embed embed2
De-Latang Pagkain, Seafood at Soft Drinks: Bawal Nga Ba sa Buntis?
PHOTO BY femina.ch
  • Hindi isang simpleng bagay ang pagbubuntis. Totoong challenging ang ganitong sitwasyon sa isang babae dahil lagi mong iisipin hindi lamang ang iyong sarili kundi pati ang baby sa iyong tummy. Maraming pagbabago ang kailangang gawin lalo na sa iyong lifestyle, mga pagbabgo na may konting sakripisyo.

    Isa na rito ang pagkain ng iyong mga paboritong chocolate, kape, soda, crackers, junk foods, sushi, at iba. Totoo bang nakasasama o hindi nakabubuti ang mga ito sa isang buntis? Narito ang ilang kaalaman na dapat isaalang-alang.

    Anong pagkain ang bawal sa buntis

    1. Mga inuming may caffeine

    Ang pag-inom ng mga inuming mataas ang caffeine at maging sugar gaya ng coffee, tea, soda, at chocolate drinks ay makaapekto sa pagdebelop ng baby na maaaring magresulta ng mga komplikasyon o maging dahilan upang makunan. Pinapayagan naman kung minsan ang pag-inom ng kape ngunit hanggang 300ml lamang kada araw. Ngunit madalas na pinaiiwas talaga sa pag-inom nito kapag nasa first trimester ng pagbubuntis upang maiwasan ang anumang komplikasyon.

    Hangga’t maaari din decaf ang kape na iniinom ng mga buntis. Ang mga tsaa o tea naman ay maaari din naman paminsan-minsan ngunit hindi ang gaya ng mga pampapayat o cleansing tea saka ang milk tea na mataas sa trans fats na nakapagpapataas naman ng cholesterol.

    What other parents are reading

    2. Mga pagkain na mataas sa sugar content

    Gaya ng mga inuming may caffeine, pinaiiwas din ang buntis sa pagkonsumo ng pagkain na mataas ang sugar content gaya ng chocolate, cake, sweets at iba pa. Ang labis na pagkain ng matatamis na pagkain ay maaaring magdebelop ng gestational diabetes na makasasama sa ina at sanggol.

    Dagdag pa rito, ang pag-inom ng sofdrink o carbonated na mga inumin ay hindi rin makabubuti sa mga buntis. Samantala, ang pag-inom ng mga fresh juice ay makabubuti naman dahil sa mga nutrisyon na makukuha sa mga prutas gaya ng sa orange juice na nagtataglay ng fiber, calcium, at vitamin C. Subalit hindi inirerekomenda ang mga artificial juice drinks dahil sa sugar content nito na maaaring maging sanhi ng gestational diabetes kapag nasobrahan sa pag-inom. Makabubuti pang uminom na lamang ng maraming tubig.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    3. Pag-inom ng alak

    Kahit ang pag-inom ng mga ocassional wine ay ipinagbabawal sa buntis dahil sa content nitong alcohol na makakasama sa development ng iyong baby o posibleng madevelop ang fetal alcholol syndrome na makaapekto sa kaniyang physical at cognitive development.

    What other parents are reading

    4. Hilaw o hindi lutong pagkain

    Pinaiiwas din ang buntis sa pagkain ng hilaw (raw) na pagkain dahil sa kontaminasyon nito ng salmonella at mga bacteria na maaaring makaapekto sa baby o magresulta ng panganganak nang wala sa oras. Ang pagkain ng mga isda na mataas ang mercury content gaya ng shark, tuna, mackerel, swordfish ay hindi rin makabubuti sa buntis.

    Bukod sa isda, ipinagbabawal din ang hilaw na laman ng baboy o manok, pati na rin ang hindi lutong itlog, saka talaba, tahong, at iba pang shellfish. Idagdag na rin ang mga unpasteurized na produkto gaya ng dairy at gatas. Isama na rin dito ang pagkain ng mga de-latang pagkain dahil sa preservatives na mayroon ito gaya ng sodium at sugar na maaaring mag-expose sa buntis sa mga kemikal na magpapataas ng posibilidad na makunan siya. Kung talagang hindi naman maiiwasan, ipinapayo na tiyaking nalutong mabuti ang mga de-latang pagkain.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    5. Mamantikang pagkain

    Maaaring kumain ng mga oily food o mamantikang pagkain basta limitahan lamang ang dami. Ang sobrang pagkonsumo ng pagkain na mamantika ay nakapagpapataas ng pagkakaroon na heartburn. Nakapagpapahina rin sa immune system ng baby kapag labis na pagkonsumo ng mga ganitong pagkain. Subalit nakabubuti naman ang pagkain ng mga nagtataglay ng omega-3 fatty acid na makikita sa mga isda.

    What other parents are reading

    Bukod sa mga pagkain na banggit, narito ang ilan namang mga gawain din na kailangang iwasan habang buntis sapagkat nakasasama ito sa iyo higit lalo sa safety ng iyong baby.

    • Paninigarilyo at pagkalanghap ng usok ng sigarilyo
    • Pag-inom ng gamot na walang reseta
    • Pagbubuhat ng mabigat
    • Matagal na pagtayo o paglalakad
    • Mabibigat at matatagal na ehersisyo
    • Paggamit ng mga produktong may kemikal na hindi angkop sa buntis

    Anu-anong mga bawal gawin ng buntis?

    Bukod sa hindi pagkain at pag-inom ng ilang mga putahe at inumin, mayroon ding mga bagay na bawal gawin ng buntis. Narito ang ilan sa mga iyan:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Maglinis gamit ang mga cleaning items na may harmful chemicals

    Ang amoy ang iniiwasan mo kaya hanggat maaari, hindi ka na dapat naglilinis gamit ang mga panlinis na may matatapang na amoy. 

    Maging ang paglagi sa isang kwartong amoy pintura o ano mang kemikal ay dapat mo na ring iwasan.

    Pag-inom ng ilang klase ng gamot

    May mga gamot na bawal sa mga buntis. Bago uminom ng kahit anong over-the-counter medicine, kumonsulta muna sa mga doktor. 

    Paglublob sa hot tub at paggamit ng sauna

    Ayon sa mga eksperto, mas mainam kung warm bath ang gagawin mo sa halip na mainit na tubig sa hot tub. Dapat mo na ring iwasan ang pagbababad sa sauna dahil hindi makakabuti sa iyo ang masyadong mainit na temperatura. 

    Paninigarilyo

    Hindi ka na rin dapat naninigarilyo o lumalapit sa mga taong naninigarilyo. Makakasama kasi sa iyo at sa dinadala mong sanggol ang usok ng sigarilyo. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Siyempre pinakamahalaga sa lahat na sundin ay ang payo ng iyong doktor. Dapat din na laging tiyaking puwede sa iyo ang pagkain at tama ang amount o dami ng iyong kinakain dahil higit na nakasasama kung sobra at palagian ang pagkonsumo ng mga ipinagbabawal lalo na kung may problema sa pagbubuntis. Sabi nga dapat “in moderation” lamang ang kailangan. Wala namang mawawala kung mag-iingat, di ba? Mas mabuti nang umiwas muna kaysa malagay sa panganib ang baby sa iyong tummy.

    Ang mga impormasyon na nakalahad dito ay nanggaling sa: 

    Safe or Unsafe? 6 Foods Pregnant Women Should Be Cautious About

    Is It Safe to Drink Milk Tea, Fruit Juice or Sports Drink When You're Pregnant?

    Time to Quit: Drinking Coffee or Soda While Pregnant

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close