o hindi kaya ay umitim ang iyong kili-kili, siko, o tuhod.

    Sa kabila ng mga pagbabagong ito, hindi mo dapat isiping wala ka nang pwedeng gawin para maging magandang muli ang tingin mo sa iyong sarili habang ika’y buntis. 

    Para sa mga nanay sa aming Facebook group na Smart Parenting Village, ang pagkakaroon ng isang maayos na set ng maternity clothes ang isa sa mga paraan para ma-feel good kang muli sa iyong sarili. Bukod pa sa pagpapaganda, makakatulong din para maging mas komportable ka kung mayroon kang mga damit na kasya sa iyong lumalaking tiyan. Narito ang ilan sa mga sellers na paborito ng mga nanay sa Village:

    Kaypee Baby Nursing and Maternity Wear

    (Facebook: @kaypeebaby)

    Ang gusto ng mga nanay sa Kaypee ay ang diversity ng kulay ng damit na mayroon sila. Hindi mo na kailangang magsuot ng itim para magmukhang payat. May mga kulay sila na bagay sa maraming complexions.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Bukod pa riyan, dumodoble rin bilang nursing dresses ang mga damit sa Kaypee kaya hindi mo na kailangang bumili ng iba pang set ng damit para sa pagpapasuso.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Inang’s Collection Ph

    (Facebook: @inangscollectionph)

    Maiiksi man o mahahabang dresses ang hanap mo, mayroon sila niyang sa Ineng’s Collection Ph. 

    Mayroon silang plain at mayroon din silang flora, depende sa style at print na gusto mo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Hindi ka limitado sa style at design kaya hindi mo mararamdamang may nagbago sa pananamit mo.

    Work It - Breastfeeding In Style

    (Facebook: @workit.ph)

    Sinong nagsabing hindi ka pwedeng maging fashionable habang nagpapadede?

    Aakalain mo bang maternity at breastfeeding dresses ang mga damit na ito? 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bukod sa sunod sila sa kasalukuyang uso, hindi rin ikokompromiso ng mga ito ang iyong comfort.

    Momewear

    (Facebook: @momewear)

    Ang adbokasiya naman ng Momewear ay ang maging source ng mga maternity at breastfeeding clothes na abot-kaya o pasok sa budget ng mga nanay.

    Marami silang available na styles, cuts, at colors na hindi mawawala sa uso.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Highly recommended sila ng mga nanay sa Smart Parenting Village dahil na rin sa kalidad ng kanilang mga produkto at sa dami ng choices.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Valianne’s Trends

    (Facebook: @valiannestrends)

    Nag-aalala ka bang hindi ka na pwedeng mag-shorts o skirt kapag buntis ka? Sa Valianne’s Trends ka makakahanap ng mga pang-ibaba na pwedeng-pwede sa iyong growing baby bump.

    Ternohan mo lang ito ng paborito mong nursing shirt at set ka na para sa araw mo. Cute din ang mga dresses nila na pwedeng dumoble bilang nursing dress.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mum and Tuck

    (Facebook: @mum.and.tuck)

    Ang nagustuhan naman ng mga nanay sa Mum and Tuck ay ang kanilang free shipping kapag nakabili ka ng mahigit Php2,000. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Madalas din ang kanilang mga deals at sales kaya patok talaga sa mga nanay.

    May pants and dresses din sila na pwede hanggang sa size 43 na bewang.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Paige’s Apparel

    (Facebook: @paigesapparel)

    Paborito rin ng mga nanay sa Village na mamili dito dahil sa dami ng designs na pwede mong pagpilian.

    May jumpsuits at rompers din sila na pwede sa size XL.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Magaganda rin ang kanilang mga kimono dresses.

    Ilan lamang iyan sa mga highly recommended shops ng mga nanay mula sa aming Facebook group na Smart Parenting Village. Ikaw? Saan ka umoorder ng iyong mga maternity at breastfeeding dresses? I-share mo na sa comments section. 

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles