-
Sa Ika-37 Linggo Ng Pagbubuntis, Maging Alerto Sa Watery Discharge
by Jocelyn Valle .
- Shares
- Comments

Patuloy ang mga sintomas ng pagbubuntis sa 37 weeks kahit marahil sobrang excited ka na bilang mom-to-be at gusto nang manganak. Handa na rin si baby sa puntong ito, pero hindi pa siya, ika nga, lutong-luto para lumabas.
Huwag mainip kung hindi pa nakakaramdam ng labor pains. Mangyayari ito dalawang linggo bago o di kaya lampas ng due date, na tinatawag ding “estimated date of delivery” (EDD). Bibihira ang ipinapanganak sa eksaktong due date — halos 5 percent lang sa mga naisilang na sanggol, ayon sa Women & Infants.
Mga mararamdaman na sintomas ng buntis sa 37 weeks
Mainam na lasapin na lamang ang huling bahagi ng iyong pagbubuntis habang naghahanda sa panganganak. Ang nadadagdag mong timbang ay hindi na mananatili sa katawan mo, bagkus diretso na sa lumalaking sanggol sa iyong sinapupunan. Pero may discomfort ka pa ring mararamdaman, kasabay ng ilan pang mga bagay sa ika-37 na linggo ng iyong pagbubuntis.
Paghilab ng tiyan
Makakaramdam ka ng tinatawag na Braxton Hicks o false labor contractions, pero hindi ito kasing sakit at kasing dalas ng totoong labor contractions. Nawawala naman ito kapag nagpalit ka ng posisyon sa pagkakaupo o pagkakahiga.
Sa totoong labor contractions, bumubukas na ang cervix habang tumitindi at tumatagal ang paghilab ng tiyan. Makakaramdam ka na rin ng paghahabol sa hininga at pananakit ng likuran pati na ng tiyan.
Kaunting pagdudugo
Normal ang spotting sa 37 weeks ng pagbubuntis dahil masyado nang sensitibo ang cervix. Bahagya itong dumudugo pagtapos, halimbawa, ng sex o vaginal internal exam (IE). Pero kung duda ka sa dami ng lumalabas na dugo, maaaring tawagan ang doktor nang masiguro ang kaligtasan mo at ng iyong sanggol.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWTungkol naman sa kulay pink o mapulang substance na napapansin mo sa iyong panty, ito ang malagkit at mala-gelatin na mucus plug na kumakawala sa cervix. Senyales ito ng panimulang labor. May ilang mga ina na nakaranas nito dalawang linggo bago pa sila nakaramdam ng iba pang labor signs.
Pagpatak ng tubig
Kapag napansin mong may watery discharge, kahit hindi malakas ang patak o agos nito, makabubuti ang maagap na pagpunta sa ospital. Baka kasi pumutok na ang iyong panubigan at kailangan mo nang manganak. Sabihan mo ang doktor mo, lalo na kung may iba ka pang nararamdaman, gaya ng:
- Pagdudugo
- Pagtigil ng sanggol sa paggalaw
- Pagtaas ng blood pressure
- Pananakit ng ulo nang sobra sa karaniwan
- Pagkalabo ng paningin
- Pagmamanas nang biglaan
- Pagkahilo at pagduduwal
Kung hindi man labor signs, baka senyales ang mga iyon ng pregnancy complications, tulad ng preeclampsia, at placenta problemas.
Samantala, ang mga karaniwang sintomas ng pagbubuntis sa 37 weeks ay hindi na patungkol sa lumalaking sanggol, ngunit sa nalalapit na nitong paglabas.
Pagbabago sa suso
Bukod sa pangingitim ng areola at nipple, maaaring mapansin mo na ang dating inverted nipple ay biglang umaangat. Paghahanda na kasi ito para sa breastfeeding. Bumibilog na rin ang milk glands dahil napupuno na ang mga ito ng colostrum at namamaga na ang mga suso.
Pananakit sa tiyan at pelvis
Posibleng nakaposisyon na si baby na una ang ulo patungo sa birth canal kaya nagkakaroon ng pressure sa pelvic area. Lumuluwag naman ang iyong ligaments para matulungan ang iyong sanggol sa nakaambang paglabas. Ang nangyayari tuloy, nakakaramdam ka ng pressure sa tiyan at pananakit sa pelvic area, lower abdomen, likuran, at balakang.
CONTINUE READING BELOWwatch nowProblema sa pagtulog
Dahil sa pain at discomfort na nararamdaman, nahihirapan kang matulog. Subukan mong matulog nang nakatagilid at gumamit ng pregnancy pillows para maging kumportable ang iyong pakiramdam. Posible ring makatulong ang pag-inom ng mainit na gatas at meditation bago humiga sa kama.
Paglaki ni baby sa tiyan sa ika-37 linggo ng buntis
Sa parte naman ni baby, halos 19 inches (48.26 cm) na ang kanyang haba, mula ulo hanggang talampakan, at may bigat na 6 pounds (2.72 kg). Patuloy pa ang kanyang paglaki hanggang tuluyan na siyang lumabas. Kadalasan, mas mabigat ang baby boys kesa sa baby girls nang ipanganak.
Ang nakakatuwa nito, nagsisimula nang gumawa si baby ng facial expressions, tulad ng pagngiti at pagsimangot. Posible din daw na nagsasanay na siyang umiyak nang tahimik lang, pero hindi dahil malungkot o masaya sila. Random lang daw.
Sa puntong ito, malalaman mo na kung kailan active si baby at kung kailan kalma lang siya. Kadalasan ang mga sipa ay nagiging suntok na lang dahil limitado na ang espasyong kanyang kinalalagyan sa sinapupunan. Maalarma ka lang kung biglang nababawasan ang kanyang paglikos at kaagad sabihin ito sa iyong doktor.
Handang-handa na talagang lumabas si baby. Nagsasanay siyang huminga ng amniotic fluid, kumurap-kurap, at umiling-iling. Nakakahawak na rin siya, halimbawa, ng kanyang ilong o daliri sa paa. Ready na rin ang kanyang disgestive system para sa kanyang unang pagdumi na tinatawag na meconium sa sandaling makalabas na siya.
Pero hindi pa lubusan ang development ng kanyang lungs. Nagsisimula nang dumaloy ang antibodies mula sa umbilical cord hanggang sa sanggol. Makakatulong ang antibodies para maprotekahan si baby sa banta ng mga sakit at germs sa kanyang paglabas.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWBukod sa pagiging listo sa mga sintomas ng pagbubuntis sa 37 weeks na, mainam na lubusin ang paghahanda sa panganganak. Dapat tapos mo na ang pagplano sa birth plan at postpartum care plan, pati na ang mga gastusin at dadalhin sa ospital. Alalahanin na may mga bagong patakaran sa ospital bunsod ng COVID-19. (Basahin dito ang ilang mga paalala.)
What other parents are reading

- Shares
- Comments