-
May Weekly Supply Ka Na Ba? 8 Prutas Na Masagana Sa Folic Acid
Tandaan, napakahalaga ng tamang nutrisyon sa mga buntis.by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Isa ang folic acid o folate sa mga pinaka importanteng bitamina na kailangan ng mga buntis. Ayon sa mga eksperto, nakakatulong ito para pigilan ang mga neural birth defects katulad ng spina bifida at anencephaly. Dagdag pa nila, malaki rin ang naitutulong ng folic acid para suportahan ang brain development ng mga bata.
Madalas, folic acid ang unang inirereseta ng mga doktor sa kanilang mga pasyente, lalo na sa mga unang buwan ng pagbubuntis.
Bukod sa mga vitamin supplements, maaari ka ring makakuha ng folic acid mula sa mga pagkaing tulad ng itlog, atay, munggo, at soybeans. Maraming mga prutas at gulay din ang likas na mayaman sa folic acid.
Mga prutas na masagana sa folic acid
Orange
Alam mo ba na ang isang malaking orange ay nagtataglay ng 55mcg ng folate? Bukod pa riyan, mayaman din ito sa vitamin C, isang essential micronutrient na malaki ang naitutulong para palakasin ang iyong immune system.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWGrapefruit
Isa pang prutas na mayaman sa vitamin C at folate ang grapefruit. May 4% ng recommended daily intake (RDI) ng folate ang prutas na ito.
Mayaman din ito sa mga antioxidants at magandang pagkuhanan ng fiber at iba pang vitamins at minerals tulad ng vitamin A, potassium, at magnesium.
Lemon
Ang isang quarter cup ng lemon juice ay mayroong 3% ng folate. Mayroon din itong 2% ng potassium. Isa sa pinaka masarap na paraan [ara ma-enjoy mo ito ay sa paggawa ng lemon juice—lalo na ngayong napakainit ng panahon.
Paliwanag ng mga eksperto, bagaman malaki ang naitutulong ng mga folic acid supplements, iba pa rin ang absorption sa katawan ng mga natural na sources nito.
Papaya
Isa na siguro ang hinog na papaya sa mga prutas na talaga namang sobrang masagana sa folic acid. Ang isang cup nito ay nagtataglay ng 53mcg ng folate. Tulad ng ibang mga prutas na nabanggit, masagana rin ito sa vitamin C, potassium, at antioxidants.
CONTINUE READING BELOWwatch nowBanana
Kilala ang banana na mayaman sa potassium. Pero alam mo ba na masagana rin ito sa folic acid? 23.6mcg ng folate ang kayang isuplay ng isang saging na katamtaman ang laki.
Mayaman din ito sa vitamin B6 at manganese.
Avocado
Ang kalahati ng isang avocado ay nagtataglay ng 82mcg ng folate—21% ng dami na kailangan mo sa isang araw. Mayaman din ang avocado sa mga tinatawag na monosaturdated fats na maaaring makatulong para maiwasan mong magkaroon ng heart disease.
Melon
Bukod sa napaka-refreshing ng prutas na ito, mayaman din ito sa folate—25mcg ang isang slice ng melon. Mayroon din itong vitamin A at vitamin C.
Mangga
Ang isang cup ng hinog na mangga ay may taglay na 71mcg ng folate. Bukod pa riyan, maganda rin ito para sa iyong digestive system dahil masagana ito sa fiber. Sabi pa ng ilang mga eksperto, nakakatulong ito para mapababa ang bad cholesterol sa iyong katawan.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWBukod pa sa mga nabanggit, mayaman din sa folate o folic acid ang mga gulay tulad ng asparagus, spinach, kale, at broccoli. Pati ang beef liver at iba't-ibang nuts at seeds ay masagana din sa folic acid.
Siguradong hindi ka mauubusan ng mga recipes na pwede mong lutuin para araw-araw mong makuha ang iyong daily recommended intake ng folate.
Anu-anong mga recipes ang nasubukan mo na na mayaman sa folic acid? I-share mo na 'yan sa comments section.
What other parents are reading

- Shares
- Comments