embed embed2
  • Yeast Infection, Discharge At Iba Pang Pagbabago Sa Katawan Ng Buntis Na 'Di Napag-uusapan

    Ipinagpatuloy nina Isabelle Daza at ng kanyang OB-GYN ang usapan tungkol sa unglamorous side ng pagbubuntis.
    by Ana Gonzales .
  • Sa unang bahagi ng vlog ng celebrity mom na si Isabelle Daza tungkol sa 'unglamorous side' ng pagbubuntis, tinalakay nila ng OB-GYN niya na si Dr. Zara Chan ang constipation, hemorrhoids at iba pang pagbabago sa katawan ng buntis.

    Sa ikalawang bahagi ng kanyang vlog, pinag-usapan naman nila ang gestational diabetes, ovulation, discharge at iba pa. "Is it normal to start snoring and sweat more when you're pregnant?" Paunang tanong ni Isabelle.

    "During pregnancy, there are huge changes in your body," paliwanag ni Dr. Chan. "We often remind women who are planning to get pregnant that you need to be in a healthy state to get through the whole pregnancy." Narito pa ang mga tanong na sinagot ni Dr. Chan.

    Pwede bang maiwasan ang gestational diabetes?

    "Gestational anything means any condition that happens during pregnancy," pagsisimula ni Dr. Chan. "Gestational diabetes is diabetes during pregnancy," pagpapatuloy niya.

    "When you test positive for it, it doesn't mean you will have diabetes for the rest of your life," paliwanag niya. "Avoiding it? It's actually a genetic tendency. It's not something that you can do yourself to avoid. But we do know that some people will have certain conditions that increase the risk of it."

    Sabi ni Dr. Chan, maaaring tumaas ang risk mo na magkaroon ng gestational diabetes kung ikaw ay obese bago ka pa man magbuntis at kung mayroon kang polycystic ovaries.

    "There are also pregnancy conditions that increase that risk," sabi niya. "It's not the amount of sugar that you were having during that pregnancy."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mas mahalaga rin daw na i-monitor ang calorie intake kaysa ang dami ng sugar na kinakain mo. Payo pa ni Dr. Chan, mas magandang kumonsulta sa isang dietician para bantayan ang iyong diet.

    Mahalaga ba ang glucose test sa isang buntis?

    Maraming mga buntis ang hirap sa glucose test. Sagot ni Dr. Chan, importante ito para malaman kung high risk ang iyong pagbubuntis. "If you have diabetes, it actually changes your pregnancy risk. The pregnancy as a whole becomes more high risk."

    Ano ang maituturing na normal na discharge sa isang buntis?

    "The normal discharge during the course of pregnancy changes," ayon kay Dr. Chan. "In the first trimester, the amount of discharge is not so much, unless there's an infection."

    Kung puti, makapal, makati, at may amoy ang discharge mo, maaaring senyales ito ng impeksyon. Kailangan mong kumonsulta sa doktor. Ang surge o pagtaas ng hormones sa iyong katawan ay maaaring maging dahilan para mas maging prone ka sa impeksyon tulad ng yeast infection.

    Mas manipis naman ang discharge sa iyong second trimester, habang muscous-like naman kapag nasa third trimester ka na.

    Bakit nagkakaroon ng urinary tract infection ang buntis?

    "UTIs in pregnancy, we don't like them," sabi ni Dr. Chan. "We really want to treat them as soon as possible and we want to make sure they're cleared because any untreated UTIs can increase the risk of preterm labor."

    "We will give appropriate antibiotics to make sure it's cleared," paliwanag pa niya.

    Marami pang ibang pagbabago sa katawan ng isang buntis at marami ring maaaring mangyaring kumplikasyon kung hindi ka mag-iingat sa iyong kalusugan.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Pwede mong panoorin ang kabuuan ng kwentuhan nina Isabelle at Dr. Chan dito:

    Kung may mga nararamdaman ka habang ikaw ay buntis, mahalagang makipag-ugnayan agad sa iyong OB-GYN para sa karampatang lunas at tamang medical advice.

     

    May mga tanong ka ba tungkol sa iyong pagbubuntis? Pwede kang sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    What other parents are reading

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles